بسم الله الرحمن الرحيم
Ang mga paratang na ito ay nangangailangan ng matalino , maingat na pagtitimbang at masusing pagsusuri bago mo tawagin ang isang tao na sa palagay mo ay nagtataglay ng mga ugaling nabanggit sa titulo .
Tungkol sa masamang pag-uugali, kalimitan na ito ay nagmula sa kung paanong paraan siya pinalaki at sa kapaligiran na kanyang kinalakihan. Kung paano niya dalhin ang kanyang sarili at paano niya ituring ang kanyang kapwa, ITO AY WALANG KINALAMAN SA PAGKAKAROON NIYA NG AQIDAH AT MANHAJ NA ANG SINUSUOND AY ANG MGA SALAF.
Marahil ay kailangan ngang baguhin ng taong ito ang kanyang pag-uugali, matutong mangaral sa malumanay na paraan NGUNIT mayroon pa ring hikmah (at ito ang Sunnah), makipag-argumento sa magandang paraan upang ang kanyang ipinag-aanyaya ay tanggapin ng taong kanyang inaanyayahan. Subalit kung hindi niya taglay ang mabubuting kaugalian na ito, ito ay hindi magsisilbing kadahilanan upang tanggihan ang makabuluhan at tamang doktrina na nais niyang ibahagi. Dapat ay matuto tayong ihiwalay kung ano ba ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng masamang pag-uugali ng tao sa manhaj na nakabase sa Qur'an at Sunnah, ang manhaj na kanyang sinusunod. Ang dapat sisihin at sitahin ay ang TAO at hindi ang pundasyon ng kanyang paniniwala. Dahil maaari rin itong itulad sa iba pang Muslim, anoman ang sekta o mga grupo na kanyang kinaaaniban, mayroon din sa kanila na mabait, mayroon rin naman na may masamang pag-uugali. Ngunit ang MANHAJ AT AQIDAH ay maaari lamang hatulan base sa PAGSUNOD o PAGSUWAY NITO sa kung ano ang ipinag-utos at ginawa ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) at ng kanyang mga Sahaba (radiyallahu anhum), sa panimula, at hindi sa pag-uugali ng mga tao na sumusunod dito.
Tungkol naman sa pagiging mapagmataas o hambog, na minsan ay lumilitaw sa pag-uugali ng isang tao, at dito siya ay tunay na may pagkakamali, NGUNIT may mga pagkakataon rin na ito ay ayon lamang sa ating pag-aakala. Marahil ang taong ito ay lubos lamang na nagmamahal sa katotohanan kung kaya ang tingin sa kanya ng taong kanyang kausap ay nagmamataas siya dahil ipinipilit niya na siya ang tama. At madalas ring mangyari na ang taong inaanyayahan ang siyang nagtataglay ng pagiging mapagmataas dahil hindi niya matanggap ang katotohanan na ibinabahagi sa kanya ng nag-aanyaya. Tandaan na ganito ang malimit mangyari lalao na kung ang inaanyayahan ay nabulag na sa kanyang maling pag-aakala na ang landas na kanyang tinatahak ay ang tamang landas. Katulad nga ng sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) sa Hadith na iniulat ni Abdullah ibn Mas'ood;
"- وعن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه عن النبى صلى الله عليه وسلم قال: “لا يدخل الجنة من كان في قلبه مثقال ذرة من كبر” فقال رجل” إن الرجل يحب أن يكون ثوبه حسناً ونعله حسناً؟ قال: “إن الله جميل يحب الجمال الكبر بطر الحق وغمط الناس” ((رواه مسلم)).
Ang pagmamataas ay ang panlilibak at pagtanggi sa katotohanan at ang pagkamuhi sa tao.
Karamihan doon sa mga nagsasabi na ang Salafi ay arogante, (hinihiling namin kay Allah (subhanahu wa ta'ala) na ilgtas tayo sa ganitong kalagayan,) NGUNIT ANG TOTOO......sila ang arogante at hindi kayang tanggapin ang tama at totoong da'wah na inihahatid sa kanila. At dala ng kanilang pagmamataas kaya ibinabato nila ang ganitong mga paratang.
TANDAAN!
Every coin has two sides!!!!!
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento