Martes, Abril 9, 2013

GHIBAH ! GHIBAH! GHIBAH!

Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem

قال الله تعالى ( الحجرات 12 ) : { ولا يغتب بعضكم بعضا أيحب أحدكم أن يأكل لحم أخيه ميتا فكرهتموه واتقوا الله إن الله تواب رحيم }
O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sa Kanyang Sugo at sumunod ng Kanyang gabay! Iwasan ninyo ang karamihan sa mga haka-haka na masasama laban sa mga mananampalataya; dahil ang ibang haka-haka ay kasalanan. At huwag magmanman, at huwag ninyong matahin ang dangal ng mga Muslim o magsiraan sa isa’t-isa, at huwag banggitin ng iba sa inyo sa iba nang palihim ang anuman na hindi niya nagugustuhan. Dahil nais ba ng isa sa inyo na pakainin siya ng kanyang kapatid ng patay na laman ng kanyang kapatid? At kayo mismo ay kinamumuhian ninyo ito, na kung kaya, kamuhian ninyo ang paninirang-puri sa kanya at matakot kayo sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal.
[Suratul Hujurat :12]

Isang napakalinaw na BABALA para sa LAHAT NG MANANAMPALATAYA!!!!!!

SUBALIT.......

Tila ba napakahirap iwasan ang gawaing ito. Tila ba napakasarap gawing 'pulutan' ang buhay ng ibang tao. Na hindi pa sapat ang ayah sa itaas upang mapaglimi natin kung gaano kalaki ang pinsala na maidudulot nito hindi lamang sa tao na ating pinag-uusapan kundi higit sa ating sarili.

- وعن أبي هريرة رضي الله عنه أنه سمع النبي صلى الله عليه و سلم يقول : [ إن العبد ليتكلم بالكلمة ما يتبين فيها يزل بها إلى النار أبعد مما ومعنى [ يتبين ] يتفكر أنها خير أم لا
Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) :" Mayroong mga tao na hindi iniisip kung ano ang kanilang sinasabi at ito ang dahilan upang mapunta siya sa ilalim ng Impierno na ang kalaliman ay katulad ng pagitan ng Silangan at Kanluran.

[Al-Bukhari and Muslim]

Kung ang PAKIKINIG SA GHIBAH ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL;

قال الله تعالى ( القصص 55 ) : { وإذا سمعوا اللغو أعرضوا عنه }
At kapag nakarinig sila ng mahalay na salita ay lumalayo sila mula rito at hindi nila ito pinagtutuunan ng pansin.
[Surah Al-Qasas :55]

وقال تعالى ( المؤمنون 3 ) : { والذين هم عن اللغو معرضون }
At mga yaong iniiwasan nila ang lahat ng mga walang kabuluhan na salita at gawa.
[sURAH Al-Mu'minun :3]

SAPAGKA'T....

وقال تعالى ( الإسراء 36 ) : { إن السمع والبصر والفؤاد كل أولئك كان عنه مسئولا }
Katiyakan, ang tao ay mananagot sa anuman na ginamitan niya ng kanyang pandinig, paningin at puso...
[Surah Al-Isra : 36]

At para sa mga tao na iniiwasan ang anomang ipinagbawal sa kanila, at sumusunod sa anomang ipinag-utos....Katotohanan! 

GANTIMPALA ANG NAKALAAN PARA SA KANILA..

وعن أبي الدرداء رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه و سلم قال : [ من رد عن عرض أخيه رد الله عن وجهه النار يوم القيامة ] رواه الترمذي وقال حديث حسن
Isinalaysay ni Abud-Darda (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) :" Ang sinoman na ipgatanggol ang dangal ng kanyang kapatid (Muslim) , ililigtas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang kanyang mukha mula sa Apoy ng Impierno".
[At-Tirmidhi]

Kaya kapag nakarinig kayo na sinisiraan ang kapatid ninyong Muslim, kinakailangan na ipagtanggol ninyo siya at sabihin na mali ang kanilang mga paratang at siya ay malaya sa anomang inaakusa/ipinupula sa kanya.


Assalamu alaykum wa rahmtullahi wa barakatuhu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento