Isinalaysay ni 'Amr bin Shu'aib (ra) mula sa awtoridad ng kanyang ama na nagmula sa kanyang lolo: Sinabi ng Propeta Muhammad (saws), "Kung ang babae ay magpapakasal ng dahil sa MAHR,regalo,o pangako sa kanya BAGO sila ikasal,kung gayon,ang lahat ng ito ay kanyang pag-aari.At ang anomang napagkasunduan MATAPOS ang kasal ay magiging pag-aari ng kung sinoman na pinagbigyan nito.Ang pinakamainam na regalo na matatanggap ng isang lalaki ay ang regalo na nagmula sa lalaking magpapakasal sa kanyang anak o kapatid.[Iniulat ni Ahmad,Abu Da'ud,An-Nasa'i,Ibn Majah,Hadith bilang 664]
PALIWANAG:
Nangangahulugan na kung anoman ang napagkasunduan BAGO IKASAL ay iyon ang tinatawag na MAHR,at ito ay solong pag-aari ng babae. Maging ito man ay pera,ginto,alahas,damit,lupain,bahay o kahit ano,ang babae lamang ang tanging nagmamay-ari nito.
Kung mayroong mga bagay na ibinigay sa kanyang mga kamag-anak MATAPOS ANG KASAL,ito ay hindi na kabilang sa mahr,at hindi ito maaaring angkinin ng babae.Ito ay regalo ng lalaki sa kanino man niya ito ibinigay.Ang mga bagay na napagkasunduan BAGO ANG KASAL at pagkatapos ay ibinigay sa kanyang mga kamag-anak,ay kasama sa mahr,at ang babae ang higit na may karapatan dito.
Kung ang mahr ay napagkasunduan na bago pa sila ikasal,ito ay higit na mainam, at lahat ng ito ay makakamit ng babae.Subalit,kung hindi ito napagkasunduan bago ang kasal,ang mahr ay magiging katulad na lamang ng regalo sa kahit sinong babaeng miyembro ng pamilya.Ang mahr na ito ay tinatawag na MAHR MITHL.
Kung nagdesisyon ang lalaki na idiborsyo ang babae bago pa man may mangyari sa kanila na pagtatalik,kung gayon ay may karapatan ang babae na kunin ang KALAHATI ng napagkasunduang mahr bago sila ikinasal.Pero kung hindi ito napagdesisyunan bago ikasal,walang makukuhang mahr ang babae.
Kung mamatay ang lalaki,ang lahat ng mahr ay makukuha ng babae maging ito man ay MAHR MUQARRAR (napagkasunduang mahr) o MAHR MITHL. Siya rin ay magiging tagapagmana ng kanyang namatay na asawa.
Naisalaysay ni 'Abdullah bin 'Aamir bin Rabi'a (ra) mula sa kanyang ama na pinayagan ng Propeta Muhammad (saws) na makasal ang isang babae na ang mahr ay dalawang pares ng sandals o sapin sa paa.[At-Tirmidhi]
PALIWANAG:
Ibig sabihin kahit ano na MAYROONG HALAGA ay maaaring gawing mahr.
Mula sa : بلوغ المرام
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento