Linggo, Pebrero 24, 2013

DOGS ARE MAN'S BESTFRIEND... ANO DAW?



بسم الله,والحمد الله, والصلاة والسلام على رسول الله
و بعد

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kina Lassie, Bethoven, Scooby Doo, Snoopy, Goofy, ang isandaan na Dalmatians, at marami pang iba? Marahil once upon in our lifetime ay nakilala natin sila. Ilan lamang sila sa mga sikat na aso na kinagiliwan at minahal ng tao. Mga aso na nagpapakita kung gaano sila kalapit sa puso ng tao kaya nga itinuring sila bilang mga man's bestfriend.

Pero sandali Kapatid!
Hindi ba, ikaw ay isang Muslim? Alam mo ba kung ano ang aso at paano ito dapat ituring kung ang Deen natin ang pagbabatayan at susundin?

Sinabi Ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) sa Hadith na iniulat ni Ali Ibn Abu Talib (radiyallahu anhu) :
" لاَ تَدْخُلُ الْمَلاَئِكَةُ بَيْتًا فِيهِ صُورَةٌ وَلاَ كَلْبٌ وَلاَ جُنُبٌ "
Ang mga anghel ay hindi pumapasok sa bahay na mayroong larawan, ASO, o di kaya ay lalaki na junub. [Sunan Abi Dawud 227]

sa Hadith na iniulat ni Ibn 'Abbas(radiyallahu anhu) ay sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na :
" وَثَمَنِ الْكَلْبِ "
kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang premyo ng aso (mula sa paligsahan na sinalihan nito). [Sunan an-Nasa'i 4667]


Kung kaya nga, ipinag-utos ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ang pagpatay sa mga aso sa Hadith na iniulat ni Ibn Umar (radiyallahu anhu):
أَمَرَ بِقَتْلِ الْكِلاَبِ
[Sahih Muslim : Book 10, Hadith 3809]

Pinahihintulutan lamang ang pag-aalaga nito kung ito ay gagamitin sa pangangaso at bilang bantay sa kabukiran.
1689 - وعن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه و سلم : [ من أمسك كلبا فإنه ينقص كل يوم من عمله قيراط إلا كلب حرث أو ماشية ] متفق عليه
وفي رواية لمسلم : [ من اقتنى كلبا ليس بكلب صيد ولا ماشية ولا أرض فإنه ينقص من أجره قيراطان كل يوم ]

Kapag nag-alaga ng aso maliban sa dalawang dahilan na nabanggit ay mababawasan ng isa o dalawang Qirat ang kanyang gantimpala sa bawat araw na nasa piling niya ang aso.
Bakit ginamit ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ang Qirat o dalawang Qirat? Ayon sa ilang Iskolar, noong una ay isa lamang ang sinabi ng Propeta (salallahu alyhi wa salam) at kalaunan ay dinagdagan niya ito. Mayroon namang Iskolar na nagsasabi na ang dalawang Qirat na mawawala ay para doon sa mga nakatira sa lungsod, habang ang dalawang Qirat naman na mawawala sa gantimpala ay para doon sa mga nakatira sa nayon at malayong pook dahil mas higit ang kainlang pangangailangan na na magkaroon ng bantay na aso. [Imam An-Nawawi sa رياض الصالحين من كلام سيد المرسلين)


Bukod pa sa Qirat na mawawala, ipinaalam rin ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kung gaano karumi ang hayop na ito:
مَا بَالُهُمْ وَبَالُ الْكِلاَبِ " . قَالَ وَرَخَّصَ فِي كَلْبِ الصَّيْدِ وَكَلْبِ الْغَنَمِ وَقَالَ " إِذَا وَلَغَ الْكَلْبُ فِي الإِنَاءِ فَاغْسِلُوهُ سَبْعَ مَرَّاتٍ وَعَفِّرُوا الثَّامِنَةَ بِالتُّرَابِ " . خَالَفَهُ أَبُو هُرَيْرَةَ فَقَالَ إِحْدَاهُنَّ بِالتُّرَابِ .
sa Hadith na iniulat ni 'Abdullah bin Mughaffal (radiyallahu anhu) ay ipinag-utos ng Propeta (salallahu alayhi wa salam) ang pagpatay sa mga aso. Sinabi niya "at ano ang gagawin nila sa aso maliban sa kailangan ito sa pangangaso at bilang bantay." Kapag nadilaan ng aso ang inyong sisidlan ay hugasan ninyo ito ng 7 ULIT, at kuskusin ninyo ito ng lupa sa ika-walong pagkakataon. Sinabi ni Abu Hurairah (radiyallahu anhu) : "Kuskusin ninyo ito ng isang beses ng lupa".[Sunan an-Nasa'i 337]

NGAYON KAPATID...MAG-AALAGA KA PA BA NG ASO ?

wa Billahi tawfiq wal Hidayah
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento