Sabado, Marso 23, 2013

ANG MALAYANG PAGPILI NG RELIHIYON

Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem

Sa panahon ngayon, malimit nating marinig na ang Islaam ay isang malayang relihiyon na nagbibigay ng kalayaan sa tao na pumili kung saang relihiyon siya nais umanib. At ang patunay na kanilang ginagamit sa argumentong ito ay ang ayah na :

[sa pagkakasalin]
Dahil sa kaganapan ng ‘Deen’ at sa mga malinaw na kapahayagan ay hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin. Dahil ang mga palatandaan nito ay malinaw na inihihiwalay ang katotohanan sa kamalian, patnubay mula sa pagkaligaw.
[Suratul Baqarah 2:256]

Mayroon bang katotohanan ang pahayag na ito?

Sagot ni Ulaama Shaykh Saleh Al-Fawzaan (hafidhahullaah) :

Ito ay isang KASINUNGALINGAN patungkol kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) !
Ang Islaam ay HINDI RELIHIYON NG MALAYANG PAGPILI!
Ang Islaam ay naglalayon na PUKSAIN ANG SHIRK at KUFR!
At labanan ang mga sumasamba sa maraming diyos.

Kung ang Islaam ay relihiyon ng malayang pagpili...
kung gayon ay hindi na kinakailangan pa na magpadala ng mga PROPETA, ng mga AKLAT.

Hindi na rin kailangan pa ng tao na mag-JIHAD, ang makipaglaban para sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala).
Dahil malaya ang lahat na pumili at GAWIN ANG ANOMANG NAISIN NIYA.

Datapuwat sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) :
[sa pagkakasalin]

At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa.
[Surah Adh-Dhariyat 51:56]

Hindi Niya (subhanahu wa ta'ala0 sinabi na .."upang masunod ang kanilang gusto.."
Sa halip ay sinabi Niya (subhanahu wa ta'ala) na ..." sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa."


Sinabi pa ni Allaah (subhanahu wa ta'ala)
[sa pagkakasalin]:

At ipagpatuloy ninyo, O mga sumasampalataya sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), ang pakikipaglaban sa mga ‘Mushrikin,’ na nagpapasimuno ng gulo, hanggang sa mawala ang ‘Fitnah’ sa ‘Deen’ ng mga Muslim at mawala ang pagsamba ng iba bukod sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), at ang ‘Deen’ ay mananatili na para na lamang sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) –na wala nang ibang sasambahin bukod sa Kanya.
[Suratul Baqarah 2:193]

Kaya't ang sinoman na tumangging sambahin si Allaah (subhanahu wa ta'ala) ay marapat na kalabanin at hindi siya iiwan hanggat hindi siya bumabalik sa relihiyon o kaya ay mapatay.

Ang Islaam ay hindi maaaring magpahintulot ng kalayaan sa Kufr at kawalan ng paniniwala sa Dakilang Lumikha
ITO AY ISANG MALAKING PAGPAPASINUNGALING TUNGKOL KAY ALLAAH (subhanahu wa ta'ala).

Dahil kung totoo ito, bakit kinakailangan pa na magpadala ng mga Sugo at mga Aklat? Isabatas ang Jihaad at magkaroon ng Batas Shari'a at ipataw ang karampatang parusa sa sinoman na magkakasala?

Ang lahat ng iyan ay upang pangalagaan ang mga tao laban sa iba't-ibang paniniwala at maruming katuruan. Pangalagaan sila sapagkat sila ay mga Mananampalataya kay Allaah (subhanahu wa ta'ala).
Upang tanging si Allaah (subhanahu wa ta'ala) lamang ang sambahin at huwag magtambal ng kahit sino sa Kanya.
Ang sinoman na tumanggi ay ituturing na hindi sumasang-ayon sa ipinahihintulot na Batas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala).

At tungkol naman sa sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) na ...."hindi na kinakailangan na pilitin pa ang iba...",
Hindi ito nangangahulugan na mayroong kalayaan opinyon. Ang ibig sabihin nito ay hindi natin maaaring ipilit ang Islaam sa puso ng isang tao, sapagkat tanging si Allaah (subhanahu wa ta'ala) lamang ang may kakayahan na gumawa nito.

Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta'ala):
[sa pagkakasalin]

...na iginagabay Niya sa sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin....
[Surah Al-An'am 6:88]


Kung kaya, ang gabay ay nakasalalay sa Kamay ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) at hindi ito mangyayari sa pamamagitan ng pilitan , sa halip ay ng pagpili.

Gayunpaman, kinakailangan nating labanan ang mga hindi mananampalataya sapagkat ito ay ipinag-utos sa atin ni Allaah (subhanahu wa ta'ala).

[sa pagkakasalin]

...O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sumunod sa Kanyang Sugo! Panatilihin ninyo ang inyong mga sarili sa pagsagawa ng ipinag-utos ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) at pag-iwas sa paglabag sa Kanya; at kayo ay manatili rito kahit na ang mga tao ay hindi maniniwala (o susunod) sa inyo; at kung ito ay inyong nagawa ay hindi kayo mapapahamak sa pagkaligaw ng mga naligaw, kung kayo ay nanatili sa Matuwid na Landas at ipinag-utos ninyo ang pagsagawa ng mabuti at ipinagbawal ang pagsagawa ng masama.
[Suratul Maidah 5:105]

Kung kaya marapat lamang na ipakita natin sa kanila kung ano ang Relihiyong Islaam. Hindi natin maaaring sabihin sa kanila na "walang sapilitan sa relihiyon". Sa halip ay sikapin natin sila na yakapin ang relihiyong Islaam sa pamamagitan ng mahusay na pagpapaliwanag.
At maging marahas tayo sa sinoman na tumalikod sa Islaam matapos na ito ay kanyang tanggapin.
Ang gabay ay tanging kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) lamang magmumula.

Kung kaya iyan ang ibig sabihin ng ayah na " hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin."

Dahil sinabi rin ni Allaah (subhanahu wa ta'ala)..At ipagpatuloy ninyo, O mga sumasampalataya sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), ang pakikipaglaban sa mga ‘Mushrikin,’ na nagpapasimuno ng gulo, hanggang sa mawala ang ‘Fitnah’ sa ‘Deen’ ng mga Muslim at mawala ang pagsamba ng iba bukod sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), at ang ‘Deen’ ay mananatili na para na lamang sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) –na wala nang ibang sasambahin bukod sa Kanya.
[Suratul Baqarah 2:193]

at....at kung ito ay inyong nagawa ay hindi kayo mapapahamak sa pagkaligaw ng mga naligaw, kung kayo ay nanatili sa Matuwid na Landas at ipinag-utos ninyo ang pagsagawa ng mabuti at ipinagbawal ang pagsagawa ng masama.
[Suratul Maidah 5:105]

BAKIT KINUKUHA NINYO ANG ISANG AYAH AT INIIWAN ANG IBA PA?

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento