Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem
Ang "homosexuality at lesbianism" ay itinuturing na alternatibong pamumuhay,sariling pagpili,at natural na kaganapan sa ibang bansa ngayon. Gayong ilang panahon pa lamang ang nakakaraan ay itinuring ito na isang sakit ng Association of Psychiatrists,ngayon,ito ay inalis na sa listahan at pinalitan ng "homophobia" o pagtutol at mahigpit na pag-ayaw sa homosexuality.
Ang Islam at mga Muslim ay sinasabing wala sa katuwiran at hindi patas dahil sa mahigpit na pagtutol sa homosexuality.
Ang argumento ng mga pabor sa homosexuality ay ito daw ay normal at nagmula pa noong pagkabata at hindi basta lamang nakuha sa kapaligiran na kinalakihan.
Ang mga naunang pagtuligsa sa homosexuality ay ayon sa basehan na ito ay hindi normal at natural sa isang tao. Ang "sodomy" o pakikipagtalik sa isang kaparehong kasarian ay hindi magbubunga ng anak,na siyang isa sa dahilan kung bakit nagtatalik ang dalawang tao.Hindi tayo nilikha na bakla o tomboy.At para naman kalabanin ang paniniwalang ito,nagsaliksik ang mga siyentipiko na "pro-gay" at sinuyod ang buong mundo hanggang makakita sila ng ilang hayop na nagtataglay ng ugaling homosexual.Katulad ng isang specie ng isda sa baybaying dagat ng Japan,ang lalaking isda ay ginagaya ang kanilang ka-partner na babaing isda upang huwag itong mapunlaan ng iba,at mayroon ding mga lalaking paru-paro na matatagpuan naman sa isla sa Africa,kung saan,sila ay umaarteng babaeng paru-paro sa panahon ng pagniniig. NGUNIT....kung ang pagbabatayan ay ang mga hayop upang mabigyan ng sapat na dahilan ang kakaibang ikinikilos ng mga homosexuals,bakit hindi nila tingnan ang isang uri ng babaeng gagamba na matatagpuan sa South America. Ang babaeng gagamba na ito ay higit na malaki kumpara sa lalaking gagamba,at matapos ang kanilang pagniniig ay KINAKAIN ng babae ang kanyang kapareha.
Noong 80's,sinasabi na mayroong "gland" sa utak na--- malaki kung sa lalaki,maliit kung sa babae,at maliit rin kung sa homosexuals.Gaano man ito kadaling tanggapin ng karaniwang tao bilang pruweba ng pagiging normal ng homosexuality,ito ay agad tinuligsa ng mga siyentipiko. Ang datos ay kinuha mula sa utak ng mga matanda na namatay kung saan tinukoy ang kanilang pamamaraang sekswal base sa kanilang kamatayan.Napag-alaman,na ang pagliit ng gland na ito sa utak ay resulta ng kanilang sekswal na pamamaraan at HINDI SANHI kung bakit sila naging homosexuals. Ibig sabihin,sila ay ipinanganak na normal ang sukat ng gland at lumiit lamang ito dahil sa paraan ng kanilang pamumuhay.
Kamamakailan,ang "genetics" naman ang ginagawang dahilan ng mga "pro-gay" upang bigyang katuwiran ang kanilang argumento. Noong 1993,si Dr.Dean Hammer,isang mananaliksik sa National Cancer Institute ay nagsabi na napatunayan niya na mayroon talagang "gay genes" sa katawan ng tao. Ito raw ay naisasalin sa lalaking sanggol mula sa X chromosomes ng ina. Ang pagkakatuklas na ito ni Hammer ay nagbigay kulay sa kanyang walang buhay na trabaho bilang siyentipiko ng gobyerno at siya ay sumikat,naging tampok ng media,at ang kanyang talambuhay ay nalathala sa Science Journal,isang sikat na babasahin. Nagbigay rin siya ng kanyang ekspertong testimonya sa Colorado Supreme Court na siyang naging basehan upang maipanalo ang desisyon laban sa anti-gay Propositon 2. Ngunit,ang katulad na pag-aaral ay isinagawa rin sa Universitty of Western Ontario at dito ay nabigo silang matagpuan ang "gay genes" na sinasabi ni Hammer.Napag-alaman rin na kulang si Hammer ng "control group" na isang mahalagang bahagi ng pagsasaliksik.Karagdagan pa,noong Hunyo 1994,iniulat ng Chicago Tribune na isa sa mga naging kasama ni Hammer sa pananaliksik ang nagsabi na ang resulta ng pananaliksik ay mismong si Hammer lamang ang gumawa.Ang pagbubunyag na ito ang naging sanhi upang maalis sa kanyang trabaho sa laboratoryo ni Hammer ang taong nagbunyag. Ngunit ang National Institutes of Health ay nagsagawa ng sariling imbestigasyon at napatunayan na tama ang sinabi ng taong nagbunyag kaya binigyan nila ito ng panibagong trabaho. Bagamat si Hammer ay naging maingat sa pagsasabi kung ano ang kanyang kasarian,sa isa sa kanyang mga pagtuturo ay inamin niya na siya ay ISANG BAKLA.
Dapat nating matanto na ang Islam,sa kabuoan nito,ay hindi siyang nagpakilala ng tandisang pagtuligsa at nagpaumpisa ng mga batas laban sa homosexuality.Ang mga teksto ng Torah ay malinaw na naglalaman ng pag-uusig sa naturang gawain.
Ang paglitaw at pagkalat ng sakit na AIDS ay isang malinaw na pruweba na ang homosexuality ay masama at walang mabuting idudulot sa lipunan.Ang mga naunang paraan ng pagkalat ng sakit na ito ay nagmula sa mga homosexuals at kalaunan ay kumalat na rin sa heterosexuals sa pamamagitan ang pagsasalin ng dugo at paggamit ng gamot,at sa mga tinatawag na AC/DC o bi-sexuals.At patuloy pa ring kumakalat sa mga indibidwal na aktibo sa seks.
Itinuturing ng Islam na ang homosexuality ay bunga ng sariling pagpili.Hindi katanggap-tanggap na lilikha si Allah (swt) ng mga homosexuals at pagkatapos ay sasabihin niya na ito ay masama at dapat parusahan dito sa mundo at sa kabilang buhay. Kapag tinanggap natin ang ganitong konsepto,para na rin nating sianbi na si Allah (swt) ay hindi makatarungan.
Maraming pangyayari at gawain ang maaaring gawin ng tao mula sa bulong ng jinns,impluwensya ng media,o sulsol ng mga kapwa tao.Maaaring ito ay normal o hindi normal gaya ng panggagahasa/rape,pangangalunya/fornication,panghahalay sa patay/necrophilia at marami pang iba.
Hindi tayo mga Robot na gagawin lamang kung ano ang naka-programmed sa atin,tayo ang pumipili at tayo ang mananagot sa anomang mapili natin.Dahil anoman ang ating piliin,nakatakda na ang resulta nito.Resulta na si Allah (swt) ang nagtakda.
Kung tatanggapin natin na ang homosexuality ay mula sa genetics at normal lamang sa isang tao,dapat rin nating tanggapin na ang "murder" o pagpatay ay normal lamang dahil ayon sa mga scientist,ito daw ay mula rin sa genetics.Kung tatanggapin natin ito, ay hahayaan na lamang natin ang mga mamamatay tao,dahil parte daw iyan ng pagkakalikha sa kanila.
Ipinag-utos ng Islam na sa gulang na 10 taon ay kinakailangan na ihiwalay na ng higaan ang mga anak. Ito ay upang maiwasan ang sekswal na kasanayan na magmumula sa pag-eeksperimento habang sila ay bata pa. Ang ganitong kasanayan ay maaaring magbigay sa kanila ng lakas ng loob upang subukan ito sa ibang tao,sa kanilang paaralan,o maging sanhi ng pang-aabuso ng higit na nakatatanda sa kanila.
Isinumpa ng Propeta Muhammad (saws) ang mga lalaki na gumagaya sa mga babae,at ang mga babae na gumagaya sa mga lalaki;
عن ابن عباس رضي الله عنهما قال : لعن رسول الله صلى الله عليه و سلم المخنثين من الرجال والمترجلات من النساء وفي رواية : لعن رسول الله صلى الله عليه و سلم المتشبهين من الرجال بالنساء والمتشبهات من النساء بالرجال . رواه البخاري
Ang "fashion industry" ay pinamamahalaan ng mga homosexulas at ito ay kinokontrol nila upang bigyan ng katuwiran ang napili nilang klase ng pamumuhay. Pinalalabo nila ang malinaw na pagkakaiba ng babae sa lalaki,sa pamamagitan ng paglikha ng mga kasuotan na kung susuriing mabuti ay hindi katanggap-tanggap. Tingnan na lamang natin ang mga nauusong kasuotan para sa kalalakihan,ito ay mas bagay sa mga babae at ang kulay ay pambabae. At para naman sa kababaihan,ngayon ay nagsusuot na rin sila ng mga damit na panlalaki,pantalon,amerkana at....mayroon pang kurbata, sumbrero,at sapatos na panlalaki.
Ang pagkakapareho na ito ay maaari sa ibang pamayanan.Halimbawa sa Scotland,kung saan ang mga lalaki ay nagsusuot ng maiksing palda na hanggang tuhod na kung tawagin ay "kilts". Sa bansang Scotland,ito ay hindi matatawag na panggagaya sa mga babae,pero sa isang bansa kung saan BABAE LAMANG ANG NAGSUSUOT NG PALDA,ito ay isang panggagaya.
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento