At kung ang tao na ito,na hindi naman eksperto sa larangan na pinag-uusapan,na hindi niya kayang kilalanin kung ang kanyang inihahayag ay mapapanaligan(sahih) o hindi, o kaya naman ay mahina at walang sapat na katibayan(da'eef),siya ay isang IGNORANTE at walang karapatan na mangusap ng mga bagay na patungkol kay Allah(subhanahu wa ta'ala).
Kaya naman,nararapat lamang sa kanya ang parusa ni Allah(subhanahu wa ta'ala) dahil sa kanyang pagbibigay ng komento tungkol sa Shariah habang sa antas niya ngayon,ay ni wala siyang karapatan na talakayin ang salita ng mga pantas (scholars),paano pa kaya ang salita ni Allah(subhanahu wa ta'ala) at ng Kanyang Sugo(salallahu alayhi wa salam)?
!Kaya't layuan ninyo sila,sila na nangangahas na lampasan ang hangganan at sumisira kay Allah(subhanahu wa ta'ala) at sa Kanyang Shariah sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga lathalain na nagmula sa mga taong mangmang at walang alam.
Ang gawain na ito ay naging palasak na sa isang grupo na kilala sa kanilang kaalaman pagdating sa FIQH, na kalimitan naman ay nahahaluan ng sarili nilang opinyon, o kung hindi man ay sa opinyon na lamang nila nakabatay.Nagtuturo sila sa mga mag-aaral at pagkatapos ang kanilang kayabangan ay lumalaki kapag nakita nila na maraming tao ang nakikinig at tumatangkilik sa kanilang itinuturo at isinasabuhay ito, gayong mas marami sa kanilang aral ay labag sa Batas ni Allah.
At iyon namang mga MAS IGNORANTE sa kanila, iyong MAS KAKAUNTI ANG PANG-UNAWA,ay siyang nagpapakalat ng mga aral na ito sa pamamagitan ng pagkunsinti at paglalathala nito sa buong mundo (halimbawa ay sa Facebook o iba pang sites sa internet).Na ang resulta ay isang malaking kalamidad,pagkaligaw at pagkahiwalay sa totoong aral ng deen Al Islam.
At siya na responsable sa gawaing ito,dala ng kanyang kawalan ng kaalaman,ay nag-iisip na nakagawa siya ng isang napakagandang bagay na makapagpapalapit sa kanya kay Allah(subhanahu wa ta'ala),gayong sa katotohanan ay MALI SIYA at nararapat lamang siyang tumanggap ng parusa mula sa Dakilang Lumikha{Allah(subhanahu wa ta'ala)}.Pinasok niya ang isang bagay na hindi niya dapat pasukin,ipinasok niya ang kanyang kamangmangan sa isang bagay na ang PAGKAKAROON NG KAALAMAN at ang pagiging TAMA ang mas higit na kinakailangan.
[Mula kay: Imam ash-Shawkani|Adab at-Talab Wa Muntaha al-Arab|pgs 76-79]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento