Sabado, Pebrero 23, 2013

ANG PAKIKIISA SA JAMA'AH


Ang papuri ay kay Allah!

Iniutos ni Allah(swt):
"......itayo ninyo ang ‘Deen’ ng Kaisahan ng Allâh (swt), pagsunod at bukod-tanging pagsamba sa Kanya na wala nang iba, at huwag kayong magsalungatan sa ‘Deen’ na ipinag-utos sa inyo..[Surah Ash-Shu'ra:13]
Bilang mga du'aat,tayo ay mayroong iisang layunin,at ito ay ang anyayahan at akayin ang mga tao tungo sa pagsamba sa nag-iisang Lumikha,Allah(swt).At ang tanging daan upang mapagtagumpayan ang ating layuning ito,na tayo mismo ang nagpasiya para sa ating sarili,o mas mainam na sabihin na si Allah(swt) ang siyang pumili para sa atin,ay kung mananatili tayong nagkakaisa.

Kung susuriing mabuti,ang daan na ating tinatahak ay hindi isang makinis na daan,at ang pagtahak dito ay nangangailangan ng maraming sakripisyo at masidhing pagnanasa na matupad ang lahat ng ating ninanais.Kailangan nating tanggapin at lagpasan ang lahat ng pagsubok na ating mararanasan at makipaglaban sa lahat ng ating kalaban.

Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang posisyon ng mga kalaban,kung gaano sila karami,ano ang mga armas na kanilang ginagamit,at ang pagkakakilanlan ng kanilang pinuno.Napakarami nating kalaban:sila ang mga Kristyano,Hudyo,atheist,mga sumasamba sa rebulto,sa baka,sa apoy,mga munafiq,mga lider na binago ang Batas ng Islam para sa sariling kapakanan,at ang mga nag-aangkin na sila ay Muslim gayong hindi nila sinusunod ang Batas ng Islam.Ang kanilang armas na gamit ay iba-iba,nariyan ang mass media,ang sistema ng edukasyon,kultura,at ang maraming sundalo na kumpleto sa armas upang wasakin ang Muslim ummah.
Ang mga kalaban na ito ay laging nakahanda na durugin tayo sa sandali na tayo ang maunang humakbang patungo sa kanilang daan.Nakahanda silang itaboy tayo at wasakin.Hindi sila titigil sa paglaban sa atin,sa ating pinaniniwalaan,katulad ng sinabi ni Allah(swt):
"At yaong mga walang pananampalataya ay hindi titigil sa kanilang paggawa ng kasamaan, bagkus ay magpapatuloy pa rin sila at kailanman ay hindi sila titigil sa pakikipaglaban sa inyo hanggang sa maibalik nila kayo sa pagiging Kufr – maialis kayo sa Islâm, kung ito ay kaya nilang gawin.[Al-Baqarah:217]

"Hinahangad ng mga walang pananampalataya sa kanilang pagtanggi upang patayin ang Liwanag ng Allâh (swt) na ‘Deen Al-Islâm’ at pawalan ng saysay ang Kanyang mga katibayan at mga palatandaan sa Kanyang Kaisahan na dala-dala ni Muhammad(saws) [At-Tawbah:32]

Ngayon,tanungin natin ang ating mga sarili,KAYA BA NATIN NA MAG-ISANG TAHAKIN ANG LANDAS NA ITO?Kaya ba nating talunin ang mga kalaban?Makakamit ba natin ang ating minimithi kung tayo ay hindi magkakaisa?

Walang matinong tao ang sasagot ng OO sa mga katanungan na iyan.Walang alinlangan na ang watak-watak na pakikipaglaban ay walang malayong mararating.Maaari silang gumawa ng ilang hakbang pasulong ngunit kalaunan ay aatras din dahil mawawalan ng pag-asa at mas nanaisin pang iwanan na lamang ang daan na mapanganib,na ang hinahangad ay napakalayo pa at ang kalaban ay hindi kayang gapiin.Ang sinoman na nagnanais tumahak sa landas na ito,na sa umpisa pa lamang ay gusto nang mapag-isa,ay katiyakang mabibigo at mawawasak.Ang watak-watak na pakikibaka ay masasayang lamang at walang halaga.

Ang ating "deen",na isang kumpleto at tumpak na paniniwala ay hindi isinantabi ang bagay na ito at iniwan ang mga mananampalataya na danasin ang ganitong hindi kaaya-ayang karanasan.Katotohanan,isina-alang alang ng Islam ang panganib na tatahakin ng mga mananampalataya,ang hirap ng obligasyon na nakaatang sa balikat ng bawat nagnanais na sumunod dito,pati na rin ang kabangisan ng mga kalaban na kakaharapin.Ang Batas ng Islam ay nagtakda ng kasagutan sa mga pagsubok na ito.Inilatag nito ang pundasyon na kung saan ay malinaw at makakaya nating harapin ang Jahiliyyah.

Tungkulin ng bawat isa sa atin na sumunod sa anomang ipinag-uutos ng ating relihiyon,at sundin ang mga paraan na itinakda kung tunay na tayo ay seryoso at sinsero sa ating adhikain.Iniutos ni Allah(swt) sa atin:
"At hawakan ninyo nang mahigpit ang Aklat na mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh swt), at ang patnubay ng inyong Propeta, at huwag kayong gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay.[Al-Imran:103]

KOMENTO:

Ibn Kathir:"Iniutos ni Allah(swt) na magkaisa ang mga mananampalataya at huwag maghiwa-hiwalay.Katotohanan,napakaraming ahadeeth na nagbabawal ng pagkakawatak-watak at nag-aanyaya sa pagkakaisa."

Al-Qurtubee:"Sinabi ni Ibn Abbas kay Sammak Al-Hanafi:"O Al-Hanafi!Dapat kayong manatili sa Jama'ah(pagkakaisa),sapagkat ang nakalipas na nasyon ay nawasak dahil sa kanilang pagkakawatak-watak.Hindi ba ninyo narinig ang winika ni Allah(swt):"...at huwag kayong gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay.

Al-Qurtubee:"Isinalaysay ni Imam Muslim mula kay Abu Hurairah na sinabi ng Propeta Muhammad(saws):"Si Allah(swt) ay nalulugod sa tatlong bagay mula sa inyo at Siya ay namumuhi sa tatlong bagay rin.Natutuwa Siya na kayo ay sumasamba lamang sa Kanya,na hindi kayo nagtatambal sa pagsamba sa Kanya,at patuloy kayong nakahawak sa lubid ng pananampalataya (Islam).Ang tatlong bagay na hindi niya nagugustuhan ay ang pagtsitsismis,pag-aalinlangan,at ang pag-aaksaya.[Muslim]

Al-Qurtubee:"Sinabi ni Ibn Mas'ood tungkol sa parehong ayah:"Inutusan sila na magkaisa,at pinagbawalan na maghiwa-hiwalay,dahil ang paghihiwa-hiwalay ay pagkawasak at ang pagkakaisa ay kaligtasan.

"....itayo ninyo ang ‘Deen’ ng Kaisahan ng Allâh (swt), pagsunod at bukod-tanging pagsamba sa Kanya na wala nang iba, at huwag kayong magsalungatan sa ‘Deen’ na ipinag-utos sa inyo,[Ash-Shurah:13]

....na kung gayon ay sundin ninyo ang Kanyang ipinag-uutos at iwasan ang Kanyang ipinagbabawal, at katakutan ninyo ang Allâh (swt) na malabag ninyo ang Kanyang kautusan; nang sa gayon ay makaawaan kayo, mailigtas kayo mula sa Kanyang kaparusahan, at makamtan ninyo ang Kanyang gantimpala.[Al-An'am:155]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento