Linggo, Pebrero 24, 2013

BAKIT KAILANGAN KO MAG-ARAL?....E BABAE AKO!


Papuri ay kay Allah!

Una sa lahat,pinapayagan ba sa Islam na mag-aral ang isang babae?

"Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng BAWAT  Muslim"[Sunan Ibn Majaah]

Ang hadith na ito ay nagpapatunay na bawat Muslim,maging babae o lalaki ay kinakailangan na maghanap ng kaalaman tungkol sa kanyang deen.At bilang karagdagan,ang sumusunod na pahayag ay nagpapatibay na anomang kaalaman na makakatulong sa atin sa mundong ito o maging sa Kabilang Buhay,at hindi lihis sa Islam,ay pinahihintulutan."Ang isang naghahanap ng kaalaman ay hindi dapat ipinagwawalang bahala ang pangyayari sa kanyang paligid,ito ay isang paraan upang madagdagan ang kanyang kaalaman.Ang isang "faqeeh" ay iyong nakakaintindi sa kayang binabasa at nauunawaan niya kung paano ito isabuhay.Tanggap nating lahat na ang tao ay kinakailangan na "mayroong kaalaman tungkol sa tunay na buhay upang malaman niya kung paano ba mabuhay ang isang tao".

Gayunpaman,nakakalungkot na ang ibang mga Muslimah ay hindi ganoon kasidhi ang pagnanais na maghanap ng kaalaman.At ang matindi pa,may mga lalaking Muslim na nagsasabi na ang babae ay dapat lamang manatili sa loob ng bahay at huwag nang mag-aral pa.Bagamat sapat na ang  mga mapapanaligan na ahadith at hukom ng mga iskolar na nagpapatunay na mali ang isipin na ito,nais ko pa ring ipaunawa sa lahat ang kahalagahan ng EDUKASYON.Umaasa ako na ang artikulong ito ay magbibigay ng inspirasyon sa aking mga kapatid na Muslimah upang mas higit nilang pag-ibayuhin ang paghahanap ng kaalaman.

Kung gayon,ang edukasyon na tinutukoy sa artikulong ito ay iyong tungkol sa Islam at sa kapaki-pakinabang na sekular na kaalaman.

Mga kapatid kong Muslimah,tayo ay mapalad na magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa iginagalang at magandang eskuwelahan.Biniyayaan tayo dahil tayo ay hindi napili upang mag-trabaho ng  "mababang uri" dahilan sa kakulangan ng kaalaman.Mapalad tayo dahil binigyan tayo ng kalayaan na ipahayag ang ating sarili.Marami ang hindi makagawa ng mga bagay na ito dala ng kahirapan o di kaya naman ay ng kapansanan.Mayroon akong sister na kakilala,bulag siya at nag-aaral sya sa pamamagitan ng pakikinig sa notes na binabasa sa kanya.Alhamdulillah!Ngayon ay matatapos na siya sa kanyang Master's degree.At eto tayo,lahat ng pagkakataon ay ibinigay sa atin,pero mas pinili natin ang maging pabaya sa paghahanap ng kaalaman.Ang mga gastusin sa ating pag-aaral,halos lahat ay ang ating magulang ang siyang pumasan,nagtatrabaho sila gabi at araw para lamang mapagtapos tayo.

Mga kapatid kong Muslimah,ang edukasyon ay hindi lamang makukuha sa mga libro na nagmula sa eskuwelahan.Kaya kung halimbawa ay natuto kang gumamit ng isang makina na napatunayan mong kapaki-pakinabang,iyon ay edukasyon.

At kung ninanais mong malampasan ang buhay na ito,kailangan mong pag-aralan ang lahat ng aspeto.Sa bilis ng takbo ng panahon,kailangan nating humabol.Ang karanasan ng isang nabalo  na sister ay isang magandang halimbawa para rito.Siya na nakadepende lamang sa kanyang asawa at hindi nakapag-aral,at wala siyang ibang mapuntahan ng mamatay ang kanyang asawa.Simula ng mamatay ang kanyang asawa,gumigising siya na mayroong pangamba at pag-aalinlangan.Hindi tiyak kung ano ang gagawin niya sa araw na iyon,dahil wala na ang taong inaasahan niya.Mayroon namang isang sister na dahil kulang siya sa edukasyon ay tinitiis na lamang niya ang pangmamaliit sa kanya ng mga magulang ng kanyang asawa,lahat ng masasakit na salita ay tinatanggap niya,para lamang mayroon siyang bubong na masilungan.At dahil siya ay ulila na,kanino siya hihingi ng tulong?Paano ang kalagayan ng mga babaeng ganito?Paano sila mag-uumpisa ng negosyo kung hindi nila alam ang mga nangyayari sa mundo ng pangangalakal?Paano sila hihingi ng katarungan kung hindi nila alam ang kanilang karapatan?Napakaraming kaso na ang kinabukasan ng kababaihan at ng kabataan ay nasisira dahil sa iniwan nila ang pag-aaral.Ito ay dapat magsilbing panawagan sa mga brothers na nagsasabing hindi kailangan na mag-aral ang isang babae.Anoman ang naisin ng isang Muslimah,maging ito ay kumita ng pera o hindi,kailangan maging handa sila upang mamuhay ng walang sinasandalan,ng ayon sa hangganan na itinakda ng Islam,at matutong lumaban, kung hihingiin ng pagkakataon.

Mga kapatid kong Muslimah,sa ngayon,ang Islam ay itinuturing na isang makalumang relihiyon ng mga taong hindi nakakaunawa ng aral nito,marami ang nagsasabi na ang kababaihan daw sa Islam ay walang kalayaan,na tayo daw ay inaapi.Sa mga nakaraang dekada,kakaunti lamang ang nalalaman ng mundo tungkol sa tamang aral ng Islam.Kung magpupunta ka sa isang bookstore,bibihira ang libro tungkol sa Islam."Ang isang babae na nakakabasa at nakakasulat ay mas malaki ang porsyento na maipapasa niya ito sa kanyang mga anak,kumpara sa ama ng tahanan.Sapagkat siya(ina) ang kasama ng mga bata sa loob ng bahay.Kung gayon,ang edukasyon ay maaring umpisahan sa loob mismo ng tahanan at walang anumang gastusin,kailangan lamang ay pagtitiyaga at tamang pagtuturo.Maaaring magnegosyo ang isang babae kahit na siya ay nasa loob ng tahanan,maaari siyang magbenta ng mga produkto na siya mismo ang gumawa.At malaki ang maitutulong ng kaalaman sa bagay na ito.

Kung ang bawat isa sa atin ay tuturuan ang kanyang pamilya ng kalinisan ayon sa sunnah ng Propeta(saws) upang mapaunlad ang ating kabuhayan,at tulungan ang ating mga anak na matuto ng mga gawain na nakapagpapalapit sa kanila kay Allah(swt),tayo ay gagantimpalaan ni Allah(swt).

"وقال تعالى ( المائدة 2 ) : { وتعاونوا على البر والتقوى }"
At magtulungan kayo tungo sa al-Birr at Taqwa [5:2]

Mga kapatid kong Muslimah,upang maging bahagi kayo ng lipunan,kinakailangan ninyo ng edukasyon.Kung gayon,huwag nyong iwanan ang pag-aaral,mag-aral kayo para sa ikasisiya ni Allah(swt).Araw-araw,gumising kayo na mayroong maliwanag na adhikain na makatulong sa ibang tao,at maging halimbawa ng tunay na Muslim ng dahil sa inyong kaalaman.Magpursige kayo.Palawakin ang inyong nalalaman.Sa ngayon,damputin nyo ang libro na matagal nyo nang nalimutang buksan!

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!


2 komento: