Sabado, Pebrero 23, 2013

Bakit Pinagbabawalan ang Muslimah na mag-asawa ng Hindi Muslim


Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem
 Ang mga lalaking Muslim ay maaaring magpakasal sa hindi Muslim na babae,NGUNIT ang mga babaeng Muslim ay hindi pinahihintulutan na magpakasal sa hindi Muslim. Ito ay isa sa mga binabatikos tungkol sa Islam at ginagawang pruweba ng hindi pagkakapantay ng lalaki at babae sa Islam.
 1.ANG LALAKING MUSLIM AY HINDI MAARING MAGPAKASAL SA KAHIT SINONG HINDI MUSLIM.
---Tanging mga Kristiyano at Hudyo lamang ang mga hindi Muslim na maaari nilang pakasalan. Ito ay sa kadahilanan na ang "kasulatan" na pinanghahawakan ng dalawang relihiyong ito ay nagtataglay ng malaking bahagi ng kapahayagan na ipinadala sa kanila, bagamat ang ibang parte nito ay binago na at ang iba naman ay nawala na. At bilang pagbibigay galang at pagkilala sa "natirang bahagi" ng kapahayagan,ang pagpapakasal sa mga babae na nagmula sa dalawang relihiyong ito ay pinahintulutan.Subalit,ang "kalinisan,kawagasan"  na nabanggit sa Qur'an , ay idinagdag na kondisyon upang mapakasalan ang babaeng nagmula sa kanila. Kaya naman,tanging ang mga babae lamang na birhen,balo o namatayan ng asawa at diborsyada,ang maaaring pakasalan ng isang lalaking Muslim. Kung kaya nga ang gawain ng mga Muslim na nanggaling sa Kanluran at pumunta ng Europa o Amerika upang maghanap ng blue-eyed blonde sa mga diskuhan  na kanilang pakakasalan ay hindi katanggap-tanggap. Ang paghahanap ng birhen na babae sa Kanluran ay mas mahirap pa sa paghahanap ng karayom sa bunton ng dayami. Sa kalagitnaan ng pagka-teen-ager,ang pagka-birhen ay itinuturing na isang depekto at hindi isang karangalan.
 2.UPANG MAPROTEKSYUNAN AT MAPANGALAGAAN ANG RELIHIYON NG ISANG BABAENG MUSLIM
---Kapag hiniling ng isang lalaking Muslim sa Kristiyano niyang asawa na huwag magdadala ng alak,huwag magluluto at kakain ng baboy sa kanyang pamamahay,huwag magsusuot ng mini-skirts o maiksing damit,huwag makikipag-halikan sa kanyang mga kaibigan--ang lahat ng ito ay maaaring sundin ng babae na hindi maaapektuhan ang kanyang relihiyon. NGUNIT--kapag ang isang Kristiyanong lalaki ay humiling sa kanyang asawa na magluto at kumain ng baboy,uminom ng alak, magsuot ng maiiksing damit, humalik sa kanyang mga kaibigan dahil ito ay tanda ng pakikipag-kaibigan, natural lamang na ang babae ay susunod sagusto ng kanyang asawa,at kapag ginawa niya ito,ito ay magreresulta sa pagkasira ng kanyang pananampalataya.
 3.UPANG PANGALAGAAN ANG RELIHIYON NG MGA ANAK
---Ang pagpapakasal sa hindi Muslim ay hindi iminumungkahi kapag ang lugar na pinaninirahan ay kakaunti ang Muslim o nasa minoridad ang bilang nila upang mapangalagaan ang relihiyon ng pamilya. Kung ang isang Muslim na lalaki ay nag-asawa ng isang hindi Muslim na babae at sila ay nakatira sa Kanluran,at makaraan ang ilang panahon sila ay nagdiborsyo, o namatay ang lalaki, ibibigay ng korte ang pagkalinga sa mga bata pabor sa kanilang ina.Na siguradong palalakihin niya sila sa isang hindi Islamikong pamumuhay. SUBALIT--kung sila ya ikinasal at naninirahan sa isang Islamikong pamayanan,ang pagkalinga sa mga bata ay hindi ibibigay sa  hindi Muslim na ina,bagkus ay sa lalaki o sa kamag-anak na Muslim upang masigurado na sila ay palalakihin sa Islamikong pamumuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento