Linggo, Pebrero 24, 2013

ANG ISLAM AY HINDI NAGMULA SA SALITANG "SALAM"


بسم الله الرحمن الرحيم

Napakasarap pakinggan lalo na kung ito ang gagamitin mo sa pag-anyaya sa mga hindi mananampalataya. Ngunit kapag nagsimula na silang magtanong gaya ng ganito;

a.) kung ang Islaam ay relihiyon ng kapayapaan, bakit maraming kaguluhan sa mga bansa na islaam ang relihiyon?
b.) bakit pinahihintulutan ang pagputol ng ulo, pagbato hanggang sa mamatay, pagpalo sa likod, pagputol ng kamay, bilang kaparusahan ?
c.) pag-aasawa ng higit sa isa, kailan magiging payapa ang ganitong klaseng pagsasama?

Natural na ang isasagot mo ay;
Ang Islaam ay iba sa MUSLIM
Ang Muslim ay ang mga tao na may relihiyong Islaam
IBA ANG ISLAAM AT MUSLIM

Nasagot mo ba nang tama ang kanilang itinatanong?

Marahil ay mas mainam kung alamin natin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang Islaam at kung saan ito nagmula.


Ang ISLAAM ay nagmula sa salitang ASLAMA ( na ibig sabihin ay tao na nagpapasakop ng kanyang sarili kay Allah subhanahu wa ta'ala) at siya ay sumusuko ( ISTISLAM ), at sumusunod sa lahat ng ipinag-uutos ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) .

Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala):
وَمَن يَرْغَبُ عَن مِّلَّةِ إِبْرَاهِيمَ إِلاَّ مَن سَفِهَ نَفْسَهُ
At walang sinumang tatanggi sa ‘Deen’ ni Ibrâhim (alayhi salam) na ‘Islâm’ maliban sa may kakulangan sa pag-iisip na mangmang.
[Baqarah :130]

Sinabi pa Niya:
إِذْ قَالَ لَهُ رَبُّهُ أَسْلِمْ قَالَ أَسْلَمْتُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ
noong sinabi sa kanya ng Kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha: ‘Aslim’ – mag-Muslim ka (na ang ibig sabihin ay ‘isuko mo nang taimtim at ganap ang iyong buong sarili sa kagustuhan ng Allâh’)!” Kaagad siyang tumugon at nagsabi: ‘As-lam-tu Li-rab-bil `Â-la-meen’ – Isinuko ko nang taimtim at ganap ang aking buong sarili bilang Muslim sa Allâh na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilalang, sa Kanyang Kaisahan bilang pagmamahal sa Kanya.”
[Baqarah :131]

At:
مَنْ أَسْلَمَ وَجْهَهُ لِلّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ فَلَهُ أَجْرُهُ عِندَ رَبِّهِ
Samakatuwid, ang makapapasok lamang sa ‘Al-Jannah’ ay ang sinumang nag-‘Muslim,’ na ang ibig sabihin ay ang sinumang isinuko ang kanyang sarili sa Nag-iisang Allâh (subhanahu wa ta'ala) na walang katambal, na siya ay dalisay sa kanyang kalooban at maingat sa lahat ng kanyang mga salita at gawa nang alang-alang sa Allâh (subhanahu wa ta'ala).
Kung kaya, sinuman ang gumawa nito ay makakamtan niya ang 
gantimpala mula sa kanyang ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa Kabilang-Buhay,
[Baqarah :112]

Permanent Committee for Research and Verdicts
Fatawa Islamiyah, vol.8, P.355 DARUSSALAM

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento