Linggo, Pebrero 24, 2013

PINAHIHINTULUTAN SA ISLAM ANG PANANAKIT NG ASAWA?


Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem

Ang mga daliri ay laging nakaturo sa mga Muslim dahil sa pananakit "daw" nila sa kanilang asawa na "pinahihintulutan" sa Islam.

1.Ang "domestic violence" ay hindi lamang sa tahanan ng mga Muslim makikita,ito ay palasak sa buong mundo. Sa katotohanan ay mas mataas ang bilang ng karahasan sa mga bansa sa  Kanluran kung saan "illegal" ang pananakit ng lalaki sa kanyang asawa. Ang dahilan ay ang hindi  pakikialam ng mga "kamag-anak" sa usaping pampamilya. Sa Kanluran,ang pamilya ay tinatawag na "nuclear family" kung saan binubuo lamang ng ama,ina at mga anak. Na siyang dahilan kung bakit walang pakialam ang mga kamag-anak sa anomang problema ng mag-anak. Sa komunidad ng Muslim,ang mga kamag-anak ay hinihikayat na "mamagitan" sa anomang hindi pagkakasunduan upang mapangalagaan ang karapatan ng mga anak na babae,kapatid,pamangkin,tiyahin,o pinsan. Ang mga magkakamag-anak ay namumuhay sa isang lugar o di kaya ay magkakalapit lamang ang tirahan.

2.Ang pagtanggap  ng Kanluran sa "corporal policy" o ang pagkastigo sa mga anak ay biglaang nagbago simula noong ilathala ni Dr.Spock (hindi yung nasa pagnenegosyo) ang kanyang lathalain tungkol sa pagpapalaki ng mga anak noong dekada 50. Ang kanyang libro ang naging batayan hindi lamang sa pagpapalaki ng mga anak kundi ganoon din sa mga paaralan. Ayon sa kanya,ang mga bata ay kailangang ituring na "little adults". Sila ya kailangang pagpaliwanagan,payuhan,NGUNIT huwag sasaktan. Ganoon din naman,bilang nakatatanda,ang tao ay hindi dapat manakit ng kapwa upang mapasunod ito sa kanyang gusto,o saktan sila bilang parusa sa hindi pagsunod sa utos,ang mga bata ay hindi rin dapat sinasaktan. At ang naging resulta nito ay ang pag-aalis ng "corporal punishment" sa mga paaralan. Ito rin ay ipinahinto sa mga kulungan at pinalitan ng "reform" o pagbabago. Ang hindi magandang nangyari sa paaralan ay naging "hostages" ng mga mag-aaral ang kanilang mga guro. Maraming kaso nang mga estudyante na nanakit sa kanilang guro ang naiulat noong 60's at 70's. At bilang resulta pa,karamihan ng gate sa mga paaralan sa America ay nilagyan ng "metal detector" upang makumpiska ang mga maaring gamitin na panakit sa mga guro.

3.Pinahihintulutan sa Islam ang "corporal punishment" sa ilang malalaking paglabag tulad ng ;100 palo sa pangangalunya, 80 sa paglalasing,at paninirang puri atbp. Tungkol naman sa mga bata,sinabi ng Propeta Muhammad (saws):[sa pagkakasalin] "Turuan ninyo ang inyong mga anak ng salah kapag sila ay 7 taon gulang na,at paluin sila kung hindi sila magsalah kapag umabot na sila ng 10 taon.[Muslim]
Mayroong limitasyon sa kautusan na ito,bawal ang manakit sa mukha, kahit na sa hayop pa ito.

4.Totoo na pinapayagan ng Sha'riah na saktan ng lalaki ang kanyang asawa. Ito ay pinahintulutan ni Allah(swt) sa Qur'an na matatagpuan sa:
Surah An-Nissa 4:34 [at sa mga yaon namang nangangambang baka sila ay lalabag sa inyo, ay pagpayuhan ninyo sila ng magandang salita; at kapag hindi nagbunga para sa kanila ang magandang salita, ay huwag ninyo silang tabihan sa higaan; at kapag hindi naging mabisa ang hindi ninyo pagtabi sa kanila sa higaan, ay paluin ninyo sila sa pamamagitan ng pagpalong hindi nakasasakit;]
Sinabi rin ni Propeta Muhammad (saws) : "أن تطعمها إذا طعمت وتكسوها إذا اكتسيت ولا تضرب الوجه ولا تقبح ولا تهجر إلا في البيت " Mayroon kayong karapatan na pagbawalan ang inyong asawa na papasukin sa bahay ninyo ang hindi ninyo gusto. At kapag sinuway nila kayo,maaari ninyo silang saktan.At ang karapatan naman ng babae sa inyo ay ang damitan at pakainin ninyo sila ng may katarungan, nang ayon sa inyong kakayahan.[Muslim]
NGUNIT ang pagpapahintulot ay nasasaloob sa espesyal na kundisyon at mayroong LIMITASYON. Ang lalaki ay hindi maaaring manakit dahil lamang natapon ng kanyang asawa ang kanyang kape,nasunog ang ulam na niluluto,nakalimutang plantsahin ang kanyang damit,at marami pang iba na mabababaw na dahilan. Ang pagpapahintulot na nagmula sa Qur'an ay ibinigay lalo na sa usapin ng diborsyo,bilang huling paraan upang masagip pa ang kasal ng mag-asawa. Ang ayah sa Qur'an ay malinaw na nagpahayag sa proseso ng pagkastigo sa asawang pala-suway at rebelde. Siya ya kinakailangang KAUSAPIN MUNA at ipaalala ang kanyang obligasyon. Kapag ito ay hindi umepekto,kailangang HUWAG MAKIPAGNIIG ANG LALAKI SA KANYA,ito ay upang iparamdam sa babae na mayroon siyang hindi sinunod o ginawa na obligasyon. Kung hindi pa rin umepekto at sa tingin ng lalaki ay maaaring ito na ang makapagpatino sa babae,maaari na niyang saktan ito.

Ang kataga ni Propeta Muhammad(saws) na....AT KUNG SILA AY HINDI SUMUNOD SA IYO....ay rebeldeng pagsuway sa mga ipinaguutos ng Sha'riah. At para naman doon sa mga batas na kabaligtaran o hindi nagmula sa Sha'riah,ang babae ay inuutusan na labagin at suwayin ito. Sinabi ng Propeta Muhammad (saws):" Walang pagsunod sa nilikha kung ito ay paglabag sa utos ng Lumikha." Tungkol naman sa pananakit,ito ay kailangang hindi nakapipinsala at hindi sa mukha.katulad ng kanyang (saws) sinabi :"..huwag nyo silang saktan sa kanilang mukha o di kaya ay pagsalitaan ng masama (murahin)". ...."huwag ninyong saktan ang inyong asawa katulad ng pagpaparusa sa babaeng alipin noong panahon ng jahiliyah/kamangmangan". Kapag ang lalaki ay umabuso sa mga kundisyon na ito at minaltrato niya ang kanyang asawa, ang mga lalaking kamag-anak ng babae ay maaaring mamagitan at maaari silang magsampa ng kaso sa hukuman kung malaki ang naging pinsala.

Ang layon ng pananakit na ito ay hindi upang magdulot ng matinding sakit o bilang parusa sa babae,kundi upang maibalik siya sa kanyang huwisyo/pag-iisip at maitatag uli ang kanilang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento