Martes, Abril 9, 2013

ILANG PAGKAKATAON NA PINAPAYAGAN ANG PANINIRANG-PURI

بسم الله الرحمن الرحيم

اعلم أن الغيبة تباح لغرض صحيح شرعي لا يمكن الوصول إليه إلا بها وهو ستة أسباب :
الأول التظلم فيجوز للمظلوم أن يتظلم إلى السلطان والقاضي وغيرهما ممن له ولاية أو قدرة على إنصافه من ظالمه فيقول : ظلمني فلان بكذا
الثاني الاستعانة على تغيير المنكر ورد العاصي إلى الصواب فيقول لمن يرجو قدرته على إزالة المنكر : فلان يعمل كذا فازجره عنه ونحو ذلك ويكون مقصوده التوصل إلى إزالة المنكر فإن لم يقصد ذلك كان حراما
الثالث الاستفتاء فيقول للمفتي : ظلمني أبي أو أخي أو زوجي أو فلان بكذا فهل له ذلك ؟ وما طريقي في الخلاص منه وتحصيل حقي ودفع الظلم ؟ ونحو ذلك فهذا جائز للحاجة ولكن الأحوط والأفضل أن يقول : ما تقول في رجل أو شخص أو زوج كان من أمره كذا ؟ فإنه يحصل به الغرض من غير تعيين ومع ذلك فالتعيين جائز كما سنذكره في حديث هند ( انظر الحديث رقم 1532 ) إن شاء الله تعالى
الرابع تحذير المسلمين من الشر ونصيحتهم وذلك من وجوه منها جرح المجروحين من الرواة والشهود وذلك جائز بإجماع المسلمين بل واجب للحاجة . ومنها المشاورة في مصاهرة إنسان أو مشاركته أو إيداعه أو معاملته أو غير ذلك أو مجاورته ويجب على المشاور أن لا يخفي حاله بل يذكر المساوئ التي فيه بنية النصيحة . ومنها إذا رأى متفقها يتردد إلى مبتدع أو فاسق يأخذ عنه العلم وخاف أن يتضرر المتفقه بذلك فعليه نصيحته ببيان حاله بشرط أن يقصد النصيحة وهذا مما يغلط فيه وقد يحمل المتكلم بذلك الحسد ويلبس الشيطان عليه ذلك ويخيل إليه أنه نصيحة فليتفطن لذلك . ومنها أن يكون له ولاية لا يقوم بها على وجهها إما بأن لا يكون صالحا لها وإما بأن يكون فاسقا أو مغفلا ونحو ذلك فيجب ذكر ذلك لمن له عليه ولاية عامة ليزيله ويولي من يصلح أو يعلم ذلك منه ليعامله بمقتضى حاله ولا يغتر به وأن يسعى في أن يحثه على الاستقامة أو يستبدل به
الخامس أن يكون مجاهرا بفسقه أو بدعته كالمجاهر بشرب الخمر ومصادرة الناس وأخذ المكس وجباية الأموال ظلما وتولي الأمور الباطلة فيجوز ذكره بما يجاهر به ويحرم ذكره بغيره من العيوب إلا أن يكون لجوازه سبب آخر مما ذكرناه
السادس التعريف فإذا كان الإنسان معروفا بلقب كالأعمش والأعرج والأصم والأعمى والأحول وغيرهم جاز تعريفهم بذلك ويحرم إطلاقه على جهة التنقص ولو أمكن تعريفه بغير ذلك كان أولى

Ang paninirang-puri ay pinapayagan lamang ayon sa mga pagkakataon na itinakda ng Batas (Shari'a). At ito ay ang mga sumusunod;

1.Ipinahihintulot para sa isang tao na 'inapi', na sabihin sa husgado o sa kanino man na nasa kaparehong posisyon ang mga ginawang hindi mabuti sa kanya upang mapagtibay ang kanyang reklamo. Halimbawa ay "si ganoon at ganito ay ganito ang ginawa sa akin".

2. Ipinahihintulot rin na humingi ng tulong sa iba kung nagnanais na pigilan ang isang masama/imoral na gawain ng isang tao. Maaari niyang sabihin sa tao na makatutulong sa kanya "si fulan ay gumawa ng ganoon at ganitong masamang gawain'.Maaari ninyo ba siyang kastiguhin?". Ipinahihintulot ang ganito kung ang intensiyon ay mapigil ang kasamaan. Ngunit kung maliban dito ang intensiyon ng tao, ito ay pumapasok sa mga hindi pinahihintulutan na gawain.


3. Ang isang humihingi ng legal na batas/paghuhukom ay maaaring isalaysay ang kapintasan ng isang tao o di kaya ay isalaysay ang hindi magandang pangyayari.
Halimbawa : "Ang aking ama o aking kapatid ay minaltrato ako. Paano ko makukuha ang aking karapatan?.
[Maaari niya itong sabihin sa Mufti] Ngunit mas mainam kung sabihin na lamang niya ang ganito : " Ano ang masasabi mo kapag ang isang tao ay ganito at ganyan ang ginawa?".
Subalit hindi rin naman nangangahulugan na ang pagbanggit sa pangalan ng taong inirereklamo ay hindi pinahihintulutan.

4.Ang isang tumutuligsa sa hayagang masamang gawain ng tao tulad ng pag-inom ng alak, pagsusugal, pagkakaroon ng ugnayan sa mga imoral na gawain, pangangalunya, pagkukunwari, at pagpapalaganap ng kasamaan, ang taong ito ay pinahihintulutan na magsabi ng paninirang-puri.

5.Pinahihintulutan rin na tanungin ang pagkatao ng isang nagsasalaysay ng Hadith upang malaman kung siya ba ay mapagkakatiwalaan.

6.Ang mga hindi kaaya-ayang katangian ng isang tao ay maaari ring sabihin kung ito ay ipagtatanong ng isang taong gustong magpakasal sa kanya.

7. Ang mga naghahanap ng kaalaman ay maaari ring balaan o ipahayag sa kanila ang katangian ng kanilang pinagkukuhanan ng kaalaman. Ito ay upang mabatid nila kung ang kanilang pinagkukuhanan ng kaalaman ay kabilang sa mga Mubtadi o naggagawa ng bid'a sa relihiyon.

8.Maaari ring gamitin ang kunya o palayaw ng isang tao kung saan mas higit siyang kilala, ito ay hindi upang ipahiya siya , sa halip ay upang madali siyang makilala.


sinipi mula sa : 
رياض الصالحين من كلام سيد المرسلين
[pagpapaliwanag ni Shaykh An-Nawawi]

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento