Linggo, Marso 3, 2013

IDOL KO SI......


بسم الله الرحمن الرحيم

Ang isang Muslim na sumusunod sa Sunnah ay hindi isang bulag na taga-sunod ng kahit sinong partikular na tao maging ito ay Shaykh, Du'aat o kung sino pa man [ na nagpapalaganap ng ligaw na katuruan tungkol sa relihiyong Islam].

Hindi rin niya mas binibigyang importansya ang pahayag ng isang scholar kumpara sa katotohan 'haq' na ipinapakita sa kanya, kahit pa gaano kaganda o kataas sa palagay niya ang kaalaman na taglay ng scholar na kanyang hinahangaan. Sa halip ay mas binibigyang pansin niya ang mga salita na tinuran kumpara sa kung sino ang nagbitiw ng mga salitang ito, at sinusuring mabuti ang mga patunay at ebidensya na inilatag at hindi nagiging bulag na tagasunod na lamang.

Tandaan rin natin na lahat ng tao ay maaaring magkamali at sitahin sa kanyang sinabi maliban kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) [Imaam Malik]

Imaam Muhammad Naasirud-Deen Al-Albaanee rahimahul-llah / Ahkaamul-Janaa’iz p222

PAKALIMIIN:
Kung ang isang SCHOLAR ay maaaring magkamali sa kanyang mga sinasabi at itinuturo...paano kaya ang isang karaniwang mag-aaral na hindi pa nakaabot sa estado ng kaalaman ng mga scholar na ito?


_______________________________________________________

ANG TAQLEED

ANG PINAHIHINTULUTAN NA TAQLEED
-Shaykh Saalih al-Fawzaan-

" at para sa uri ng taqleed (bulag na pagsunod) na pinahihintulutan, (at-taqleedul-mubaah), ito ay para lamang sa mga karaniwang tao (aamee) na, kung hindi niya susundin ang mga taong may kaalaman, siya ay maliligaw ng landas. Katulad nga ng sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala);
و ما آرسلنا من قبلك إلا رجالا نوحى إليهم فسءلوا أهل الذكر إنكنتم لا تعلمون

At ang talatang ito ay bilang pangkahalatan na patungkol sa lahat ng bagay na may kinalalaman sa Relihiyon (o ‘Deen’), na kapag ang isang tao ay mayroon siyang hindi alam ay nararapat na magtanong siya sa sinumang nakaaalam na pinagkaloban ng kaalamanز
[Surah An-Nahl 16:43]

At ang taqleed ay hindi basta-basta ginagawa sa kung sino lamang.
Sa halip, ito ay ginagawa sa isang taong kilalang nagtataglay ng kaalaman at relihiyoso.

_______________________________________________________


Shaykhul-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah)
---ang isang Muslim na nahaharap sa isang mahirap na sitwasyon ay kinakailangan na hhumanap ng kasagutan at hatol mula sa inaakala niyang magbibigay nito (hatol) ayon sa Qur'an at Sunnah; kahit sa anong madhab pa siya nakabilang.
Hindi obligasyon ng Muslim na maging bulag na tagasunod ng isang partikular na scholar sa lahat ng sinasabi nito. At hindi rin obligasyon ng isang Muslim na maging sunud-sunuran sa isang scholar na naniniwala sa isang madhhab lamang. Sa halip, ang lahat ng salita ng isang tao ay maaaring kunin o itapon, maliban sa salita ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam). At pagsunod sa madhhab ng isang partikular na tao sa dahilan na wala kang kakayahan kung ano ba ang tamang hukom para rito ay kabilang sa mga pinahihintulutan, at hindi kasama sa mga obligadong gawin--kung mayroon silang kakayahan na alamin ang tamang hukom na hindi sila nahuhulog sa pagiging bulag na tagasunod. Kung kaya nga ang bawat tao ay dapat na magkaroon ng takot kay Allah (subhanahu wa ta'ala) hanggat maaari, at maghanap ng kaalaman na siyang ipinag-utos ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam); sundin ang ipinag-uutos, at iwasan ang ipinagbabawal".

At para naman doon sa may kakayahan na magsagawa ng ijtihaad, maaari ba siyang mag-taqleed?

Tungkol dito ay mayroong hindi pagkakaisa ng opinyon, na pinapayagan lamang ang mag-taqleed kung ang taong ito ay walang kakayahan na mag-ijtihaad; maaaring dahil pareho lamang ang mga katibayan na inihain sa kanya, o dahil sa kakulangan ng oras upang maisagawa ang ijtihaad, o ang mga katibayan ay hindi naging malinaw para sa kanya. Kaya sa ganitong pagkakataon kung saan wala siyang kakayahan, ang 
obligasyon ng ijtihaad ay inaalis sa kanya sa kawalan niya ng kakayahan para rito."

RESOURCES:
1. Muntaqaa min Fataawaa (5/363).
2. Majmoo Fataawaa (20/208-209).
3. Majmoo Fataawaa (20/204).
4. Ilaamul-Muwaqqieen (2/188).
5. Related by Ibn Battah in al-Ibaanatul-Kubraa (no.97). Refer also to al-Masaail (3/1355) of Abdullaah ibn Imaam Ahmad.
6. Fathul-Majeed (2/649).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento