Martes, Abril 2, 2013

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA IYO...KAPATID KONG MUSLIMAH NA BIGO SA BUHAY MAY-ASAWA.....

Maaaring hindi kita kilala. Hindi ko alam ang pangalan mo, saan ka nagmula, o saan ka nakatira. Iisa lang ang alam ko, at yun ay ang pinagdaraanan mo ngayon.

Ganyan rin ako noon. Alam ko na gusto mo lang maging maligaya. Gusto mo lang na ang kasal mo, ang iyong asawa, ang iyong pamumuhay ay maging....mas maayos. Mas masaya. Mas madali.

Alam kong pagod ka nang maging malungkot. Pagod ka na sa pagiging bigo. Pagod ka na sa pag-aayos ng lahat. Pagod ka na sa patuloy na pag-asam. Pagod ka na na pigilan ang sarili mo na pangalagaan ang iba.

Alam ko na minsan ay napapatingala ka at nagtataka sabay tanong nang "Ano ang nangyari sa dating AKO?". Nagpakababa ka na, inabuso, at mas marami ka pang naibigay kumpara sa iyong natanggap. Minsan napapatanong ka rin, "Ano pa ang ginagawa ko rito?" , "Ano ang dahilan at nagtitiis ako?", "Siguro ay mas mabuting kung/ halimbawa/ doon...".

Alam kong pakiramdam mo ay hindi ka napapansin at hindi tanggap ang iyong mga sakripisyo. Hindi mo kayang alisin ang sakit ng ulo, namumugto na ang iyong mga mata, kailangan mo nang magpagupit ng buhok, ang iyong mga kamay ay magaspang, masakit ang iyong mga kasu-kasuan, bitak-bitak ang iyong mga paa, at higit sa lahat...ang puso mo ay hungkag...wala nang nadarama.

Pero alam mo ba? Maaayos rin ang lahat, insha'Allah!

Alam mo ba kung paano nagsimula na ikumpara mo ang iyong sarili sa kung ano ka noon at ano ka ngayon? Nagtataka ka kung bakit mas masaya ka noon, bakit mas ramdam mo ang Iman noon? Nagtataka ka.." Ano ang nangyari?", Ano ang nagbago?". Oo, nagbago na ang iyong sitwasyon...ngayon meron ka nang...mga usapin na dati ay wala, atbp....ngunit..NAGBAGO KA RIN. Pinabayaan mo na ang mga 
pangyayari ang magdesisyon kung dapat ka bang maging masaya o hindi.

At kapag patuloy mong ginawa iyan, para ka lamang ferris wheel na paikot-ikot, pataas-pababa, dahil ganyan ang buhay eh. Ngunit ayokong manatili kang ganyan. Gusto kong marating mo ang lugar kung saan pwede mong sabihin na, "Alam mo, maayos naman ang lahat eh", walang saysay ang pakikipag-argumento, ang sakit, ang luha, at ang magulong pag-iisip".

Iniisip natin na ang kaligayahan ay palaging kung saan at papaano. Iniisip natin na ang kaligayahan ay matatagpuan sa labas ng ating pagkatao...labas sa sitwasyon na ating kinasasadlakan ngayon. Pero hindi totoo yan. Ang kaligayahan mo ay nakasalalay sa'yo.

Maaari kang "mamili" ng kaligayahan. Hindi mo kailangang maghintay na may isang tao o bagay na dumating uoang maging maligaya ka lamang. Sa halip na maghintay ka sa isang malaking pagbabago na magaganap at na magdadala ng tuwa at magbibigay ng liwanag sa iyong buhay, bigyan mo ng pansin ang maliliit na patak ng kaligayahan na nangyayari sa iyong kapaligiran sa araw-araw.

Maaaring hindi nga umayon sa gusto mo ang mga pangyayari. At kung mangyari yun, umasa ka na panandalian lamang ang lahat. Ganyan talaga ang buhay. At ayos lang naman ang ganoon. Minsan nasa taas tayo, minsan naman ay sadsad sa lupa. Ang maganda lang kapag sadsad ka na sa lupa, ipinapaalala nito sa iyo na kailangn mong magdahan-dahan. Kailangan mong MAGDASAL. Maging MAPAGPASALAMAT. Makaramdam ng simpatiya sa mga mas mababa pa ang kalagayan kumpara sa iyo, sa mga wala nang kung anong mayroon ka.

Katulad nang nabasa ko noong isang araw.."Kapag dulo na lamang ng lubid ang maaari mong hawakan, ibuhol mo ito at kumapit ka nang mabuti". At yan ang dapat nating gawin kung minsan.

ANG PATULOY NA KUMAPIT AT MAKIPAGLABAN.......

[Andrea Umm Abdullah at Umm Zahrah]
Umm Ayah

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento