http://audio-islam.com/2013/03/23/be-careful-of-islamic-forums-shaykh-maher-al-qahtani-videoar-en-subtitles/
SHAYKH MAHER AL-QAHTANI (hafidhahullaah)
Bismillaah Ar-Rahman Ar-Raheem
Tanong: Pinahihintulutan ba na iwanan ang gawain na pagbibigay ng impormasyon sa internet tungkol sa Islaam upang mapag-ibayo ang paghahanap ng kaalaman?
Sagot:
Wallahi! Ito ang kinakailangan natin. Sila..ang mga manunulat sa in ternet..nakalulungkot, wallah...ang mga nakikita natin sa internet --na ang karamihan ay nalunod na sa kanilang sariling kaalaman maliban doon sa ibinaba ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang Kanyang Awa.
Marami silang isinusulat na wala naman silang kaalaman, ang tanging hangad lamang niya ay mag-"copy-paste". At mayroon ka pang malalaman na ni hindi nga binasa kung saan nanggaling ang kanyang "copy-paste" na lathalain. Kapag tinanong mo siya tungkol sa pinanggalingan ng lathalain na ito, isasagot niya ay "Wala akong masyadong alam tungkol dyan".
E bakit kaya niya isinasalaysay ang mga lathalain mula sa mga taong ito?
Kaya natatakot kami na mahulog kayo sa 'riyaa', na ibinabahagi ninyo ang mga kaalamang ito upang kayo ay maging sikat lamang.
Kinakailangan na mayroon kang malalim na pang-unawa sa mga bagay na ibinabahagi mo sa mga tao. Kailangan ay mayroon kang nakatakda na oras para sa paghahanap ng kaalaman, 10 oras kada araw.
At kung ikaw naman ay uupo lamang sa harap ng iyong computer at doon ay magka-"copy-paste" ng mga bagay bagay at paghahalu-haluin ang ibang pangyayari, (nasaan ang pamamaraan mo sa paghahanap ng kaalaman?)
Nabasa mo na ba ang Sharh as-Sunnah kay Al-Baghawi? Ang Zaad Al-Maad mula sa umpisa hanggang sa huli? ang iba't-ibang pagpapaliwanag ng Kitab At-Tawheed?
Ang ilan sa kanila ay uupo na lamang ng kung ilang oras gamit ang internet at palipat-lipat sa iba't-ibang site. Ganoon lang, mula sa website na ito..lilipat sa kabila...maaari natin silang tawagin na 'Ilm at-Talateesh' . Sila yaong kumukuha lamang ng ilang impormasyon mula sa site na ito , pagkatapos ay lilipat sa ibang site at kukuha rin doon, sila ang mga walang manhaj na sinusunod (hindi ganito ang paghahanap ng kaalaman).
at pagkatapos.....
tingnan ninyo.....ANG ISKOLAR!
maaari...na mag-uumpisa na siyang mag-tajreeh sa ibang tao.
"si ganito at ganoon ay isang Mubtadi"
"hizbee"
ya akhi! Paano yan?
Nilinlang sila ni Shaytaan at inakala nila na upang mapabilang ka sa salafiyyah, kailangan ay mag-tajreeh ka sa mga tao na para bang ganito lamang ang sitwasyon. At ang ilan sa kanila ay kakaunti lamang ang kaalaman, ni hindi nga nila alam ang pagbabatas tungkol sa wudu, ngunit nagpapakaabala sila sa kanilang pagtitipon sa pagbibigay ng tabdee at hizbiyyah na hindi muna sila nag-aral.
Ang pagta-tabdee ay isang Ijtihad, ito ay Ijtihad na tanging ang mga Iskolar lamang ang may karapatan na gumawa kaya hayaan ninyo na sila ang gumawa nito. Iwanan ninyo ang gawaing ito,ninanais lamang ni Shaytaan na mabaling ang inyong atensyon sa iba sa halip na sa paghahanap ng kapaki-pakinabang na kaalaman.
Wallahi! Ito ay mapanganib para sa inyo....mapanganib...at wala kayong makukuhang kabutihan mula rito, mag-ingat kayo kay Shaytaan!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento