Linggo, Marso 3, 2013

ANG MGA IPINAGBABAWAL NA URI NG TAQLEED

Sinabi ni Ibn al-Qayyim (rahimahullaah) :

Ito ay may tatlong uri:

UNA:--Ang tuluyang pagtalikod sa salita ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at sa halip ay ang salita ng ninuno na lamang ang sinusunod.

PANGALAWA:--Ang pag-taqleed sa isang tao na hindi mo alam kung ang taong ito ba ay mapananaligan at kanyang salita ay maaaring pagkuhaan ng kaalaman at pagsasabatas.

PANGATLO:--Ang pag-taqleed matapos na maipakita ang mga katibayan (daleel) at malinaw na ang mga daleel na ito ay salungat sa taong nasi mong sundin (taqleed).

_______________________________________________________

Imaam Ahmad bin Hanbal (rahimahullaah) ;

" Nakapagtataka ang mga tao na hindi nakakaalam sa pinagmulan ng isinalaysay na hadeeth (isnaad) at ang kalagayan nito kung ito ay mapananaligan o hindi. Ngunit sinusunod pa rin nila ang opinyon ni Sufyaan [ath-Thawree]; kahit na sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala):

....at mag-ingat ang mga yaong lumalabag sa utos ng Sugo ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) na dumating sa kanila ang sakuna o di kaya ay dumating sa kanila ang matinding parusa sa Kabilang-Buhay.
[Soorah an-Noor 24:63].


Alam ba ninyo kung ano ang fitnah? Ang fitnah sa ayah na ito ay shirk! Sapagkat ang pagtanggi sa salita ni Allah (subhanahu wa ta'ala) ay magiging dahilan upang magkaroon ng pagkalito sa puso at pagkaligaw sa paniniwala, kaya't kailangan na ito ay puksain".

_______________________________________________________

Shaykh Abdur-Rahmaan ibn Hasan (apo ni Muhammad ibn Abdul-Wahab), [rahimahullaah]

"S a tinuran ni Imaam Ahmad (rahimahullaa), nangangahulugan na ang pagta-taqleed ng isang tao kapag hindi pa nakaabot sa kanyang kaalaman ang mga daleel at patunay, ay hindi siya maaaring sisihin. Sa halip, ang dapat na usigin ay ang isang tao na pinakitaan at naabot na ng mga daleel at patunay, ngunit patuloy pa rin siyang hindi nakinig sa dahilan na mas binigyan niya ng halaga ang salita ng iskolar na kanyang hinahangaan.

SOURCES:

1. Muntaqaa min Fataawaa (5/363).
2. Majmoo Fataawaa (20/208-209).
3. Majmoo Fataawaa (20/204).
4. Ilaamul-Muwaqqieen (2/188).
5. Related by Ibn Battah in al-Ibaanatul-Kubraa (no.97). Refer also to al-Masaail (3/1355) of Abdullaah ibn Imaam Ahmad.
6.
 Fathul-Majeed (2/649)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento