Linggo, Marso 3, 2013

ANG DULING NA NAGPAAKAY SA BULAG


بسم الله الرحمن الرحيم

الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الإِسْلاَمَ دِينًا
Sa araw na ito ay kinumpleto Ko nang ganap para sa inyo, ang inyong ‘Deen,’ na ito ay ‘Deen Al-Islam 
[Suratul Maidah 5:3]

Nakapagtataka ba kung ang bawat katanungan mo ay may katapat na kasagutan sa Islam ? Nakamamangha ba na nasa isip mo pa lamang ay matagal na palang inilatag ang bawat patunay? Kung kahit ang kaliit liitang detalye ng paggamit ng palikuran ay mayroong pamantayan na dapat sundin, ano pa kaya ang malaking usapin na pangrelihiyon?

Kapatid, huwag kang magtaka!
Dahil ang Islam ay isang kumpletong relihiyon. Huwag mong pagdudahan o kaya ay tanggihan ang mga daleel na nagmula sa Qur'an at Sunnah. At lalong huwag mong pagtawanan o insultuhin ang bawat ayah at patunay na sa iyo ay inilalatag at huwag kang gumaya at mahulog sa pagiging munafiq.

يحذر المنفقون أنتنزل عليهم سؤرة تنبءهم بما فى قلوبهم , قل استهزءوا إن الله مخرج ما تحذرون
Nangangamba ang mga mapagkunwari na may ipapahayag na kabanata ang Banal na Qur’an na patungkol sa kanila na nagsasaad ng anumang kinikimkim nila sa kanilang mga puso na paglabag sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), sabihin mo sa kanila, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Ipagpatuloy ninyo ang anumang na ginagawa ninyong pag-aalispusta at paninira, dahil 
katiyakang ilalantad ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) ang katotohanan na kinakatakutan ninyo.”
[Surah At-Tawbah 9:64]

Huwag kang manatili sa pagiging duling na kahit maliwanag sa hadith ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na isa lamang ang makakaligtas sa kanyang Ummah at ito ay ang mga sumusunod sa kanya, pilit mo pa ring sinasabi na higit sa isa o maaari rin naman na mas marami pa.
".....Katotohanan, ang mga Hudyo ay nahati sa 71 sekta, at ang mga Kristiyano ay nahati sa 72 sekta, at ang Ummah na ito ay mahahati sa 73, ang lahat auy mapupunta sa Apoy maliban sa isa. (Itinanong sa kanya kung sino ang mga maliligtas) : " Sila ang mga sumusunod sa akin at sa aking mga Sahaba".
[Abu Dawood, Ibn Maajah, Ahmad, at Ad Daaramee. Idineklara na hassan-saheeh ni Imaam Al-Albaanee]

Kapatid! 
Kulang pa ba ang mga ayah at hadith? Ang mga pahayag ng mga Ulaama ng ating Ummah upang patuloy mong tangkilin at sundin ang mga Bulag na nag-aanyaya sa pagkaligaw?
Bakit bulag? Dahil para sa kanila ay hindi pa sapat ang relihiyon na ito, na ito ay hindi pa kumpleto, na sila ay mas magaling pa sa Sugo ni Allah (salallahu alayhi wa salam).

Hindi ba't sila ang pinagkukuhanan mo ng kaalaman? Mas binibigyan mo ng importansya ang kanilang mga pahayag kumpara sa salita ni Allah (subhanahu wa ta'ala), ang Qur'an, at binabalewala mo ang salita at gawa ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ?

Gusto mo ng halimbawa?
Para sa kanila.......si Allah (subhanahu wa ta'ala) ay matatagpuan sa lahat ng dako
...ang Qur'an ay nilikha
...na maaari mong tawagin si Allah (subhanahu wa ta'ala) sa anomang pangalan na nais mong ibigay sa Kanya kahit na ito ay hindi kabilang sa kanyang Asmaa wa sifaat
...na ayos lamang magsinungaling basta makatawag ng atensiyon
...na ang pagdiriwang ng kaarawan ng Propeta ay isang banal na gawain
....at marami pang iba.

HUWAG KANG MAGPAAKAY SA BULAG, KUNG NGAYON AY ISA KANG DULING.....GAMUTIN MO ANG IYONG SARILI

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento