Miyerkules, Pebrero 27, 2013

MAGPAKASAL AY DI BIRO

بسم الله الرحمن الرحيم

 "Ang kasal ay hindi lamang pagnanasa at pagtugon sa damdaming ito. Sa halip, ito ay matiwasay at matatag na pagsasama ng dalawang tao".-- Sheikh Abdul Aziz ibn Abdullah Aali Shiekh (hafidhahullaah)

Ang ilan sa mga Muslim ngayon ay mali ang pagkakaunawa sa salitang "pagpapakasal", ang alam nilang kahulugan nito ay napakalayo sa katotohanan. Mayroong nag-aakala na ang pagpapakasal ay bilang pagtugon lamang sa tawag ng laman, kaya kahit na sinunod naman nila ang mga kinakailangan sa isang islamikong pagpapakasal, ang intensiyon nila ay hindi upang magkaroon ng matatag at paninindigan na relasyon sa halip ay nagpakasal sila ngunit may balak rin na makipagdiborsyo, ang ibig sabihin ay alam na niya sa kanyang sarili na magpapakasal siya at binabalak na niya na ito ay may hangganan kung hanggang kailan lamang niya gusto kahit hindi niya ito sabihin o ipaalam.

Kaya pinakasalan niya ang babae dahil sa kanyang pagnanasa rito at hindi upang magkaroon ng katahimikan ng pag-iisip at katiwasayan kapiling siya, ginawa lamang niya ito dahil itinuturing niya na ang babaeng ito ay isang libangan lamang; kaya't parati siyang nagbabanta na anomang oras ay maaari niya siyang idiborsyo o di kaya naman ay palitan ng iba. Ang lalaking ito ay naturingan ngang asawa ngunit may intensiyon naman na makipaghiwalay. At wala siyang ibang nais mula sa babae kundi ang magpakaligaya lamang sa piling nito. 

Ito ay isang panlilinlang sa babae, kawalan ng katapatan sa kanya ; at kung may isang lalaki na mag-aalok ng kasal para sa kapatid o anak na babae ng lalaking ito at malalaman niya na pagnanasa lamang ang nais nito ay sigurado na hindi niya ipahihintulot na maipakasal ang naturang lalaki sa kanyang anak o kapatid, ngunit kapag sa ibang babae na anak o kapatid ng ibang tao, ginagawa niya ang gusto niya.

At ang lahat ng ito ay nagmula sa panloloko, pagsisinungaling, hindi pagiging tapat, pandaraya at panlilinalang. Sa ganitong kadahilanan ay ipinagbawal sa Islam ang "kasala na panadalian"; at ito ang uri ng kasal kung saan mayroong nakatakda na bilang ng araw nang pagiging mag-asawa nila ayon sa napagkasunduan. Ito ay ipinagbawal dahil sa mga kasamaan na maidudulot nito.

"Kung ano ang ayaw ninyong mangyari sa inyong mga anak, huwag ninyo itong gawin sa anak ng ibang Muslim".

 At mayroon ring mga tao na naglalakbay pa sa ibang lugar upang makahanap lamang ng pakakasalan na may nakatakdang araw o buwan kung hanggang kailan lamang sila magiging mag-asawa at iniisip niya na ang kontratang ito ay walang kuwenta kaya't siya ay bumabagsak sa pagkakasala.

Mayroon din naman na nagpapakasal ng higit sa isa (ang iba ay diniborsyo na niya) bago pa man matapos ang iddah ng unang pinakasalan. Kaya nakapagpakasal siya sa higit sa sampung babae sa loob ng isang buwan na hindi iniintindi ang itinakda na kontrata sa Islam.

Ang mga Muslim ay kinakailangan na mayroong tamang paghusga at hindi niya hinahayaan na mangibabaw ang kanyang pagnanasa sa paraan na taliwas sa Islam. At marapat lamang na taglayin niya ang pag-uugali na nararapat sa isang Muslim, at ituring niya ang anak na babae ng ibang tao katulad ng pagturing niya sa kanyang sariling anak o kapatid , at ilagay niya ang mga tao sa posisyon na nais niyang kalagyan.

Kung gayon , kung ang isang tao ay naniniwala na ipinahihintulot sa kanya na gawan ng kamalian ang anak ng ibang tao at huwag siyang sumunod sa itinakda ng Islam at pagkatapos ay ayaw niyang mangyari ang kamaliang ito sa sarili niyang mga anak; bakit magkaiba? Nasaan ang pagkakapantay, nasaan ang katarungan?

Nakakalungkot, mayroong ibang Muslim na ginagawang halal ang ginawang haram ni Allah (subhanahu wa ta'ala) kaya sa loob lamang ng ilang araw ay nakapag-asawa na sila ng higit sa isa, at lahat ng ito ay kalakip ang intensyon na makipagdiborsyo, na ang tanging hangad lamang ay pakinabangan ang asawa sa tag-araw o taglamig o kung anopaman, at ito ay ipinagbabawal sa Islam. Kung gayon, nais nang Islam na maging balanse tayo sa ating pakikipagkasundo at ilagay natin ang iba sa katayuan ng ating sariling mga anak o kapatid at maging matapat tayo sa ating mga pamamalakad.

 "Ang iba sa kanila ay naglalakbay at nagpapakasal na taliwas sa normal na sistema at pagkatapos ay nagkakasala sila o di kaya naman ay nahuhulog sa mas seryosong sitwasyon at maaaring iwanan nila ang kanilang asawa , abandonahin at tuluyan nang hindi balikan matapos na mabuntis o mabigyan siya ng anak, at ito ang nagiging sanhi upang ang susunod na henerasyon ng Muslim ay malantad sa kapahamakan. At ang ilan sa kanila ay walang pakialam sa kanilang mga asawa at mga anak na nagiging sanhi ng malaking problema at ito ay resulta nang mapanlinlang na pagpapakasal."

mula sa: http://www.sahab.net/forums/showthread.php?t=354427
isinalin sa wikang banyaga ni : Abu Qayla Rasheed bin Estes Barbee




Linggo, Pebrero 24, 2013

PUSONG BATO


بسم الله الرحمن الرحيم

Ang alipin ay hindi makararanas ng mas malaking parusa maliban sa puso na sintigas na ng bato at ang pagkalayo kay Allah(subhanahu wa ta'ala). Sapagkat nilikha ang apoy upang tunawin ang pusong bato. Kapag ang puso mo ay tumigas...ang iyong mga mata ay tuyo na rin.

Mayroong apat na bagay na kapag lumabis sa kung ano lamang ang kinakailangan,ito ay nagiging sanhi ng pagtigas ng puso:

Pagkain, pagtulog, pagsasalita at pakikipag-niig.Ang katawan na mayroong karamdaman ay hindi tumatanggap ng kahit ano mula sa pagkain at inumin,katulad rin naman ng puso na mayroong sakit na pagnanasa,hindi ito makikinabang sa kahit na anong buti na nais iparating sa kanya.

Ang sinoman na nagnanais linisin ang kanyang puso.....kung gayon ay mas higit niyang piliin si Allah(subhanahu wa ta'ala) kumpara sa kanyang pagnanasa.

Ang puso na mas nagnanais makamtan ang pagnanasa ay nalalambungan at nagkakaroon ng pagitan sa kaniya at kay Allah(subhanahu wa ta'ala). Kaya nga ang pinakamamahal ni Allah(subhanahu wa ta'ala) ay iyong mga mapagmahal,dalisay at umiiwas sa pagkaligaw.

Sila na mga naliligaw ay mas binibigyang pansin ang buhay sa dunya(mundong ito),kung itutuon lamang nila ang kanilang pansin kay Allah(subhanahu wa ta'ala) at sa Kabilang Buhay, siguradong sila ay magbabalik sa Lumikha sa kanila ng may taglay na talino, daladala ang pinakamahalagang kayamanan...... at iyon ay ang paniniwala sa Allah(subhanahu wa ta'ala).

Hindi lahat ng tao ay nagtataglay ng talino at kaalaman,at hindi lahat ay alam kung paano ito gamitin. Sa katunayan ang Mga Tao ng Kaalaman ay yaong mga binubuhay ang kanilang puso sa pamamagitan ng pagpatay sa pagnanasa. At para naman doon sa mas binigyang halaga ang kanilang pagnanasa at pumatay sa kanilang puso.......ang kaalaman at katalinuhan ay hindi nila mapakikinabangan.

Ang pagnanais na makatagpo at makaharap si Allah(subahanhu wa ta'ala) ay katulad ng malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa puso ng tao,na pumapatay sa nag-aapoy na maka-mundong pagnanasa.

Ang sinoman na sa kanyang puso ay nagnanais na makatagpo ang kanyang Taga-paglikha ay makakaranas ng kapanatagan, at ang sinoman na mayroong ibang pagnanais ay makakaranas ng kabalisaan at kaguluhan sa piling ng mga tao.

Sapagkat ang pagmamahal kay Allah(subhanahu wa ta'ala) ay hindi makakapasok sa isang pusong nagtataglay ng pagmamahal sa dunya, katulad ng kamelyo na nagnanais pumasok sa butas ng karayom.

Kung gayon, ang pinakamamahal na alipin ni Allah(subhanahu wa ta'ala) ay yaong naglilingkod sa Kanya, mas pinili ang Pagmamahal Niya, nagpapadalisay upang sambahin Siya, iniaalay ang lahat niyang adhikain para sa Kanya, ang kanyang dila ay laging nag-aalaala sa Kanya, at ang kanyang katawan ay nakahandang maglingkod para kay Allah(subhanahu wa ta'ala).

Ang puso ay nagkakasakit katulad ng ating katawan.At ang gamot dito ay Tawbah (pagsisisi) at paghingi ng proteksiyon kay Allah(subhanahu wa ta'ala).

PUSO---kinakalawang katulad ng salamin, magiging malinaw lamang sa pamamagitan ng pag-alaala kay Allah(subhanahu wa ta'ala) sa lahat ng pagkakataon.
-----nahuhubaran katulad ng ating katawan, at madadamitan lamang kung mayroon tayong Taqwa.
-----nagugutom at nauuhaw katulad ng ating katawan, at ang pagkain at inumin nito ay kaalaman, pagmamahal, pag-asa kay Allah(subhanahu wa ta'ala), pagbabalik-loob at pagsisilbi alang-alang kay Allah(subhanahu wa ta'ala).

[ Imam Ibn ul Qayyim al Jawziyyah| Sinipi mula sa: "An Explanation of Riyadh al-Saliheen"|By: Shaykh Muhammad ibn Salih al-Uthaymeen|Translated from al-Fawa'id by Sajad ibn `Abdur Rahman, © 1998 Sajad Rana]

KAHALAGAHAN NG DALEEL


 بسم الله الرحمن الرحيم

Nais ba ninyong malaman ang kagandahan ng Islam?

Ito ay --ang lahat ng gawain ay nakatala na sa Qur'an at Sunnah, walang labis, walang kulang. 
Ang Qur'an--ang salita ni Allah(swubhanahu wa ta'ala) na inihayag Niya kay Propeta Muhammad(salallahu alayhi wa salam).At ang Sunnah--mga kaugalian,kilos at salita ng Propeta Muhammad(salallahu alayhi wa salam).
Ang dalawang ito ang nagsisilbing ilaw na gumagabay sa bawat Muslim. Na kung susundin nating lahat ay katiyakan na  walang maliligaw at lahat tayo ay magtatagumpay. Marami sa atin ang gumagawa ng inaakala nila na makapagliligtas sa kanila, hindi nila alam na kung ang mga gawaing ito ay hindi sunod sa aral at turo ng Qur'an at Sunnah,ay wala itong buting maidudulot sa kanila.

Sinabi ni Allah(subhanahu wa ta'ala):(sa pakahulugan)

103. Sabihin mo, O Muhammad (saws) – sa mga tao bilang babala – : “Nais ba ninyong sabihin Namin sa inyo kung sino ang pinakatalunan na tao kung patungkol sa kanyang gawain?”
104. Katiyakan, sila ay ang mga yaong naligaw ang kanilang mga gawain dito sa daigdig – na sila ang mga yaong sumamba ng iba bukod sa Allâh (swt) na mula sa iyong sambayanan at iba pa na mga naligaw sa Tamang Landas, na hindi na sila magagabayan pa at makagagawa ng anumang tama – na iniisip nila na sila ay mga mabubuti sa kanilang mga gawain.
[Surah Al-Khaf]

Ano ngayon ang importansya kung sisiguraduhin natin na ang ating mga gawain ay naaayon sa Qur'an at Sunnah?Siguradong hindi tayo mapapabilang sa mga talunan at hindi masasayang ang ating mga mabubuting gawa. Maliligtas tayo na mayroong katiyakan at mayroong patunay.

Sa panahon natin ngayon,napakarami na nang paraan upang makahanap tayo ng Islamikong kaalaman tungkol sa ating deen, na nagiging sanhi ng pagkaligaw ng ibang tao. Hindi nila namamalayan ay nakakagawa sila ng mga bid'ah, mga bagong paniniwala,mga bagong kasanayan. Kaya naman,ang Allah( Azza wa Jall) ay nagbanta tungkol dito:(sa pakahulugan)

15. Sa panahon na ipinamamalita ninyo ang mga maling pagbibintang na ito sa pamamagitan ng inyong mga dila at pagbibigkas ng inyong mga bibig, na ito ay isang kamalian, at bukod dito ay wala kayong kaalaman hinggil sa bagay na ito, na ang dalawang ito ay ipinagbabawal: ang pagsasabi ng kamalian at ang pagsasabi ng bagay na wala namang kaalaman, na iniisip ninyo na ito ay pangkaraniwan lamang, samantalang sa paningin ng Allâh (swt) ito ay isang mabigat na bagay. Dito ay matinding pagbababala hinggil sa hindi pag-iingat sa pagkalat ng kasamaan o kamalian.
[Surah An-Nur]

 Ito ay isang bagay na hindi natin napapansin, isang laganap na panganib sa ating Ummah. Katotohanan na ito ay isang sakit, na palagi nating naisasagawa, at mananatili itong isa sa mga malalaking kasalan sa Islam,--ang magsalita ka ng bagay na hindi mo alam, o ang magsalita ka tungkol sa mga bagay na wala kang kinalaman. Kailangan nating isipin ang ating mga salita, kung ano ang ating ipinamamahagi, kung ano ang ating sinasabi sa iba--paano ito tatanggapin at ano ang magiging epekto nito sa makakarinig. Katotohanan,ang bawat isa ay dapat matakot sa posibilidad na may masabi siyang mali, na mayroon siyang maidagdag na wala naman sa katuruan ng Islam.


7. At sino pa ba ang mas matindi ang kanyang kasamaan at paglabag kaysa sa kanya na nag-imbento ng kasinungalingan laban sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), na siya ay nagturing ng mga katambal sa kanyang pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), gayong siya ay inaanyayahan na pumasok sa Islâm at maging taos-puso ang kanyang pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) na Bukod-Tangi? At hindi ginagabayan ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) ang mga yaong hinamak nila mismo ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagtanggi sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at pagsamba ng iba, na sila ay hindi Niya gagabayan sa anumang patnubay.[Surah as-Saff:7]

At lumilingon tayo sa kumikinang na halimbawa ng nakaraan, ang isa na hindi kailanman ipagkakanulo ang kanyang deen habang ang iba ay sumuko na, ang isang hindi pagagapi sa panggigipit ng iba at maggagawa ng kasinungalingan tungkol kay Allah(subhanahu wa ta'ala), ang isa na matibay sa kanyang paniniwala dahil siya ay lubusan ang pagpapaubaya ng lahat kay Allah(subhanahu wa ta'ala)[tawakkul].
Siya si Imaam Ahmad ibn Hanbal (rahimahullaah) ,ang larawan ng katapangan at modelo ng Ummah. Ang nag-iisang lalaki laban sa isang buong estado ng kamalian, gayunpaman, hindi siya tumigil sa pagtatanggol sa kanyang deen, dahil wala siyang kinatatakutan kundi ang Kataastaasan (Allah/subhanahu wa ta'ala).

Nang ang isang grupo (Mu'tazilla) na may kakaibang paniniwala tungkol sa Qur'an ay nabuo (sinasabi nila na ito ay nilikha lamang ng tao), si Imaam Ahmad ay patuloy pa rin sa kanyang pagtatanggol, patuloy sa paglaban sa kanila. Sa kabila ng nagbabantang panganib, patuloy niyang ipinahayag ang katotohanan; ang pagpapatunay ng mga Natatanging Pangalan at Katangian ni Allah(subhanahu wa ta'ala) mula sa Qur'an at Sunnah, at ang Qur'an ay katotohanan na Salita ni Allah(subhanahu wa ta'ala) at hindi nilikha lamang ng tao.

Nang ang 21 na iskolar na nakikipaglaban para sa katotohanan ay naging dalawa na lamang, (si Imaam Ahmad at ang kanyang estudyante na si Muhammad ibn Nuh) ,si Imaam Ahmad ay nanatiling matatag.
Nang ang mga kalaban ay nilagyan siya ng tanikala, tanikala na mas mabigat pa sa kanyang katawan, hindi siya sumuko, nanatili siya sa kanyang paniniwala.
Nang mamatay si Muhammad ibn Nuh, at naiwan na lamang siyang mag-isa, nanatili siya sa kanyang tamang paniniwala. Siya ay nilatigo, kinaladkad, ikinulong, pinahirapan--ngunit matibay pa rin siya sa kanyang ipinaglalaban, matibay sa kanyang deen at walang pag-aalinlangan, at sa pangako ni Allah(subhanahu wa ta'ala), na nagpatatag sa kanyang Taqwa at Tawakkul. Nanatili siya sa Qur'an at Sunnah, at nakipagtalastasan sa kung ano ang mas mainam, habang ang kanyang kalaban ay sarili lamang nilang kaalaman ang pinanghahawakan, na mas pinahahalagahan ang kanilang opinyon at sariling interpretasyon.


Ang Mu'tazilla ay isang halimbawa ng posibleng mangyari kung isusulong natin ang ating sariling opinyon, gayong sa katotohanan, tayo ay limitado lamang ang nalalaman.
Isipin nyo kung gaano ang pinsalang magagawa sa ating deen kung ang mga tao ay magpapalaganap ng aral na gamit lamang ang sarili nilang nalalaman sa halip salita at  aral ng mga ulama ang kanilang ipamahagi."Katotohanan,ang mga Iskolar ay tagapag-mana ng mga Propeta."

Isinalaysay  ni Ibn Mas'ood(radiyallahu anhu) na: "Kayo ay nasa panahon kung saan marami ang Maalam(iskolar) ngunit kakaunti lamang ang tagapagsalita.At pagkatapos ninyo ay ang panahon naman kung saan kakaunti ang Maalam,ngunit marami ang tagapag-salita".

Totoong dumarami na ang mga Tagapag-salita at nawa ay bigyan tayo ni Allah 'ta ala ng kakayahan na kilalanin kung sino ba ang nagsasalita ng ayon sa Qur'an at Sunnah, at kung sino ang ayon lamang sa kanyang sariling interpretasyon.
Ang liwanag ng deen na ito ay mapapansin lamang kung ito ay ipapakita sa tamang paraan,malinis sa kasinungalingan. Kaya dapat na palaguin ang ating kaalaman upang mapagtagumpayan natin ang adhikaing ito.

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!



PAGPAPAHIRAP SA SARILI

Bakit kailangan nating pahirapan ang ating sarili sa mga bagay na nakalipas at tapos na? 

Kung gusto mong gawing masaya ang iyong buhay,sundin mo ang prinsipyong ito:Huwag mong pansinin ang maliliit na bagay.Mga bagay na ikaw lamang ang nagpapalaki., 

Kalimitan ay pinahihirapan natin ang ating sarili,patuloy tayong nasasaktan,nagmumukmok sa isang tabi.Ngunit ang sakit,kailanman ay hindi magiging solusyon sa ating problema. 

Isipin mo!Kapag patuloy ka sa ganitong sitwasyon,hindi bat ang sarili mo lamang ang iyong pinahihirapan? 

Ang ating Propeta Muhammad(salallahu alayhi wa salam) ay nakaranas ng maraming mapapait na pangyayari sa kanyang buhay.Isang araw,habang magkalapit silang nakaupo ng kanyang pinakamamahal na asawang si 'Aisha(radiyallahu anha) ay tinanong siya nito: 
"Mayroon bang araw sa buhay mo na mas matindi ang dinanas mong pighati kumpara sa Labanan sa Uhud?" 

Nagbalik sa alaala ng Propeta(salallahu alayhi wa salam) ang mga pangyayri ng araw na iyon.O napakasaklap ng araw na nabanggit!Napatay ang pinakamamahal niyang tiyuhin na si Hamza,habang nandoon siya at napapanood niya kung paano nila siya(Hamza) pinahirapan,ang kanyang ilong at tainga ay hiniwa at inalis,ang kanyang tiyan ay binuksan at doon ay lumabas na ang kanyang lamang-loob. 

Iyon din ang araw kung saan ang ngipin ng Propeta(salallahu alayhi wa salam) ay nabungi,ang kanyang mukha ay nasugatan,at ang kanyang dugo ay umagos. 

Ang Araw ng Uhud ay ang araw kung saan ang kanyang mga Kasamahan ay napatay sa kanyang harapan,na nakikita niya kung paano sila pinatay,at bumalik siya sa Madinah na Pitumpo sa kanyang kasamahan ang nalagas.Sinalubong siya ng mga naulilang anak at asawa ng kanyang mga kasama na nagbuwis ng buhay.Mga naulila na umaasang makakabalik ang kanilang mahal sa buhay. 

Totoong napakasaklap ng araw na iyon. 

Hinintay ni 'Aisha(radiyallahu anha) ang isasagot ng Propeta(salallahu alayhi wa salam).
Sumagot ang Propeta(salallahu alayhi wa salam): 
"Mas masakit ang dinanas ko sa kamay ng mga tao sa iyong bayan.Ang Araw ng Aqabah kung saan inialay ko ang aking sarili....at ipinagpatuloy niya ang pagkukwento ng buong istorya ng paghingi niya ng tulong sa mga tao sa Taif,ang kanilang pagtanggi sa kanya at pagtataboy habang sinusundan siya at binabato hanggang sa magdugo na ang kanyang talampakan. 

Sa kabila ng lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ng Propeta(salallahu alayhi wa salam),ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay na mayroong sigla at hindi niya hinayaan ang mapapait na alaala ay makahadlang sa pagpapatuloy niya.Walang dahilan upang balikan pa.Wala na ang sakit,ang natira na lamang ay alaala.Kung ganon,huwag mong patayin ang sarili mo sa pighati.At huwag kang pumatay dahil lamang namimighati ka at nagsisisi. 

Kung minsan,hinaharap natin ang problema sa paraan na hindi naman natin iyon masusolusyunan. 

PAALALA: 
ANG PAGHARAP SA PROBLEMA SA PARAAN NA HINDI MAKAKATULONG AY PAGPAPAHIRAP LAMANG SA IYONG SARILI..........

BAKIT KAILANGAN KO MAG-ARAL?....E BABAE AKO!


Papuri ay kay Allah!

Una sa lahat,pinapayagan ba sa Islam na mag-aral ang isang babae?

"Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng BAWAT  Muslim"[Sunan Ibn Majaah]

Ang hadith na ito ay nagpapatunay na bawat Muslim,maging babae o lalaki ay kinakailangan na maghanap ng kaalaman tungkol sa kanyang deen.At bilang karagdagan,ang sumusunod na pahayag ay nagpapatibay na anomang kaalaman na makakatulong sa atin sa mundong ito o maging sa Kabilang Buhay,at hindi lihis sa Islam,ay pinahihintulutan."Ang isang naghahanap ng kaalaman ay hindi dapat ipinagwawalang bahala ang pangyayari sa kanyang paligid,ito ay isang paraan upang madagdagan ang kanyang kaalaman.Ang isang "faqeeh" ay iyong nakakaintindi sa kayang binabasa at nauunawaan niya kung paano ito isabuhay.Tanggap nating lahat na ang tao ay kinakailangan na "mayroong kaalaman tungkol sa tunay na buhay upang malaman niya kung paano ba mabuhay ang isang tao".

Gayunpaman,nakakalungkot na ang ibang mga Muslimah ay hindi ganoon kasidhi ang pagnanais na maghanap ng kaalaman.At ang matindi pa,may mga lalaking Muslim na nagsasabi na ang babae ay dapat lamang manatili sa loob ng bahay at huwag nang mag-aral pa.Bagamat sapat na ang  mga mapapanaligan na ahadith at hukom ng mga iskolar na nagpapatunay na mali ang isipin na ito,nais ko pa ring ipaunawa sa lahat ang kahalagahan ng EDUKASYON.Umaasa ako na ang artikulong ito ay magbibigay ng inspirasyon sa aking mga kapatid na Muslimah upang mas higit nilang pag-ibayuhin ang paghahanap ng kaalaman.

Kung gayon,ang edukasyon na tinutukoy sa artikulong ito ay iyong tungkol sa Islam at sa kapaki-pakinabang na sekular na kaalaman.

Mga kapatid kong Muslimah,tayo ay mapalad na magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa iginagalang at magandang eskuwelahan.Biniyayaan tayo dahil tayo ay hindi napili upang mag-trabaho ng  "mababang uri" dahilan sa kakulangan ng kaalaman.Mapalad tayo dahil binigyan tayo ng kalayaan na ipahayag ang ating sarili.Marami ang hindi makagawa ng mga bagay na ito dala ng kahirapan o di kaya naman ay ng kapansanan.Mayroon akong sister na kakilala,bulag siya at nag-aaral sya sa pamamagitan ng pakikinig sa notes na binabasa sa kanya.Alhamdulillah!Ngayon ay matatapos na siya sa kanyang Master's degree.At eto tayo,lahat ng pagkakataon ay ibinigay sa atin,pero mas pinili natin ang maging pabaya sa paghahanap ng kaalaman.Ang mga gastusin sa ating pag-aaral,halos lahat ay ang ating magulang ang siyang pumasan,nagtatrabaho sila gabi at araw para lamang mapagtapos tayo.

Mga kapatid kong Muslimah,ang edukasyon ay hindi lamang makukuha sa mga libro na nagmula sa eskuwelahan.Kaya kung halimbawa ay natuto kang gumamit ng isang makina na napatunayan mong kapaki-pakinabang,iyon ay edukasyon.

At kung ninanais mong malampasan ang buhay na ito,kailangan mong pag-aralan ang lahat ng aspeto.Sa bilis ng takbo ng panahon,kailangan nating humabol.Ang karanasan ng isang nabalo  na sister ay isang magandang halimbawa para rito.Siya na nakadepende lamang sa kanyang asawa at hindi nakapag-aral,at wala siyang ibang mapuntahan ng mamatay ang kanyang asawa.Simula ng mamatay ang kanyang asawa,gumigising siya na mayroong pangamba at pag-aalinlangan.Hindi tiyak kung ano ang gagawin niya sa araw na iyon,dahil wala na ang taong inaasahan niya.Mayroon namang isang sister na dahil kulang siya sa edukasyon ay tinitiis na lamang niya ang pangmamaliit sa kanya ng mga magulang ng kanyang asawa,lahat ng masasakit na salita ay tinatanggap niya,para lamang mayroon siyang bubong na masilungan.At dahil siya ay ulila na,kanino siya hihingi ng tulong?Paano ang kalagayan ng mga babaeng ganito?Paano sila mag-uumpisa ng negosyo kung hindi nila alam ang mga nangyayari sa mundo ng pangangalakal?Paano sila hihingi ng katarungan kung hindi nila alam ang kanilang karapatan?Napakaraming kaso na ang kinabukasan ng kababaihan at ng kabataan ay nasisira dahil sa iniwan nila ang pag-aaral.Ito ay dapat magsilbing panawagan sa mga brothers na nagsasabing hindi kailangan na mag-aral ang isang babae.Anoman ang naisin ng isang Muslimah,maging ito ay kumita ng pera o hindi,kailangan maging handa sila upang mamuhay ng walang sinasandalan,ng ayon sa hangganan na itinakda ng Islam,at matutong lumaban, kung hihingiin ng pagkakataon.

Mga kapatid kong Muslimah,sa ngayon,ang Islam ay itinuturing na isang makalumang relihiyon ng mga taong hindi nakakaunawa ng aral nito,marami ang nagsasabi na ang kababaihan daw sa Islam ay walang kalayaan,na tayo daw ay inaapi.Sa mga nakaraang dekada,kakaunti lamang ang nalalaman ng mundo tungkol sa tamang aral ng Islam.Kung magpupunta ka sa isang bookstore,bibihira ang libro tungkol sa Islam."Ang isang babae na nakakabasa at nakakasulat ay mas malaki ang porsyento na maipapasa niya ito sa kanyang mga anak,kumpara sa ama ng tahanan.Sapagkat siya(ina) ang kasama ng mga bata sa loob ng bahay.Kung gayon,ang edukasyon ay maaring umpisahan sa loob mismo ng tahanan at walang anumang gastusin,kailangan lamang ay pagtitiyaga at tamang pagtuturo.Maaaring magnegosyo ang isang babae kahit na siya ay nasa loob ng tahanan,maaari siyang magbenta ng mga produkto na siya mismo ang gumawa.At malaki ang maitutulong ng kaalaman sa bagay na ito.

Kung ang bawat isa sa atin ay tuturuan ang kanyang pamilya ng kalinisan ayon sa sunnah ng Propeta(saws) upang mapaunlad ang ating kabuhayan,at tulungan ang ating mga anak na matuto ng mga gawain na nakapagpapalapit sa kanila kay Allah(swt),tayo ay gagantimpalaan ni Allah(swt).

"وقال تعالى ( المائدة 2 ) : { وتعاونوا على البر والتقوى }"
At magtulungan kayo tungo sa al-Birr at Taqwa [5:2]

Mga kapatid kong Muslimah,upang maging bahagi kayo ng lipunan,kinakailangan ninyo ng edukasyon.Kung gayon,huwag nyong iwanan ang pag-aaral,mag-aral kayo para sa ikasisiya ni Allah(swt).Araw-araw,gumising kayo na mayroong maliwanag na adhikain na makatulong sa ibang tao,at maging halimbawa ng tunay na Muslim ng dahil sa inyong kaalaman.Magpursige kayo.Palawakin ang inyong nalalaman.Sa ngayon,damputin nyo ang libro na matagal nyo nang nalimutang buksan!

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!


PINAHIHINTULUTAN SA ISLAM ANG PANANAKIT NG ASAWA?


Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem

Ang mga daliri ay laging nakaturo sa mga Muslim dahil sa pananakit "daw" nila sa kanilang asawa na "pinahihintulutan" sa Islam.

1.Ang "domestic violence" ay hindi lamang sa tahanan ng mga Muslim makikita,ito ay palasak sa buong mundo. Sa katotohanan ay mas mataas ang bilang ng karahasan sa mga bansa sa  Kanluran kung saan "illegal" ang pananakit ng lalaki sa kanyang asawa. Ang dahilan ay ang hindi  pakikialam ng mga "kamag-anak" sa usaping pampamilya. Sa Kanluran,ang pamilya ay tinatawag na "nuclear family" kung saan binubuo lamang ng ama,ina at mga anak. Na siyang dahilan kung bakit walang pakialam ang mga kamag-anak sa anomang problema ng mag-anak. Sa komunidad ng Muslim,ang mga kamag-anak ay hinihikayat na "mamagitan" sa anomang hindi pagkakasunduan upang mapangalagaan ang karapatan ng mga anak na babae,kapatid,pamangkin,tiyahin,o pinsan. Ang mga magkakamag-anak ay namumuhay sa isang lugar o di kaya ay magkakalapit lamang ang tirahan.

2.Ang pagtanggap  ng Kanluran sa "corporal policy" o ang pagkastigo sa mga anak ay biglaang nagbago simula noong ilathala ni Dr.Spock (hindi yung nasa pagnenegosyo) ang kanyang lathalain tungkol sa pagpapalaki ng mga anak noong dekada 50. Ang kanyang libro ang naging batayan hindi lamang sa pagpapalaki ng mga anak kundi ganoon din sa mga paaralan. Ayon sa kanya,ang mga bata ay kailangang ituring na "little adults". Sila ya kailangang pagpaliwanagan,payuhan,NGUNIT huwag sasaktan. Ganoon din naman,bilang nakatatanda,ang tao ay hindi dapat manakit ng kapwa upang mapasunod ito sa kanyang gusto,o saktan sila bilang parusa sa hindi pagsunod sa utos,ang mga bata ay hindi rin dapat sinasaktan. At ang naging resulta nito ay ang pag-aalis ng "corporal punishment" sa mga paaralan. Ito rin ay ipinahinto sa mga kulungan at pinalitan ng "reform" o pagbabago. Ang hindi magandang nangyari sa paaralan ay naging "hostages" ng mga mag-aaral ang kanilang mga guro. Maraming kaso nang mga estudyante na nanakit sa kanilang guro ang naiulat noong 60's at 70's. At bilang resulta pa,karamihan ng gate sa mga paaralan sa America ay nilagyan ng "metal detector" upang makumpiska ang mga maaring gamitin na panakit sa mga guro.

3.Pinahihintulutan sa Islam ang "corporal punishment" sa ilang malalaking paglabag tulad ng ;100 palo sa pangangalunya, 80 sa paglalasing,at paninirang puri atbp. Tungkol naman sa mga bata,sinabi ng Propeta Muhammad (saws):[sa pagkakasalin] "Turuan ninyo ang inyong mga anak ng salah kapag sila ay 7 taon gulang na,at paluin sila kung hindi sila magsalah kapag umabot na sila ng 10 taon.[Muslim]
Mayroong limitasyon sa kautusan na ito,bawal ang manakit sa mukha, kahit na sa hayop pa ito.

4.Totoo na pinapayagan ng Sha'riah na saktan ng lalaki ang kanyang asawa. Ito ay pinahintulutan ni Allah(swt) sa Qur'an na matatagpuan sa:
Surah An-Nissa 4:34 [at sa mga yaon namang nangangambang baka sila ay lalabag sa inyo, ay pagpayuhan ninyo sila ng magandang salita; at kapag hindi nagbunga para sa kanila ang magandang salita, ay huwag ninyo silang tabihan sa higaan; at kapag hindi naging mabisa ang hindi ninyo pagtabi sa kanila sa higaan, ay paluin ninyo sila sa pamamagitan ng pagpalong hindi nakasasakit;]
Sinabi rin ni Propeta Muhammad (saws) : "أن تطعمها إذا طعمت وتكسوها إذا اكتسيت ولا تضرب الوجه ولا تقبح ولا تهجر إلا في البيت " Mayroon kayong karapatan na pagbawalan ang inyong asawa na papasukin sa bahay ninyo ang hindi ninyo gusto. At kapag sinuway nila kayo,maaari ninyo silang saktan.At ang karapatan naman ng babae sa inyo ay ang damitan at pakainin ninyo sila ng may katarungan, nang ayon sa inyong kakayahan.[Muslim]
NGUNIT ang pagpapahintulot ay nasasaloob sa espesyal na kundisyon at mayroong LIMITASYON. Ang lalaki ay hindi maaaring manakit dahil lamang natapon ng kanyang asawa ang kanyang kape,nasunog ang ulam na niluluto,nakalimutang plantsahin ang kanyang damit,at marami pang iba na mabababaw na dahilan. Ang pagpapahintulot na nagmula sa Qur'an ay ibinigay lalo na sa usapin ng diborsyo,bilang huling paraan upang masagip pa ang kasal ng mag-asawa. Ang ayah sa Qur'an ay malinaw na nagpahayag sa proseso ng pagkastigo sa asawang pala-suway at rebelde. Siya ya kinakailangang KAUSAPIN MUNA at ipaalala ang kanyang obligasyon. Kapag ito ay hindi umepekto,kailangang HUWAG MAKIPAGNIIG ANG LALAKI SA KANYA,ito ay upang iparamdam sa babae na mayroon siyang hindi sinunod o ginawa na obligasyon. Kung hindi pa rin umepekto at sa tingin ng lalaki ay maaaring ito na ang makapagpatino sa babae,maaari na niyang saktan ito.

Ang kataga ni Propeta Muhammad(saws) na....AT KUNG SILA AY HINDI SUMUNOD SA IYO....ay rebeldeng pagsuway sa mga ipinaguutos ng Sha'riah. At para naman doon sa mga batas na kabaligtaran o hindi nagmula sa Sha'riah,ang babae ay inuutusan na labagin at suwayin ito. Sinabi ng Propeta Muhammad (saws):" Walang pagsunod sa nilikha kung ito ay paglabag sa utos ng Lumikha." Tungkol naman sa pananakit,ito ay kailangang hindi nakapipinsala at hindi sa mukha.katulad ng kanyang (saws) sinabi :"..huwag nyo silang saktan sa kanilang mukha o di kaya ay pagsalitaan ng masama (murahin)". ...."huwag ninyong saktan ang inyong asawa katulad ng pagpaparusa sa babaeng alipin noong panahon ng jahiliyah/kamangmangan". Kapag ang lalaki ay umabuso sa mga kundisyon na ito at minaltrato niya ang kanyang asawa, ang mga lalaking kamag-anak ng babae ay maaaring mamagitan at maaari silang magsampa ng kaso sa hukuman kung malaki ang naging pinsala.

Ang layon ng pananakit na ito ay hindi upang magdulot ng matinding sakit o bilang parusa sa babae,kundi upang maibalik siya sa kanyang huwisyo/pag-iisip at maitatag uli ang kanilang pamilya.

GIRL-BOY,BAKLA-TOMBOY!


Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem

Ang "homosexuality at lesbianism" ay itinuturing na alternatibong pamumuhay,sariling pagpili,at natural na kaganapan sa ibang bansa ngayon. Gayong ilang panahon pa lamang ang nakakaraan ay itinuring ito na isang sakit ng Association of Psychiatrists,ngayon,ito ay inalis na sa listahan at pinalitan ng "homophobia" o pagtutol at mahigpit na pag-ayaw sa homosexuality.

Ang Islam at mga Muslim ay sinasabing wala sa katuwiran at hindi patas dahil sa mahigpit na pagtutol sa homosexuality.

Ang argumento ng mga pabor sa homosexuality ay ito daw ay normal at nagmula pa noong pagkabata at hindi basta lamang nakuha sa kapaligiran na kinalakihan.

Ang mga naunang pagtuligsa sa homosexuality ay ayon sa basehan na ito ay hindi normal at natural sa isang tao. Ang "sodomy" o pakikipagtalik sa isang kaparehong kasarian ay hindi magbubunga ng anak,na siyang isa sa  dahilan kung bakit nagtatalik ang dalawang tao.Hindi tayo nilikha na bakla o tomboy.At para naman kalabanin ang paniniwalang ito,nagsaliksik ang mga siyentipiko na "pro-gay" at sinuyod ang buong mundo hanggang makakita sila ng ilang hayop na nagtataglay ng ugaling homosexual.Katulad ng isang specie ng isda sa baybaying dagat ng Japan,ang lalaking isda ay ginagaya ang kanilang ka-partner na babaing isda upang huwag itong mapunlaan ng iba,at mayroon ding mga lalaking paru-paro na matatagpuan naman sa isla sa Africa,kung saan,sila ay umaarteng babaeng paru-paro sa panahon ng pagniniig. NGUNIT....kung ang pagbabatayan ay ang mga hayop upang mabigyan ng sapat na dahilan ang kakaibang ikinikilos ng mga homosexuals,bakit hindi nila tingnan ang isang uri ng babaeng gagamba na matatagpuan sa South America. Ang babaeng gagamba na ito ay higit na malaki kumpara sa lalaking gagamba,at matapos ang kanilang pagniniig ay KINAKAIN ng babae ang kanyang kapareha.

Noong 80's,sinasabi na mayroong "gland" sa utak na--- malaki kung sa lalaki,maliit kung sa babae,at maliit rin kung sa homosexuals.Gaano man ito kadaling tanggapin ng karaniwang tao bilang pruweba ng pagiging normal ng homosexuality,ito ay agad tinuligsa ng mga siyentipiko. Ang datos ay kinuha mula sa utak ng mga matanda na namatay kung saan tinukoy ang kanilang pamamaraang sekswal base sa kanilang kamatayan.Napag-alaman,na ang pagliit ng gland na ito sa utak ay resulta ng kanilang sekswal na pamamaraan at HINDI SANHI kung bakit sila naging homosexuals. Ibig sabihin,sila ay ipinanganak na normal ang sukat ng gland at lumiit lamang ito dahil sa paraan ng kanilang pamumuhay.

Kamamakailan,ang "genetics" naman ang ginagawang dahilan ng mga "pro-gay" upang bigyang katuwiran ang kanilang argumento. Noong 1993,si Dr.Dean Hammer,isang mananaliksik sa National Cancer Institute ay nagsabi na napatunayan  niya na mayroon talagang "gay genes" sa katawan ng tao. Ito raw ay naisasalin sa lalaking sanggol mula sa X chromosomes ng ina. Ang pagkakatuklas na ito ni Hammer ay nagbigay kulay sa kanyang walang buhay na trabaho bilang siyentipiko ng gobyerno at siya ay sumikat,naging tampok ng media,at ang kanyang talambuhay ay nalathala sa Science Journal,isang sikat na babasahin. Nagbigay rin siya ng kanyang ekspertong testimonya sa Colorado Supreme Court na siyang naging basehan upang maipanalo ang desisyon laban sa anti-gay Propositon 2. Ngunit,ang katulad na pag-aaral ay isinagawa rin sa Universitty of Western Ontario at dito ay nabigo silang matagpuan ang "gay genes" na sinasabi ni Hammer.Napag-alaman rin na kulang si Hammer ng "control group" na isang mahalagang bahagi ng pagsasaliksik.Karagdagan pa,noong Hunyo 1994,iniulat ng Chicago Tribune na isa sa mga naging kasama ni Hammer sa pananaliksik ang nagsabi na ang resulta ng pananaliksik ay mismong si Hammer lamang ang gumawa.Ang pagbubunyag na ito ang naging sanhi upang maalis sa kanyang trabaho sa laboratoryo ni Hammer ang taong nagbunyag. Ngunit ang National Institutes of Health ay nagsagawa ng sariling imbestigasyon at napatunayan na tama ang sinabi ng taong nagbunyag kaya binigyan nila ito ng panibagong trabaho. Bagamat si Hammer ay naging maingat sa pagsasabi kung ano ang kanyang kasarian,sa isa sa kanyang mga pagtuturo ay inamin niya na siya ay ISANG BAKLA.

Dapat nating matanto na ang Islam,sa kabuoan nito,ay hindi siyang nagpakilala ng tandisang pagtuligsa at nagpaumpisa ng mga batas laban sa homosexuality.Ang mga teksto ng Torah ay malinaw na naglalaman ng pag-uusig sa naturang gawain.

Ang paglitaw at pagkalat ng sakit na AIDS ay isang malinaw na pruweba na ang homosexuality ay masama at walang mabuting idudulot sa lipunan.Ang mga naunang paraan ng pagkalat ng sakit na ito ay nagmula sa mga homosexuals at kalaunan ay kumalat na rin sa heterosexuals sa pamamagitan ang pagsasalin ng dugo at paggamit ng gamot,at sa mga tinatawag na AC/DC o bi-sexuals.At patuloy pa ring kumakalat sa mga indibidwal na aktibo sa seks.

Itinuturing ng Islam na ang homosexuality ay bunga ng sariling pagpili.Hindi katanggap-tanggap na lilikha si Allah (swt) ng mga homosexuals at pagkatapos ay sasabihin niya na ito ay masama at dapat parusahan dito sa mundo at sa kabilang buhay. Kapag tinanggap natin ang ganitong konsepto,para na rin nating sianbi na si Allah (swt) ay hindi makatarungan.

Maraming pangyayari at gawain ang maaaring gawin ng tao mula sa bulong ng jinns,impluwensya ng media,o sulsol ng mga kapwa tao.Maaaring ito ay normal o hindi normal gaya ng  panggagahasa/rape,pangangalunya/fornication,panghahalay sa patay/necrophilia at marami pang iba.

Hindi tayo mga Robot na gagawin lamang kung ano ang naka-programmed sa atin,tayo ang pumipili at tayo ang mananagot sa anomang mapili natin.Dahil anoman ang ating piliin,nakatakda na ang resulta nito.Resulta na si Allah (swt) ang nagtakda.

Kung tatanggapin natin na ang homosexuality ay mula sa genetics at normal lamang sa isang tao,dapat rin nating tanggapin na ang "murder" o pagpatay ay normal lamang dahil ayon sa mga scientist,ito daw ay mula rin sa genetics.Kung tatanggapin natin ito, ay hahayaan na lamang natin ang mga mamamatay tao,dahil parte daw iyan ng pagkakalikha sa kanila.

Ipinag-utos ng Islam na sa gulang na 10 taon ay kinakailangan na ihiwalay na ng higaan ang mga anak. Ito ay upang maiwasan ang sekswal na kasanayan na magmumula sa pag-eeksperimento habang sila ay bata pa. Ang ganitong kasanayan ay maaaring magbigay sa kanila ng lakas ng loob upang subukan ito sa ibang tao,sa kanilang paaralan,o maging sanhi ng pang-aabuso ng higit na nakatatanda sa kanila.

Isinumpa ng Propeta Muhammad (saws) ang mga lalaki na gumagaya sa mga babae,at ang mga babae na gumagaya sa mga lalaki;
عن ابن عباس رضي الله عنهما قال : لعن رسول الله صلى الله عليه و سلم المخنثين من الرجال والمترجلات من النساء وفي رواية : لعن رسول الله صلى الله عليه و سلم المتشبهين من الرجال بالنساء والمتشبهات من النساء بالرجال . رواه البخاري

Ang "fashion industry" ay pinamamahalaan ng mga homosexulas at ito ay kinokontrol nila upang bigyan ng katuwiran ang napili nilang klase ng pamumuhay. Pinalalabo nila ang malinaw na pagkakaiba ng babae sa lalaki,sa pamamagitan ng paglikha ng mga kasuotan na kung susuriing mabuti ay hindi katanggap-tanggap. Tingnan na lamang natin ang mga nauusong kasuotan para sa kalalakihan,ito ay mas bagay sa mga babae at ang kulay ay pambabae. At para naman sa kababaihan,ngayon ay nagsusuot na rin sila ng mga damit na panlalaki,pantalon,amerkana at....mayroon pang kurbata, sumbrero,at sapatos na panlalaki.

Ang pagkakapareho na ito ay maaari sa ibang pamayanan.Halimbawa sa Scotland,kung saan ang mga lalaki ay nagsusuot ng maiksing palda na hanggang tuhod na kung tawagin ay "kilts". Sa bansang Scotland,ito ay hindi matatawag na panggagaya sa mga babae,pero sa isang bansa kung saan BABAE LAMANG ANG NAGSUSUOT NG PALDA,ito ay isang panggagaya.

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!




ELEKSYON, BOTOHAN, KANDIDATO....

Malapit na naman pala ang eleksyon sa Pinas, abala na naman ang mga pulitiko sa pangangampanya. 

Naalala ko noong hindi pa ako Muslim, excited ako kapag ganitong panahon. Eleksyon, botohan, kandidato...ibig sabihin...extra income :) .

Maraming magpapalapad ng papel, magbabait-baitan [syempre para makuha ang boto ng mga mamamayan].

"VOTE WISELY" yan ang slogan na gasgas na gasgas na ginagamit kapag eleksyon pero tila hindi pa rin maisakatuparan.

Alhamdulillah at isa na akong Muslim ngayon, hindi ko na kailangan pang manghula kung sino ba ang matino o hindi sa mga kandidato, hindi ko na kailangan pang makipagsiksikan at makihanay sa mahabang pila ng mga botante, hindi na ako madidismaya kapag natalo ang aking ibinoto at ang nanalo ay sila na naman na wala namang nagawa kundi ang magpayaman.

BAKIT HINDI KO NA MARARANASAN ANG LAHAT NG ITO?

KASI.....HINDI KO NA KAILANGANG BUMOTO :)

Bilang isang Muslim na naniniwala at sumasaksi na "walang ibang tunay na diyos na dapat sambahin kundi si Allah (subhanahu wa ta'ala) lamang at si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ay Kanyang Sugo", kasama sa aming paniniwala na walang batas na higit na mainam kumpara sa Batas ni Allah, ang Shari'ah. 


Kaya nga kapag mayroong kandidato na mula daw sa hanay ng mga Muslim at nagsasabi na kapag nanalo siya ay una niyang bibigyang pansin ang karapatan ng mga Muslim, hindi maiaalis ang pagtaas ng aking kilay . Kasi kung susurin mong mabuti, hindi naman nakabase sa aral ng Islam ang kanilang plataporma. At dahil dito ,marami sa atin ang nagkakamali at nag-aakala na ayos lamang ang "makipagkaisa" sa ibang paniniwala, na ayos lamang ang bumoto at magbigay suporta sa mga kandidato na hindi Muslim. Na pinahihintulutan sa isang Muslim ang makilahok, sumali at kumandidato sa eleksyon ng mga hindi mananampalataya.

Payo ko higit sa aking sarili (bagama't wala po akong balak kumandidato :)):

Pag-aralan muna nating mabuti ang ating relihiyong Islam, bago tayo makisali sa magulong mundo ng pulitika. "GOOD POLITICS" ay nakabatay sa tamang pagkakaunawa sa ating relihiyon, at sa tamang paraan kung paano ito naipalaganap ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam ) at ng kanyang mga Sahabah, ayon sa pagkakaunawa ng mga Salaf.

Maipapalaganap natin ang ating relihiyon na hindi kinakailangang isakripisyo ang ating paniniwala, na hindi kinakailangang talikuran ang mga batas nito. Magagawa pa rin natin ito sa tamang paraan at sa paraan na aani ng pagrespeto at paggalang mula sa ibang tao. Kailangan lamang ay nasa tama tayong Aqeedah at nagkakaisa sa Katotohanan.


Kung maipapalaganap natin ang TAMANG ISLAM sa paraan ng mga Sahabah, doon lang , sa awa ni Allah (subhanahu wa ta'ala) natin makakamit ang hinahangad natin na tagumpay. Pero kung babaluktutin natin ang mga batas ng Islam para lamang umayon sa sarili nating pagnanasa o para sumunod sa kultura at makaangat sa iba, e tunay nga na magiging "tagumpay tayo" tagumpay na mapalaot at tuluyang lumayo sa kung ano ang nais ni Allah (subhanahu wa ta'ala) para sa atin.

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA AKING KAPATID NA MUSLIMAH

Mahal kong kapatid,
Nagulat ka ba? Na tinawag kitang mahal? Hindi ka siguro sanay na makabasa ng ganitong mga salita mula sa akin. Ang katotohanan, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa malumanay na paraan. Kaya sige, gawin ko na sa aking normal usual way...^_^

Namamangha ako na sa kabila ng patuloy na pagpapaalala tungkol sa tamang katuruan ng Islam ay marami pa rin ang hindi ito matanggap at sa halip ay inilalayo ang kanilang mga sarili at sa halip ay sinusunod ang kanilang mga pansariling kagustuhan.

إِنَّ ٱلنَّفۡسَ لَأَمَّارَةُۢ بِٱلسُّوٓءِ
Surah Yusuf: 53
Katotohanang ang mga pagnanasa ay nag-uutos ng pagkakasala

Sa ngalan ng ano? ng karunungan? ng pagkakapantay-pantay sa kalalakihan?

Nasisiguro mo ba, kapatid kong Muslimah, na bukas ay buhay ka pa? Na bibigyan ka pa ni Allah (subhanahu wa ta'ala) ng isa pang araw upang patuloy mo Siyang suwayin? Naiisip mo na ba kung ano ang isasagot mo sa Kanya kapag tinanong ka Niya kung sinunod mo ba ang Kanyang mga utos katulad ng:

وَقَرۡنَ فِى بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجۡنَ تَبَرُّجَ ٱلۡجَـٰهِلِيَّةِ ٱلۡأُولَىٰۖ
Surah al-Ahzab : 33
At manatili kayo sa inyong mga tahanan at huwag ninyong ipakita ang inyong mga kagandahan katulad noong unang panahon (ng Jaaheeleeyah)


Maaaring tanggapin mo ang paalaalang ito, o di kaya ay patuloy kang magbingi-bingihan at sabihin na masyado akong marahas kung mangusap, ngunit kapatid kita sa pananampalataya, at ang aking paraan ng pangungusap ay hindi dapat maging sanhi upang itanggi mo na mayroong katotohanan ang aking sinasabi. At alam mo na ang payo kong ito ay nagmula sa aking puso, dahil wala akong hangad kundi ang makabubuti sa aking sarili at sa iyo.

وقال تعالى ( التوبة 71 ) : { والمؤمنون والمؤمنات بعضهم أولياء بعض : يأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر }
Ang mga mananampalataya, na mga kalalakihan at mga kababaihan na naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sa Kanyang Sugo ay nagtutulungan sila sa isa’t isa, inuutusan nila ang mga tao na maniwala at gumawa ng kabutihan, at pinagbabawalan nila ang mga tao na lumabag sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at gumawa ng mga kasalanan

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

ILAN SA LUHO DITO SA MUNDO NA DAPAT ALAM MO KUNG KAILAN MAAARI AT HINDI MO MAAARING TAMASAHIN

1.MGA DAMIT NA MANIPIS AT PA-SEXY
-------Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) :
Mayroong dalawang uri ng tao ang parurusahan sa Apoy, ang lalaki na mayroong buntot katulad ng buntot ng baka at siya niyang ginagamit na panghampas sa mga tao, at MGA BABAE NA NAKADAMIT NGA NGUNIT MISTULANG NAKAHUBAD, na nag-aanyaya sa paggawa ng kasamaan........
[Sahih Muslim]

2.MAIIKSING DAMIT NA NAKALITAW NA ANG KANYANG MGA BINTI O HITA
---itinanong ng isang Sahabiyat (radiyallahu anha) ang Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kung hanggang saan ba ang dapat na haba ng kasuotan ng isang babae at sinagot niya ito ng : "isang dangkal", kaya sinabi ng babae, "ngunit makikita pa rin ang kanyang mga paa"! At sumagot ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) "habaan pa ninyo ng isa pang dangkal ngunit huwag nang lalabis pa rito".
[Sunan At-Tirmidhi 1415]

3.PAGSASALITA,PAKIKIPAG-USAP SA MALAKAS O KAYA AY MALAMBING NA TINIG
---samakatuwid ay huwag kayong makipag-usap nang malumanay na pananalita sa mga kalalakihan (na hindi ninyo ‘Mahram’) upang hindi mahumaling ang puso ng inyong mga kausap sa inyo, at ito ay obligadong pag-uugali sa lahat ng kababaihan na naniniwala 
kay Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sa Kabilang-Buhay, at magsalita kayo sa marangal na kaparaanan na pakikipag-usap na malayo mula sa anumang masamang paghihinala, na hindi ipinagbabawal ng batas.
[Surah al-Ahzab : 32]

4.PAGGAMIT NG PABANGO KAPAG LALABAS NG BAHAY
---Katotohanan, ang mga babae na gumagamit ng pabango at kapag siya ay dumaan at naamoy ng kalalakihan ang halimuyak ng kanyang pabango, siya ay tatawagin na zaaniyah (mangangalunya)
ng nasa mga kalangitan .
[Ahmed Saheeh al-Jaami 2701]

5. PAGSUSUOT NG HIGH-HEELED NA SAPATOS
---mayroong fatwa ang mga scholar na nagbabawal sa kababaihan ng pagsusuot nito sa kadahilanan na ito ay isang uri ng panlilinlang, nagmimistulang matangkad ang isang babae gayong sa katitohanan, siya ay kulang sa taas. Mayroon ding masamang epekto sa kalusugan ang pagsusuot ng high-heeled na sapatos. Ito rin ang nagiging sanhi upang ang babae ay lumakad ng may pag-indayog na siyang nakakatawag pansin sa mga tao.

Kapatid kong Muslimah,
Magagawa mo kayang magsakripisyo at umiwas sa mga ipinagbabawal na ito? 
Huwag kang padala sa tukso ng iba na nagsasabing nagiging maramot ka sa iyong sarili kapag iniwasan mo ang mga bagay na ito. Sa katunayan nga, lubos mo lamang pinahahalagahan ang iyong sarili at umiiwas ka na maitapon sa apoy. Sapagkat ang ninanais mong kaligayahan ay hindi mo makakamtan mo dito sa mundo, ito ay kaligayahan na nakalaan lamang para sa mga katulad mong masunurin at mapagtiis, doon sa lugar kung saan lubos mong makakamit ang lahat ng iyong ninanais...sa Jannah!

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

PICTURE-PICTURE BA?

Ang pagkuha ng larawan ng kahit na anong nilikha na mayroong buhay maging ito man ay tao o hayop ay HARAM, maging ito man ay three-dimentional o 3D, iginuhit sa papel, sa materyal, sa dingding o kahit saan pa, kahit na ito ay isang litrato,.

MGA KATIBAYAN NG PAGIGING HARAM:

1.حَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ بْنُ سَعِيدٍ، حَدَّثَنَا اللَّيْثُ، عَنْ نَافِعٍ، عَنِ الْقَاسِمِ بْنِ مُحَمَّدٍ، عَنْ عَائِشَةَ ـ رضى الله عنها ـ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ " إِنَّ أَصْحَابَ هَذِهِ الصُّوَرِ يُعَذَّبُونَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، وَيُقَالُ لَهُمْ أَحْيُوا مَا خَلَقْتُمْ ".
Iniulat ni 'Aisha (radiyallahu anha) na sinabi ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam): " Ang manlilikha ng larawan ay parurusahan sa Araw ng Paghuhukom at sasabihin sa kanya na bigyan niya ng buhay ang kanyang nilikha".

Reference : Sahih al-Bukhari 7557
In-book reference : Book 97, Hadith 182

Ang mga larawan ay maaaring maging sanhi ng Shirk o pagtatambal kay Allah (subhanahu wa ta'ala), ito rin ay panggagaya sa nilikha ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at ipinagbawal rin ito dahil sa laki ng fitnah na maidudulot nito sa tao katulad ng mga larawan ng mga artista, mga halos nakahubad na larawan ng babae, mga beauty queen at marami pang iba.

2.حَدَّثَنَا أَبُو النُّعْمَانِ، حَدَّثَنَا حَمَّادُ بْنُ زَيْدٍ، عَنْ أَيُّوبَ، عَنْ نَافِعٍ، عَنِ ابْنِ عُمَرَ ـ رضى الله عنهما ـ قَالَ قَالَ النَّبِيُّ صلى الله عليه وسلم " إِنَّ أَصْحَابَ هَذِهِ الصُّوَرِ يُعَذَّبُونَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، وَيُقَالُ لَهُمْ أَحْيُوا مَا خَلَقْتُمْ "
Iniulat ni Ibn 'Umar (radiyallahu anhu) na sinabi ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam): " Ang manlilikha ng larawan ay parurusahan sa Araw ng Paghuhukom at sasabihin sa kanya na bigyan niya ng buhay ang kanyang nilikha".



Reference : Sahih al-Bukhari 7558
In-book reference : Book 97, Hadith 183

3.حَدَّثَنَا عَلِيُّ بْنُ عَبْدِ اللَّهِ، حَدَّثَنَا سُفْيَانُ، قَالَ سَمِعْتُ عَبْدَ الرَّحْمَنِ بْنَ الْقَاسِمِ ـ وَمَا بِالْمَدِينَةِ يَوْمَئِذٍ أَفْضَلُ مِنْهُ ـ قَالَ سَمِعْتُ أَبِي قَالَ سَمِعْتُ عَائِشَةَ ـ رضى الله عنها ـ قَدِمَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم مِنْ سَفَرٍ وَقَدْ سَتَرْتُ بِقِرَامٍ لِي عَلَى سَهْوَةٍ لِي فِيهَا تَمَاثِيلُ، فَلَمَّا رَآهُ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم هَتَكَهُ وَقَالَ " أَشَدُّ النَّاسِ عَذَابًا يَوْمَ الْقِيَامَةِ الَّذِينَ يُضَاهُونَ بِخَلْقِ اللَّهِ ". قَالَتْ فَجَعَلْنَاهُ وِسَادَةً أَوْ وِسَادَتَيْنِ.
...Iniulat ni 'Aisha (radiyallahu anha) na sinabi ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam): "mga tao na tatanggap ng pinakamatinding parusa sa Araw ng paghuhukom ay sila na ginagaya ang mga nilikha ni Allah (subhanahu wa ta'ala)."

Reference : Sahih al-Bukhari 5954
In-book reference : Book 77, Hadith 170

4.Iniulat ni Ibn Mas'ud (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) : " Ang mga tao na tatanggap ng pinakamatinding parusa sa Araw ng paghuhukom ay ang mga gumagawa ng larawan.

Reference : Sahih al-Bukhaari, al-Libaas, 5494

5. Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) :" Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala): " At sino ang hihigit pa sa kasamaan ng tao na sinusubukang lumikha ng katulad ng Aking mga nilikha? Hayaan ninyo silang lumikha ng atomo, o nang butil ng trigo, o nang palay.


Reference : Sahih al-Bukhari, Sahih Muslim
Book of Adornment no. 2111, Ahmad , Musnad vol.2, p. 232

6.أَخْبَرَنَا عَمْرُو بْنُ عَلِيٍّ، قَالَ حَدَّثَنَا عَفَّانُ، قَالَ حَدَّثَنَا هَمَّامٌ، عَنْ قَتَادَةَ، عَنْ عِكْرِمَةَ، عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ، قَالَ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم " مَنْ صَوَّرَ صُورَةً كُلِّفَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَنْ يَنْفُخَ فِيهَا الرُّوحَ وَلَيْسَ بِنَافِخٍ " .
Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) : " Ang sinoman na gumawa ng larawan ay uutusan sa Araw ng Paghuhukom na bigyan niya ng hininga ang kanyang nilikha at hindi niya ito magagawa".

Reference: Sahih al-Bukhari and Sahih Muslim

7.

وَحَدَّثَنَا نَصْرُ بْنُ عَلِيٍّ الْجَهْضَمِيُّ، حَدَّثَنَا عَبْدُ الْعَزِيزِ بْنُ عَبْدِ الصَّمَدِ، حَدَّثَنَا مَنْصُورٌ، عَنْ مُسْلِمِ بْنِ صُبَيْحٍ، قَالَ كُنْتُ مَعَ مَسْرُوقٍ فِي بَيْتٍ فِيهِ تَمَاثِيلُ مَرْيَمَ . فَقَالَ مَسْرُوقٌ هَذَا تَمَاثِيلُ كِسْرَى . فَقُلْتُ لاَ هَذَا تَمَاثِيلُ مَرْيَمَ . فَقَالَ مَسْرُوقٌ أَمَا إِنِّي سَمِعْتُ عَبْدَ اللَّهِ بْنَ مَسْعُودٍ يَقُولُ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم " أَشَدُّ النَّاسِ عَذَابًا يَوْمَ الْقِيَامَةِ الْمُصَوِّرُونَ " . قَالَ مُسْلِمٌ قَرَأْتُ عَلَى نَصْرِ بْنِ عَلِيٍّ الْجَهْضَمِيِّ عَنْ عَبْدِ الأَعْلَى بْنِ عَبْدِ الأَعْلَى، حَدَّثَنَا يَحْيَى بْنُ أَبِي إِسْحَاقَ، عَنْ سَعِيدِ بْنِ أَبِي الْحَسَنِ، قَالَ جَاءَ رَجُلٌ إِلَى ابْنِ عَبَّاسٍ فَقَالَ إِنِّي رَجُلٌ أُصَوِّرُ هَذِهِ الصُّوَرَ فَأَفْتِنِي فِيهَا . فَقَالَ لَهُ ادْنُ مِنِّي . فَدَنَا مِنْهُ ثُمَّ قَالَ ادْنُ مِنِّي . فَدَنَا حَتَّى وَضَعَ يَدَهُ عَلَى رَأْسِهِ قَالَ أُنَبِّئُكَ بِمَا سَمِعْتُ مِنْ رَسُولِ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم يَقُولُ " كُلُّ مُصَوِّرٍ فِي النَّارِ يَجْعَلُ لَهُ بِكُلِّ صُورَةٍ صَوَّرَهَا نَفْسًا فَتُعَذِّبُهُ فِي جَهَنَّمَ " . وَقَالَ إِنْ كُنْتَ لاَ بُدَّ فَاعِلاً فَاصْنَعِ الشَّجَرَ وَمَا لاَ نَفْسَ لَهُ . فَأَقَرَّ بِهِ نَصْرُ بْنُ عَلِيٍّ .
Iniulat ni Ibn Abbas (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) : " Ang bawat manlilkha ng larawan ay itatapon sa Apoy. At ang bawat larawan nilang nilikha ay bibigyan ng buhay at ito ang magpaparusa sa kanila sa 
Impierno".

Reference: Sahih Muslim 2110 ; Ahmad ,Musnad , vol.1, p.308

at idinagdag pa niya :" kung kinakailangan ninyo itong gawin(ang paglikha ng larawan) ay larawan ng puno o mga bagay na walang buhay".

8.Iniulat ni Abu Juhayfah (radiyallahu anhu) na isinumpa ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ang mga tumatanggap ng riba, ang nagpapatubo /RIBA, at ang manlilikha ng larawan.

Sahih al-Bukhari no. 2238, Ahmad, Musnad vol.4, p.309

Subhanallah! Hindi lamang isa o dalawa ang katibayan ng pagiging HARAM ng paglikha ng LARAWAN.
Ano pa kaya ang hinahanap natin? Ano pa ang kulang? Kahit na ang mga scholar ng Islam ay nagpalabas na rin ng mga fatwa tungkol dito, hindi pa rin ba tayo titigil? Hanggang kailan tayo susuway? Hanggang sa sumikat na ang araw sa Kanluran? Hanggang umabot na ang ating kaluluwa sa ating lalamunan?

HUWAG NAMAN!!!!

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!