Linggo, Pebrero 24, 2013

ILAN SA LUHO DITO SA MUNDO NA DAPAT ALAM MO KUNG KAILAN MAAARI AT HINDI MO MAAARING TAMASAHIN

1.MGA DAMIT NA MANIPIS AT PA-SEXY
-------Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) :
Mayroong dalawang uri ng tao ang parurusahan sa Apoy, ang lalaki na mayroong buntot katulad ng buntot ng baka at siya niyang ginagamit na panghampas sa mga tao, at MGA BABAE NA NAKADAMIT NGA NGUNIT MISTULANG NAKAHUBAD, na nag-aanyaya sa paggawa ng kasamaan........
[Sahih Muslim]

2.MAIIKSING DAMIT NA NAKALITAW NA ANG KANYANG MGA BINTI O HITA
---itinanong ng isang Sahabiyat (radiyallahu anha) ang Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kung hanggang saan ba ang dapat na haba ng kasuotan ng isang babae at sinagot niya ito ng : "isang dangkal", kaya sinabi ng babae, "ngunit makikita pa rin ang kanyang mga paa"! At sumagot ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) "habaan pa ninyo ng isa pang dangkal ngunit huwag nang lalabis pa rito".
[Sunan At-Tirmidhi 1415]

3.PAGSASALITA,PAKIKIPAG-USAP SA MALAKAS O KAYA AY MALAMBING NA TINIG
---samakatuwid ay huwag kayong makipag-usap nang malumanay na pananalita sa mga kalalakihan (na hindi ninyo ‘Mahram’) upang hindi mahumaling ang puso ng inyong mga kausap sa inyo, at ito ay obligadong pag-uugali sa lahat ng kababaihan na naniniwala 
kay Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sa Kabilang-Buhay, at magsalita kayo sa marangal na kaparaanan na pakikipag-usap na malayo mula sa anumang masamang paghihinala, na hindi ipinagbabawal ng batas.
[Surah al-Ahzab : 32]

4.PAGGAMIT NG PABANGO KAPAG LALABAS NG BAHAY
---Katotohanan, ang mga babae na gumagamit ng pabango at kapag siya ay dumaan at naamoy ng kalalakihan ang halimuyak ng kanyang pabango, siya ay tatawagin na zaaniyah (mangangalunya)
ng nasa mga kalangitan .
[Ahmed Saheeh al-Jaami 2701]

5. PAGSUSUOT NG HIGH-HEELED NA SAPATOS
---mayroong fatwa ang mga scholar na nagbabawal sa kababaihan ng pagsusuot nito sa kadahilanan na ito ay isang uri ng panlilinlang, nagmimistulang matangkad ang isang babae gayong sa katitohanan, siya ay kulang sa taas. Mayroon ding masamang epekto sa kalusugan ang pagsusuot ng high-heeled na sapatos. Ito rin ang nagiging sanhi upang ang babae ay lumakad ng may pag-indayog na siyang nakakatawag pansin sa mga tao.

Kapatid kong Muslimah,
Magagawa mo kayang magsakripisyo at umiwas sa mga ipinagbabawal na ito? 
Huwag kang padala sa tukso ng iba na nagsasabing nagiging maramot ka sa iyong sarili kapag iniwasan mo ang mga bagay na ito. Sa katunayan nga, lubos mo lamang pinahahalagahan ang iyong sarili at umiiwas ka na maitapon sa apoy. Sapagkat ang ninanais mong kaligayahan ay hindi mo makakamtan mo dito sa mundo, ito ay kaligayahan na nakalaan lamang para sa mga katulad mong masunurin at mapagtiis, doon sa lugar kung saan lubos mong makakamit ang lahat ng iyong ninanais...sa Jannah!

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento