Mahal kong kapatid,
Nagulat ka ba? Na tinawag kitang mahal? Hindi ka siguro sanay na makabasa ng ganitong mga salita mula sa akin. Ang katotohanan, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa malumanay na paraan. Kaya sige, gawin ko na sa aking normal usual way...^_^
Namamangha ako na sa kabila ng patuloy na pagpapaalala tungkol sa tamang katuruan ng Islam ay marami pa rin ang hindi ito matanggap at sa halip ay inilalayo ang kanilang mga sarili at sa halip ay sinusunod ang kanilang mga pansariling kagustuhan.
إِنَّ ٱلنَّفۡسَ لَأَمَّارَةُۢ بِٱلسُّوٓءِ
Surah Yusuf: 53
Katotohanang ang mga pagnanasa ay nag-uutos ng pagkakasala
Sa ngalan ng ano? ng karunungan? ng pagkakapantay-pantay sa kalalakihan?
Nasisiguro mo ba, kapatid kong Muslimah, na bukas ay buhay ka pa? Na bibigyan ka pa ni Allah (subhanahu wa ta'ala) ng isa pang araw upang patuloy mo Siyang suwayin? Naiisip mo na ba kung ano ang isasagot mo sa Kanya kapag tinanong ka Niya kung sinunod mo ba ang Kanyang mga utos katulad ng:
وَقَرۡنَ فِى بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجۡنَ تَبَرُّجَ ٱلۡجَـٰهِلِيَّةِ ٱلۡأُولَىٰۖ
Surah al-Ahzab : 33
At manatili kayo sa inyong mga tahanan at huwag ninyong ipakita ang inyong mga kagandahan katulad noong unang panahon (ng Jaaheeleeyah)
Maaaring tanggapin mo ang paalaalang ito, o di kaya ay patuloy kang magbingi-bingihan at sabihin na masyado akong marahas kung mangusap, ngunit kapatid kita sa pananampalataya, at ang aking paraan ng pangungusap ay hindi dapat maging sanhi upang itanggi mo na mayroong katotohanan ang aking sinasabi. At alam mo na ang payo kong ito ay nagmula sa aking puso, dahil wala akong hangad kundi ang makabubuti sa aking sarili at sa iyo.
وقال تعالى ( التوبة 71 ) : { والمؤمنون والمؤمنات بعضهم أولياء بعض : يأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر }
Ang mga mananampalataya, na mga kalalakihan at mga kababaihan na naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sa Kanyang Sugo ay nagtutulungan sila sa isa’t isa, inuutusan nila ang mga tao na maniwala at gumawa ng kabutihan, at pinagbabawalan nila ang mga tao na lumabag sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at gumawa ng mga kasalanan
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento