بسم الله الرحمن الرحيم
Isa sa pangunahing panuntunan ng 'Aqeedah ng mga Salaf, Ahlus-Sunnah wal-Jamaa'ah ay ang al-Walaa'u wal-Baraa' (Pagmamahal para Kay Allah at Pagkapoot para Kay Allah) i.e. ang Pagmamahal, pakikipagkaibigan, pagsuporta sa mga Mananampalataya, at ang pagkamuhi, pagkagalit, pagkapoot, pagwaksi, paglayo sa mga Mushrikeen at mga Kuffaar.
وقال تعالى ( التوبة 71 ) : { والمؤمنون والمؤمنات بعضهم أولياء بعض : يأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر }
Winika ni Allah:
(sa pakahulugan):
"Ang mga mananampalataya, lalaki at babae, ay awliyaa' (kaagapay, tagasuporta, kaibigan, protektor, tagapangalaga) ng bawat isa, sila'y nag-uutos ng al-Ma'rouf (Tawhid at lahat ng mga ipinag-uutos ng Islam na gawin) at nagbabawal sa al-Munkar (Shirk at lahat ng mga ipinagbabawal ng Islam na gawin)..." [Qur'an 9:71]
لا يتخذ المومنون الكفرين اوليآء من دون المومنين و من يفعل ذلك فليس من الله ف شىء إلآ أن تتقوا منهم تقة و يحذركم الله نفسه و إلى الله المصير
(sa pakahulugan)
"Huwag (hayaang) kunin ng mga Mu'minuon ang mga Kaafiruon bilang mga awliyaa' sa halip na mga (kapwa) Mu'minuon. Sinoman ang gumawa niyaon, ay walang bagay (ie. walang kaugnayan) mula Kay Allah SWT..." [Qur'an 3:28]
Ang sinoman na makapagsabuhay ng Al-Walaa 'u wal-Baraa ay nagawa niyang ganap (perpekto) ang kanyang eeman. Sinabi ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam)
حَدَّثَنَا مُؤَمَّلُ بْنُ الْفَضْلِ، حَدَّثَنَا مُحَمَّدُ بْنُ شُعَيْبِ بْنِ شَابُورٍ، عَنْ يَحْيَى بْنِ الْحَارِثِ، عَنِ الْقَاسِمِ، عَنْ أَبِي أُمَامَةَ، عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم أَنَّهُ قَالَ " مَنْ أَحَبَّ لِلَّهِ وَأَبْغَضَ لِلَّهِ وَأَعْطَى لِلَّهِ وَمَنَعَ لِلَّهِ فَقَدِ اسْتَكْمَلَ الإِيمَانَ " .
[sa pagkakasalin]:
"Sinoman ang magmahal para Kay Allah, magalit para Kay Allah, magbigay para Kay Allah, magdamot para Kay Allah, ay naperpekto na niya ang kanyang Iman." [Saheeh Sunan Abu Dawud]
Sinoman ang magmahal ng iba maliban Kay Allah at sa Kanyang Deen, at namumuhi Kay Allah at sa Kanyang Deen at sa mga tagasunod nito, ay nag-KUFUR Kay Allah.
Winika ni Allah SWT:
قل أ غير الله أتخذ و ليا فاطرا لسموت والآرض وهو يطعم ولا يطعم قل إنى أمرت أن أكون أول من أسلم ولا تكونن من المشركين
(sa pakahulugan):
"Sabihin [O' Muhammad]: 'Ako'y kukuha pa ba ng ibang Wali [Tagatulong, Tagapangalaga, Protektor, Panginoon o Diyos] maliban Kay Allah, ang Tagapaglikha ng mga kalangitan at ng kalupaan? At Siya yaong nagpapakain subalit hindi kumakain. Sabihin: 'Ako'y napag utusan na maging una sa mga yaong isinusuko ang kanilang mga sarili Kay Allah [bilang mga Muslim].' At huwag maging isa sa mga Mushrikuon." [Qur'an 6:14]
Hinati ng Ahlus-Sunnah wal-Jamaa'ah sa tatlong (3) uri ang mga tao patungkol sa al-Walaa'u wal-Baraa':
¤1. Ang mga nararapat bigyan ng Walaa' (Pagmamahal, malasakit, pakikipagkaibigan, pagsuporta, atbp.) ng walang pag aalinlangan at walang mga kondisyon. Sila yaong mga sumasampalataya at naniniwala sa Dakilang Allah SWT at sa Kanyang Rasul (s.a.w.) at regular na nagsasagawa ng mga ritwal sa Deen ng may kadalisayan at taimtim na pamamaraan.
إنما و ليكم الله و رسوله ,والذين ءامنوا الذين يقيمون الصلوة و يوتون الجكوة وهم ركعون, و من يتول الله ورسوله , وا الذين ءامنوا فإنحزب الله هم الغلبون
(sa pakahulugan):
"Katotohanan, ang inyong Wali (Protektor, Tagatulong) ay walang iba kundi Si Allah SWT, ang Kanyang Mensahro (s.a.w.), at ang mga sumasampalataya - yaong mga nagsasagawa ng as-Salat (iqamat-as-Salat), nagbibigay ng Zakat at sila ay mga Raki'un (yaong mga yumuyukod at isinusuko ang kanilang mga sarili sa pagsunod Kay Allah SWT sa pagdarasal)."
"Sinoman ang kunin Si Allah SWT, ang Kanyang Mensahero (s.a.w), at yaong mga sumasampalataya, bilang mga Protektor (tagapangalaga), kung gayun ang Hizb (lupon) Ni Allah SWT ang magiging matagumpay." [Qur'an 5:55-56]
¤2. Silang nararapat bigyan ng Walaa' (Pagmamahal) sa ilang aspeto at Baraa' naman sa ibang aspeto. Ito yaong mga makasalanang Muslim na nag iiwan sa ilang mga itinakdang obligasyon at gumagawa ng mga haram na hindi naman umaabot sa antas ng Kufur. Hindi ipinahihintulot na manahimik tayo tungkol sa kanilang mga kasalanan; dapat silang kastiguhin at utusang gumawa ng ma'rouf at pagbawalan na gumawa ng munkar. Ang parusa na itinakda ng sharaa' ay dapat ipataw upang huminto sila at makapagsisi sa kanilang mga kasalanan.
Ganito ang ginawa ng Propeta (s.a.w.) kay 'Abdullah ibn Himaar dahil sa paglalasing. Ilan sa mga Sahabah ay isinumpa siya, subalit winika ng Propeta (s.a.w.): "Huwag ninyo siyang isumpa, dahil mahal niya si Allah at ang Kanyang Rasul." [Bukhari]. Ganun pa man, ang kaukulang parusa ay naipataw sa kanya.¤1. Ang mga nararapat bigyan ng Walaa' (Pagmamahal, malasakit, pakikipagkaibigan, pagsuporta, atbp.) ng walang pag aalinlangan at walang mga kondisyon. Sila yaong mga sumasampalataya at naniniwala sa Dakilang Allah SWT at sa Kanyang Rasul (s.a.w.) at regular na nagsasagawa ng mga ritwal sa Deen ng may kadalisayan at taimtim na pamamaraan.
إنما و ليكم الله و رسوله ,والذين ءامنوا الذين يقيمون الصلوة و يوتون الجكوة وهم ركعون, و من يتول الله ورسوله , وا الذين ءامنوا فإنحزب الله هم الغلبون
(sa pakahulugan):
"Katotohanan, ang inyong Wali (Protektor, Tagatulong) ay walang iba kundi Si Allah SWT, ang Kanyang Mensahro (s.a.w.), at ang mga sumasampalataya - yaong mga nagsasagawa ng as-Salat (iqamat-as-Salat), nagbibigay ng Zakat at sila ay mga Raki'un (yaong mga yumuyukod at isinusuko ang kanilang mga sarili sa pagsunod Kay Allah SWT sa pagdarasal)."
"Sinoman ang kunin Si Allah SWT, ang Kanyang Mensahero (s.a.w), at yaong mga sumasampalataya, bilang mga Protektor (tagapangalaga), kung gayun ang Hizb (lupon) Ni Allah SWT ang magiging matagumpay." [Qur'an 5:55-56]
¤2. Silang nararapat bigyan ng Walaa' (Pagmamahal) sa ilang aspeto at Baraa' naman sa ibang aspeto. Ito yaong mga makasalanang Muslim na nag iiwan sa ilang mga itinakdang obligasyon at gumagawa ng mga haram na hindi naman umaabot sa antas ng Kufur. Hindi ipinahihintulot na manahimik tayo tungkol sa kanilang mga kasalanan; dapat silang kastiguhin at utusang gumawa ng ma'rouf at pagbawalan na gumawa ng munkar. Ang parusa na itinakda ng sharaa' ay dapat ipataw upang huminto sila at makapagsisi sa kanilang mga kasalanan.
¤3. Ang mga nararapat bigyan ng ganap na Baraa' (Pagkamuhi, galit, pagkapoot, pagwaksi, atbp.) at walang kondisyon. Sila ay ang mga Kaafir at mga Mushrikeen. Sila man ay Hudyo, Kristiyano, Magiano, pagano o mga sumasamba sa mga rebulto. Ang pagbabatas na ito ay para din sa mga Muslim na gumagawa ng mga bagay na katulad o kapantay ng Kufur, tulad ng pagsamba maliban sa Dakilang Allah, o paghingi ng tulong maliban sa Kanya, pag insulto sa Kanya at sa Kanyang Propeta atbp. - makaraang mapatunayan mula sa kanya. Dapat magpunyagi ang mga Muslim laban sa kanila at magpatupad ng limitasyon sa kanila; hindi sila dapat hayaang magkalat ng kanilang mga kasamaan sa kalupaan. Wiknika Ni Allah SWT:
يأيهاالنبى جهد الكفار و المنفقين واغلظ عليهم و ماوهم جهنم وبس المصير
(sa pakahulugan):
"O Propeta [Muhammad]! Magpunyagi laban sa mga kuffaar at mga munaafiqeen, maging masidhi (laban) sa kanila; ang kanilang magiging tahanan ay Impiyerno, katotohanan iyon ay napakasamang hantungan." [Qur'an 66:9]
إن الذين يحآدون الله و رسوله أولءك فى الآذلين
"Ikaw [O Muhammad] ay hindi makatatagpo ng mga taong sumasampalataya Kay Allah at sa Huling Araw na (nagbibigay) ng mawadda (pakikipagkaibigan, pagmamalasakit) sa mga yaong sumusuway Kay Allah at sa Kanyang Mensahero [Muhammad], kahit pa ang mga ito ay ang kanilang mga ama, o mga anak, o mga kapatid, o mga kaanak (mamamayan)..." [Qur'an 58:20]
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento