Linggo, Marso 3, 2013

Muhammad (salallahu alayhi wa salam) : "Ako ay tao lamang"


بسم الله الرحمن الرحيم

Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala):
[sa pagkakasalin]

Sabihin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), sa kanila na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala): “Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo, pinagkalooban ako ng kapayahagan ng aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na walang pag-aalinlangan na Siya lamang ang Bukod-Tanging Nag-iisang ‘Ilâh’ na karapat-dapat sambahin...
[Suratul Khaf 18:110]

at sa katapusan ng ayah ay sinabi
....na kung kaya, sinuman ang natatakot sa parusa ng kanyang ‘Rabb’ at naghahangad ng gantimpala sa Araw ng kanyang pakikipagtagpo sa Kanya ay hayaan niyang gumawa ng kabutihan nang alang-alang sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) ayon sa Kanyang batas, at hindi siya maglalagay ng anumang katambal sa kanyang pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) nang kahit na sino.”
[Suratul Khaf 18:110]

PAGPAPALIWANAG NI Shaykh al-Fawzaan (hafidahullaah):

"Sabihin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), sa kanila na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala): “Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>Inutusan ni Allah (subhanahu wa ta'ala) si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na sabihin sa mga tao 
na siya (Muhammad salallahu alayhi wa salam) ay tao lamang katulad ng lahat ng mga Propeta (alayhimus salam) . At dito ay malalaman natin na mayroon dalawang uri ng mensahero. Mayroong nagmula sa mga Anghel, at mayroon ring nagmula sa mga tao.

Ang mga Mensahero na nagmula sa mga Anghel ay kalimitan na tagapamagitan ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at ng Kanyang Sugo na nagmula sa mga tao. At hindi makikita ng tao ang tunay na anyo ng mga Anghel, sa halip ay katulad nilang tao rin ang kanilang nakikita. Dahil dito, nagpadala si Allah (subhanahu wa ta'ala) ng mga Sugo na tao para sa tao. Ito ay isang habag na nagmula kay Allah (subhanahu wa ta'ala) para sa Kanyang mga nilikha. Dahil kung ang ipinadala Niya na sugo ay Anghel, kung gayon ay hindi ito makikita ng mga tao sapagkat ang anyo ng wangis ng mga Anghel ay kaiba sa anyo at wangis ng mga tao.

“Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>> Ay maaari ring mangahulugan na "ako ay tao lamang". Wala akong kakayahan mula sa ar-Ruboobiyyah (pagka-Panginoon) at hindi ako karapatdapat sa anomang uri ng ‘Ibaadah--pagsamba.

“Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>ako ay isa lamang alipin na nagmula sa mga alipin ni Allah (subhanahu wa ta'ala). Isang 'abd na nagmula sa `Ibaadulllah.

Ang pambungad na salita ng ayah na ito "Sabihin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), sa kanila na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala): “Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>ay isa ring malinaw na pagpapabulaan sa mga nagmamalabis 
sa karapatan ng Sugo ni Allah (salallahu alayhi wa salam) at nagtuturing sa kanya bilang katambal ni Allah (subhanahu wa ta'ala), humihingi ng tulong sa kanya at nagpapasaklolo katambal ni Allah (subhanahu wa ta'ala). Ito ay isang pagpapabulaan sa mga nag-aangkin na si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ay nilikha mula sa liwanag o di kaya naman ay nagsasabi na siya ay hindi nagmula sa pinagmulan ng mga anak ni Adaam at siya daw sa kkatotohanan ay mas nauna pang nilikha kay Adaam. Iligtas tayo ni Allah (subhanahu wa ta'ala). Ito ay isang uri ng ghuloo`(pagmamalabis) at kufr (hindi paniniwala kay Allah (`Azza wa Jall).

“Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>Nangangahulugan na siya ay katulad rin lamang ng karaniwang tao; nagugutom, nagkakasakit, napapagod sa paglalakbay katulad ng iba. At marami pang bagay na nangyayari sa ibang tao na naranasan rin niya. Kung gayon, siya ay maaari ring mabagot at malungkot katulad ng nararamdaman ng karaniwang tao.

Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala):
[sa pagkakasalin]

Katiyakan, alam Namin na nakapagpapalungkot sa iyo, O Muhammad, ang ipinakikita ng mga taong nagpasinungaling sa iyo, na kung kaya, tiisin mo ito at mapanatag ka; dahil sa katotohanan, hindi ka nila tinatanggihan sa kanilang mga sarili, bagkus dahil sa kanilang sukdulang kasamaan at paghihimagsik ay tinanggihan nila ang mga malilinaw na katibayan, na ikaw ay totoo; na kung kaya, pinasisinungalingan ka nila sa mensahe na iyong dala-dala.
[Surah al-An'am 6:33]

at sinabi pa Niya (subhanahuwa ta'ala)

At huwag kang malungkot sa pagtalikod sa iyo ng mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at pagtanggi nila sa paniniwala sa iyo, at huwag sumikip ang iyong dibdib sa kanilang mga pakana, dahil walang pag-aalinlangan na ang Allâh (subhanahu wa ta'ala) ang tutulong sa iyo laban sa kanila.
[Surah an-Naml 27:70]

Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng pag-aalaala, kalungkutan na nararamdaman ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) dahil sa nakikita niya na pagsalungat ng tao sa pagsamba kay Allah (subhanahu wa ta'ala). Bakit? Dahil ang nais niyang makita ay ang kabutihan para sa mga tao. Nais niya na maligtas sila at mailayo sa Apoy. Kaya't kapag may nakikita siya na tumatahak sa landas ng kapahamakan, siya ay nalulungkot. Ito ay dahil sa kanyang magandang hangarin at pag-aalaala sa mga tao.

At tungkol naman sa pagiging kilala niya sa kalipunan ng mga tao, ito ay dahil siya ay hinirang upang maging Sugo ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at siya ay binigyan ng perpektong `Uboodiyyah kay Allah (subhanahu wa ta'ala) . Kung gayon, siya ang pinakamainam na nilikha dahil sa kanyang pagsamba kay Allah (subhanahu wa ta'ala) at siya ang may pinakamalaking takot sa Kanya (subhanahuwa ta'ala).

_______________________________________________________
Source: Class 02: Forbiddance of Showing Off Part I by Abu `Iyaad based on the commentary of ShaykhSaalih al-Fawzaan (hafidahullaahu ta`aala).

Source: http://www.istijabah.com/2011/10/31/i-am-only-a-man/

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento