Sabado, Pebrero 23, 2013

LOVE IS IN THE AIR

بسم الله الرحمن الرحيم

Panahon na naman ng paglago ng negosyo ng mga Kuffar at nakakalungkot man ay nakikisali rin ang ilan nating kapatid na Muslim. Ito ang panahon kung kailan mabenta ang mga bulaklak, ang kahit anong kulay pula, ang chocolate, ang kahit ano na lang yata na mayroong hugis puso, at higit sa lahat, mabenta ang mga motel.

At dito sa Facebook, hindi man lantaran ang pagbati ay mapapansin mo naman na "love is in the air".

Oooops...teka lang, are we talking about love here? Yan ba yung pakiramdam na makita mo lang siya na online eh masaya kana at malungkot ka kapag hindi ka niya chat? Yan ba ang dahilan kung bakit binalikan mo ang mga "love songs" na matagal mo nang kinalimutan? At ang "love " ba na iyan ang dahilan kung bakit para kang manok na tutuka-tuka sa pagmamadali mo na matapos ang iyong salah dahil alam mo na any moment ay online na sya?

KAPATID!!! MAGHUNOS-DILI KA!!

Sa Islam, ang tao ay pinakakasalan at pagkatapos ay matututuhan mo siyang mahalin AT HINDI mamahalin upang pakasalan.

Pansinin mo kung gaano karaming "hindi pinahihintulutan" ang posible mong magawa kapag ikaw ay "in-love".

Una--ang pakikisalamuha sa hindi mo mahram na kadalasan ay humahantong sa fitnah. Ang madalas ninyong pag-uusap na kayong dalawa lamang. Ano nga ba ang sabi sa hadith?
لا يخلون أحدكم بامرأة إلا مع ذي محرم
Walang sinoman sa inyo ang makikipagkita sa isang babae kung wala siyang kasamang mahram. [Iniulat ni Ibn Abbas/ saheehan]


Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala) sa Qur'an:
( الأحزاب 53 ) : { وإذا سألتموهن فاسألوهن من وراء حجاب }
At kapag tinanong ninyo ang mga asawa ng Propeta hinggil sa anumang pangangailangan mula sa mga kagamitan sa bahay at iba pa ay magtanong kayo mula sa kabila ng tabing (kayo ay nasa kabila ng tabing)
[Suratul Ahzab :53]

PAANO KAYA KUNG NAKIKIPAG-VIDEO CHAT?

Ang pagkikita ay nagiging dahilan ng ‘Fitnah’ (kasalanan o kapahamakan).

O baka naman sasabihin mo na hindi naman kayo nagvi-video chat PERO nagpalitan naman kayo ng picture at yan ang wallpaper mo sa mobile mo. HUH? at huh uli!!!
Uulitin ko, napakaraming daleel na nagsasabi na "haram" ang pictures.

Punta naman tayo sa "lovesongs". Haram ang musika di ba? E bakit pinag-isipan pa ninyong dalawa ng mabuti kung ano ba ang nababagay na love song sa inyong "relasyon"?

Ilan lamang iyan sa mga posible mong magawa kapag ikaw ay "inlove". At mahaba pa ang listahan pero sa kakulangan ng oras ay hindi ko na maiisa-isa sa iyo at ang tanging iiwanan ko na lamang ay ang sinabi ni Ibn Qayyim sa kanyang Al-Fawaid:

<<The most precious reward during life is to busy yourself with most suitable and useful matters in their exact and suitable time.

How can he be rational who sells Paradise and what is in it, for one hour of passing pleasure>>


Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento