Sabado, Pebrero 23, 2013

ANG PAGTANGGAP SA PAGKAKAMALI

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu! 

Ang unang depensa na ginagamit ng mga napapaalalahanan tungkol sa mali nilang gawain ay "walang taong perpekto, linisin mo muna ang iyong bakuran bago ang sa iba" kumbaga nga sa mga Kristiyano 'ang walang sala ang maunang pumukol ng bato". E sino nga ba ang taong walang pagkakamali? Lahat tayo ay nagkakamali ngunit sabi nga ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) "ang mainam sa mga nagkakamali ay iyong nagbabalik-loob". 

At sinabi ni Allah sa Qur'an " ﴿ ﻓﻤﻦ ﺗﺎب ﻣﻦ ﺑـﻌﺪ ﻇﻠﻤﻪ وأﺻﻠﺢ ﻓﺈن اﷲ ﻳـﺘﻮب ﻋﻠﻴﻪ إن اﷲ ﻏﻔﻮر رﺣﻴﻢ" At sinuman ang nagsisi at itinuwid niya ang lahat ng kanyang mga gawain; walang pag-aalinlangan, tatanggapin ng Allâh (subhanahu wa Ta'ala) sa kanya ang kanyang pagsisisi. Katiyakan, ang Allâh (subhanahu wa Ta'ala) ay Ghafour,  Ganap na Mapagpatawad sa Kanyang mga alipin, na Raheem , Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal sa kanila.(Surah Al-Maidah 5:39) 

Kaya't ang pagkakaroon ng sariling pagkakamali ng taong pumupuna ay hindi sapat na dahilan upang balewalain ang pagtatamang ito. Dahil sa Islam, tayo ay inutusan ng pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan sa kahit na saang lugar, kahit anong oras at kahit anong kalagayan natin ito makita na dapat isagawa. 
{ والمؤمنون والمؤمنات بعضهم أولياء بعض : يأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر } 
Ang mga mananampalataya, na mga kalalakihan at mga kababaihan na naniwala sa Allâh (subhanahu wa Ta'ala) at sa Kanyang Sugo ay nagtutulungan sila sa isa?t isa, inuutusan nila ang mga tao na maniwala at gumawa ng kabutihan, at pinagbabawalan nila ang mga tao na lumabag sa Allâh (subhanahu wa Ta'ala) at gumawa ng mga kasalanan,...(Surah At-Tawbah 9:71) 

Tayo ay nakaharap sa pagpili kung sino ba ang ating papanigan. Ito ba ay ang taong malinaw na nagkamali at hindi matanggap ang pagkakamaling ito, sa halip ay pilit na idinedepensa ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbabalik ng pagpuna sa taong nagtatama sa kanya, o sa taong ginagawa lamang ang kanyang tungkulin bilang isang kapatid na Muslim? Isang pagpili na magiging malaking pananagutan natin pagharap natin kay Allah (subhanahu wa Ta'ala) sa Araw ng Paghuhukom. 

Sa huli ay nais kong magbigay ng payo una higit sa aking sarili at sa aking mga kapatid na Muslim...."Be warned of excessive attachments to personalities and stand up devoutly for justice"....dahil sinabi ni Allah (subhanahu wa Ta'ala) 
ﻳﺎ أﻳـﻬﺎ اﻟﺬﻳﻦ آﻣﻨﻮا ﻛﻮﻧﻮا ﻗـﻮاﻣﻴﻦ ﺑﺎﻟﻘﺴﻂ ﺷﻬﺪاء ﷲ وﻟﻮ ﻋﻠﻰ أﻧـﻔﺴﻜﻢ 
ْO kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa Ta'ala) at sa Kanyang Sugong si Muhammad (salallahu alyhi wa salam)! Maging matatag kayo sa pagpapatupad ng katotohanan bilang paghahangad ninyo sa Mukha ng Allâh (subhanau wa Ta'ala), sa pamamagitan ng pagtestigo nang makatarungan at huwag hayaang ang galit at poot ng mga tao ang siyang magiging sanhi para kayo ay hindi maging makatarungan. (Surah Al-Maidah 5:8) 

Gabayan nawa tayo ni Allah (subhanahu wa Ta'ala) tungo sa Tuwid na Landas. Ameen!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento