ni : Shaykh Muhammad Ibn Jameel Zaynoo
http://www.troid.org/
"PIVOTAL QUOTE"
Kaya ang dapat ninyong unang gawin ay ang ayusin ang inyong mga sarili, dahil ang mabuting bunga ay magmumula sa kabutihan na inyong ipapakita, at ang masamang resulta ay magmumula sa inyong masamang halimbawa. Ang mabuting asal na magsisilbing halimbawa sa mga bata ay siyang pinakamainam na paraan ng pagtuturo at pagpapalaki sa kanila.
“O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sumunod sa Kanyang Sugo, pangalagaan ninyo ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal sa inyo, at pangalagaan ninyo ang inyong pamilya na tulad ng pangangalaga ninyo sa inyong mga sarili mula sa Impiyernong-Apoy na ang panggatong ay mga tao at bato [Sooratut-Tahreem :6]
Ang mga ina, ama, guro, at ang lipunan sa kabuoan ay tatanungin ni Allah (subhanahu wa ta'ala) tungkol sa kanilang pagbibigay ng tarbiyyah (edukasyon at pagpapalaki) sa kasalukuyang henerasyon. Kung ang tarbiyah tama, kung gayon ay kaligahayan ang matatamo - dito sa mundo at sa Kabilang-Buhay. At kung mali ang pagpapalaki, ay kalungkutan at pagkabigo ang kanilang matatamo, at ito ay magsisilbing tali sa kanilang mga leeg - katulad ng nabanggit sa hadeeth: “ فَكُلُّكُمْ رَاعٍ وَكُلُّكُمْ مَسْئُولٌ عَنْ رَعِيَّتِهِ " .
Ang bawat isa sa inyo ay pastol at ang bawat isa ay tatanungin tungkol sa kanyang responsibilidad [1]
NGUNIT- O mga tagapagturo - magalak kayo dahil sinabi ni Propeta Muhammad (sallallaahu ’alayhi wa sallam) : “ فوالله لأن يهدي الله بك رجلا واحدا خير لك من حمر النعم Isinusumpa ko kay Allah! Na magabayan ninyo kahit na ang isang tao lamang patungo sa Landas ni Allah , ay mas mainam pa kaysa sa pagmamay-ari ninyo ng pulang kamelyo [2]
At- mga magulang - magalak kayo dahil sa isang saheeh na hadeeth: “حَدَّثَنَا عَلِيُّ بْنُ حُجْرٍ، أَخْبَرَنَا إِسْمَاعِيلُ بْنُ جَعْفَرٍ، عَنِ الْعَلاَءِ بْنِ عَبْدِ الرَّحْمَنِ، عَنْ أَبِيهِ، عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ، رضى الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ " إِذَا مَاتَ الإِنْسَانُ انْقَطَعَ عَمَلُهُ إِلاَّ مِنْ ثَلاَثٍ صَدَقَةٌ جَارِيَةٌ وَعِلْمٌ يُنْتَفَعُ بِهِ وَوَلَدٌ صَالِحٌ يَدْعُو لَهُ " . قَالَ أَبُو عِيسَى هَذَا حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ .
Kapag namatay ang tao, ang lahat ng kanyang gawain ay mahihinto na maliban lamang sa tatlo; ang kanyang sadaqah, ang kanyang kaalaman na ipinamahagi niya, at mga anak na patuloy na nagdu-du'a para sa kanya ” [3]
Kaya ang dapat ninyong unang gawin ay ang ayusin ang inyong mga sarili, dahil ang mabuting bunga ay magmumula sa kabutihan na inyong ipapakita, at ang masamang resulta ay magmumula sa inyong masamang halimbawa. Ang mabuting asal na magsisilbing halimbawa sa mga bata ay siyang pinakamainam na paraan ng pagtuturo at pagpapalaki sa kanila.[4]
Footnotes:
[1] al-Bukhaaree (13/111) at Muslim (no. 1829)
[2] al-Bukhaaree (7/57) at Muslim (no. 2406)
[3] Muslim (no. 1631)
[4] Kayfa Nurabbee Awlaadunaa (p. 2) ni Shaykh Jameel Zaynoo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento