Dala ng matinding kagalakan sa iba't-ibang pagkakataon ay mayroong mga Muslim na sumisigaw ng TAKBEER at sasagutin naman ng iba ng ALLAHU AKBAR! Kalimitan ito ay tatlong beses kung banggitin at ginagawa sa mga pagtitipon.
Ano ba ang hukom para rito?
Sagot ni Shaykh Muhammad 'Umar Baazmool, tagapagturo sa Umm Al-Quraa University sa Makkah :
Sa pagkakaunawa ko, at si Allah (subhanahu wa ta'ala) ang higit na nakakaalam, ito ay isang Bid'ah dahil wala pa akong nabasa o narinig na ginawa ito ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) o ng kanyang mga Sahaba (radiyallahu anhum), at hindi pa ako nakarining ng pahayag mula sa mga kibaarul ulaama na ating pinagkakatiwalaan, nagsasabi na ito ay ginawa ng mga Sahaba o ng mga Salaf .
Kaya naman, masasabi ko na ito ay isang Bid'ah at ang pag-iwan sa gawaing ito ay obligasyon ng bawat isa.
Gayunpaman, wala namang problema kung ang tao ay magsabi ng ALLAHU AKBAR paminsan-minsan dala ng kanyang kagalakan, at ganoon din para sa mga tao na nagbanggit nito ng sabay-sabay. Ngunit kung ito ay gawing tradisyon at palagiang gawain, na ito ay ituring ng tao bilang bahagi ng Relihiyon, ng pagsamba kay Allah (subhanahu wa ta'ala), kung gayon ito ay magiging isang bid'ah na dapat magpayuhan ang isa't-isa na layuan ang gawing ito. At si Allah (subhanahu wa ta'ala) ang higit na nakakaalam!
[Ano po ang maipapayo ninyo sa isang tao na gustong ipahayag ang kanyang kagalakan at gusto rin niyang ipaalam ito sa mga nasa paligid niya?]
Kung nais niyang maipabatid sa ibang tao ang kanyang nararamdaman na kagalakan ay maaari naman na sabihin niya ito katulad ng ginawa ni Propeta Muhammad (salallahhu alayhi wa salam) noong narinig niya ang balita na ang bangka na sinasakyan ni Tameem Ad-Daaree ay ligtas na nakadaong sa isang isla sa karagatan at nakakita ito ng isang mabalahibong nilalang na siyang nagturo sa kanya papunta sa isang kweba kung saan natagpuan ni Tameem ang isang tao na nakagapos....
[ hadeeth ni Al-Jassaasah mula sa Saheeh Muslim #7312 (9/280-284 / Sharh An-Nawawee)
Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay natuwa nang marinig niya ang balitang ito . Siya ay tumayo at tinawag ang pansin ng mga Sahaba (radiyallahu anhum), hiniling niya kay Tameem Ad-Daaree na isalaysay ang buong pangyayari. Pagkatapos ay sinabi niya ( ng Propeta):
" Gusto ko lamang marinig ninyo ang nangyari kay Tameem Ad-Daaree dahil ito ay katulad ng pagkakasabi ko sa inyo"
Kaya ang kaligayahan ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay naging sanhi rin ng kagalakan ng mga Sahaba (radiyallahu anhum) dahil ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila. Katulad rin na kapag nais ng isang tao na ipabatid ang kanyang katuwaan, kung gayon ay marapat na sabihin niya ito sa mga mahal niya sa buhay.
Iminumungkahi rin sa ating relihiyon na magsagawa ng pagpapatirapa na kalakip ng sujood ash-shukr kapag nakatanggap ng balita na nakapagdulot ng kasiyahan. Maaari ring magsagawa ng dalawang ra'kah bilang pasasalamat kay Allah (subhanahu wa ta'ala) . Katulad ng ginawa ni Ka'ab bin Malik (radiyallahu anhu) na kabilang sa tatlo na nagpaiwan at hindi sumama sa mga nakipaglaban sa Tabook. Nagsagawa siya ng sujood ash-shukr ng makarating sa kanya ang balita na tinanggap na ni Allah (subhanahu wa ta'ala) ang kanyang pagsisisi.
[basahin ang istorya ni Ka'b ibn Maalik sa Saheeh Al-Bukhaaree #4418 (8/140-145 / Fat-hul-Baaree]
Tandaan natin na isinagawa niya ang sujood na ito, matapos na mayroong isang Sahaba (radiyallahu anhu) na naghatid sa kanya ng magandang balita.
Ang kasiyahan na ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pagsamaba maging sa pagsasagawa ng sujood ash-shukr o pagpapatirapa ng dalawang ra'kah upang pasalamatan si Allah (subhanahu wa ta'ala) sa biyaya na naging sanhi ng kagalakan ng isang tao, at si Allah (subhanahu wa ta'ala) pa rin ang higit na nakakaalam!
This was translated exclusively for www.bakkah.net from a cassette recording with the knowledge and permission of the shaykh, file no. AAMB022, dated 1423/7/18.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento