http://audio-islam.com/2013/03/23/be-careful-of-islamic-forums-shaykh-maher-al-qahtani-videoar-en-subtitles/
SHAYKH MAHER AL-QAHTANI (hafidhahullaah)
Bismillaah Ar-Rahman Ar-Raheem
Tanong: Pinahihintulutan ba na iwanan ang gawain na pagbibigay ng impormasyon sa internet tungkol sa Islaam upang mapag-ibayo ang paghahanap ng kaalaman?
Sagot:
Wallahi! Ito ang kinakailangan natin. Sila..ang mga manunulat sa in ternet..nakalulungkot, wallah...ang mga nakikita natin sa internet --na ang karamihan ay nalunod na sa kanilang sariling kaalaman maliban doon sa ibinaba ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang Kanyang Awa.
Marami silang isinusulat na wala naman silang kaalaman, ang tanging hangad lamang niya ay mag-"copy-paste". At mayroon ka pang malalaman na ni hindi nga binasa kung saan nanggaling ang kanyang "copy-paste" na lathalain. Kapag tinanong mo siya tungkol sa pinanggalingan ng lathalain na ito, isasagot niya ay "Wala akong masyadong alam tungkol dyan".
E bakit kaya niya isinasalaysay ang mga lathalain mula sa mga taong ito?
Kaya natatakot kami na mahulog kayo sa 'riyaa', na ibinabahagi ninyo ang mga kaalamang ito upang kayo ay maging sikat lamang.
Kinakailangan na mayroon kang malalim na pang-unawa sa mga bagay na ibinabahagi mo sa mga tao. Kailangan ay mayroon kang nakatakda na oras para sa paghahanap ng kaalaman, 10 oras kada araw.
At kung ikaw naman ay uupo lamang sa harap ng iyong computer at doon ay magka-"copy-paste" ng mga bagay bagay at paghahalu-haluin ang ibang pangyayari, (nasaan ang pamamaraan mo sa paghahanap ng kaalaman?)
Nabasa mo na ba ang Sharh as-Sunnah kay Al-Baghawi? Ang Zaad Al-Maad mula sa umpisa hanggang sa huli? ang iba't-ibang pagpapaliwanag ng Kitab At-Tawheed?
Ang ilan sa kanila ay uupo na lamang ng kung ilang oras gamit ang internet at palipat-lipat sa iba't-ibang site. Ganoon lang, mula sa website na ito..lilipat sa kabila...maaari natin silang tawagin na 'Ilm at-Talateesh' . Sila yaong kumukuha lamang ng ilang impormasyon mula sa site na ito , pagkatapos ay lilipat sa ibang site at kukuha rin doon, sila ang mga walang manhaj na sinusunod (hindi ganito ang paghahanap ng kaalaman).
at pagkatapos.....
tingnan ninyo.....ANG ISKOLAR!
maaari...na mag-uumpisa na siyang mag-tajreeh sa ibang tao.
"si ganito at ganoon ay isang Mubtadi"
"hizbee"
ya akhi! Paano yan?
Nilinlang sila ni Shaytaan at inakala nila na upang mapabilang ka sa salafiyyah, kailangan ay mag-tajreeh ka sa mga tao na para bang ganito lamang ang sitwasyon. At ang ilan sa kanila ay kakaunti lamang ang kaalaman, ni hindi nga nila alam ang pagbabatas tungkol sa wudu, ngunit nagpapakaabala sila sa kanilang pagtitipon sa pagbibigay ng tabdee at hizbiyyah na hindi muna sila nag-aral.
Ang pagta-tabdee ay isang Ijtihad, ito ay Ijtihad na tanging ang mga Iskolar lamang ang may karapatan na gumawa kaya hayaan ninyo na sila ang gumawa nito. Iwanan ninyo ang gawaing ito,ninanais lamang ni Shaytaan na mabaling ang inyong atensyon sa iba sa halip na sa paghahanap ng kapaki-pakinabang na kaalaman.
Wallahi! Ito ay mapanganib para sa inyo....mapanganib...at wala kayong makukuhang kabutihan mula rito, mag-ingat kayo kay Shaytaan!
Sabado, Marso 30, 2013
PAYO PARA SA IYO : KAPATID KONG MUSLIMAH NA WALANG ASAWA
Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem
Dapat maunawaan ng lahat ng kababaihan na ang tunay na dahilan kung bakit sila nilikha ay upang maging tunay silang mananampalataya ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) . Kung mabigyan siya ng pagkakataon na magtatag ng isang sambahayan na Muslim, kung gayon ay ito ang paraan niya ng pagsamba sa Lumikha sa kanya, sa pamamagitan ng pagpapakasal at magkakaroon ng supling na siyang magiging bagong henerasyon ng mga Muslim.
Ngunit kung ito ay hindi mangyari, hindi siya dapat malungkot sapagkat napakaraming paraan ng pagsamba kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) at ang isa sa pinakamainam na paraan na ito ay ang pag-aanyaya tungo sa Landas Niya. Ang dapat niyang gawin ay ituon ang kanyang pansin sa mga kababaihan na naligaw ng landas at ituring sila bilang mga anak niya na kanyang aakayin upang bumalik sa Tamang Landas, ang Landas ni Allaah (ISLAM). Sapagkat napakalaking gantimpala ang nakaraan para sa kaniya at sa sinoman na magsagawa nito katulad nga nang nabanggit sa isang hadith kung saan sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na ang sinoman na mag-anyaya patungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ay magkakamit ng gantimpala na katumbas ng gantimpala na matatamo ng kanyang ginabayan, na walang mababawas sa gantimpala na tatanggapin nito kahit na katiting.
Kaya ituring ninyo na sarili ninyong tahanan ang Ummah ng mga Muslim, magsilbi kayong gabay sa katotohanan, katarungan at karunungan, at magpayuhan kayo sa isa't-isa tungo sa katotohanan at pagtitiis.
"Katotohanan! Hindi ipagwawalang-bahala ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang anomang mabuting gawa ng mga Muhsinoon [At-Tawbah 9:120]
[mula sa Ghayr Mutazawwajaat walakin Sa'eedaat]

Sabado, Marso 23, 2013
ANG MALAYANG PAGPILI NG RELIHIYON
Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem
Sa panahon ngayon, malimit nating marinig na ang Islaam ay isang malayang relihiyon na nagbibigay ng kalayaan sa tao na pumili kung saang relihiyon siya nais umanib. At ang patunay na kanilang ginagamit sa argumentong ito ay ang ayah na :
[sa pagkakasalin]
Dahil sa kaganapan ng ‘Deen’ at sa mga malinaw na kapahayagan ay hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin. Dahil ang mga palatandaan nito ay malinaw na inihihiwalay ang katotohanan sa kamalian, patnubay mula sa pagkaligaw.
[Suratul Baqarah 2:256]
Mayroon bang katotohanan ang pahayag na ito?
Sagot ni Ulaama Shaykh Saleh Al-Fawzaan (hafidhahullaah) :
Ito ay isang KASINUNGALINGAN patungkol kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) !
Ang Islaam ay HINDI RELIHIYON NG MALAYANG PAGPILI!
Ang Islaam ay naglalayon na PUKSAIN ANG SHIRK at KUFR!
At labanan ang mga sumasamba sa maraming diyos.
Kung ang Islaam ay relihiyon ng malayang pagpili...
kung gayon ay hindi na kinakailangan pa na magpadala ng mga PROPETA, ng mga AKLAT.
Hindi na rin kailangan pa ng tao na mag-JIHAD, ang makipaglaban para sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala).
Dahil malaya ang lahat na pumili at GAWIN ANG ANOMANG NAISIN NIYA.
Datapuwat sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) :
[sa pagkakasalin]
At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa.
[Surah Adh-Dhariyat 51:56]
Hindi Niya (subhanahu wa ta'ala0 sinabi na .."upang masunod ang kanilang gusto.."
Sa halip ay sinabi Niya (subhanahu wa ta'ala) na ..." sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa."
Sinabi pa ni Allaah (subhanahu wa ta'ala)
[sa pagkakasalin]:
At ipagpatuloy ninyo, O mga sumasampalataya sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), ang pakikipaglaban sa mga ‘Mushrikin,’ na nagpapasimuno ng gulo, hanggang sa mawala ang ‘Fitnah’ sa ‘Deen’ ng mga Muslim at mawala ang pagsamba ng iba bukod sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), at ang ‘Deen’ ay mananatili na para na lamang sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) –na wala nang ibang sasambahin bukod sa Kanya.
[Suratul Baqarah 2:193]
Kaya't ang sinoman na tumangging sambahin si Allaah (subhanahu wa ta'ala) ay marapat na kalabanin at hindi siya iiwan hanggat hindi siya bumabalik sa relihiyon o kaya ay mapatay.
Ang Islaam ay hindi maaaring magpahintulot ng kalayaan sa Kufr at kawalan ng paniniwala sa Dakilang Lumikha
ITO AY ISANG MALAKING PAGPAPASINUNGALING TUNGKOL KAY ALLAAH (subhanahu wa ta'ala).
Dahil kung totoo ito, bakit kinakailangan pa na magpadala ng mga Sugo at mga Aklat? Isabatas ang Jihaad at magkaroon ng Batas Shari'a at ipataw ang karampatang parusa sa sinoman na magkakasala?
Ang lahat ng iyan ay upang pangalagaan ang mga tao laban sa iba't-ibang paniniwala at maruming katuruan. Pangalagaan sila sapagkat sila ay mga Mananampalataya kay Allaah (subhanahu wa ta'ala).
Upang tanging si Allaah (subhanahu wa ta'ala) lamang ang sambahin at huwag magtambal ng kahit sino sa Kanya.
Ang sinoman na tumanggi ay ituturing na hindi sumasang-ayon sa ipinahihintulot na Batas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala).
At tungkol naman sa sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) na ...."hindi na kinakailangan na pilitin pa ang iba...",
Hindi ito nangangahulugan na mayroong kalayaan opinyon. Ang ibig sabihin nito ay hindi natin maaaring ipilit ang Islaam sa puso ng isang tao, sapagkat tanging si Allaah (subhanahu wa ta'ala) lamang ang may kakayahan na gumawa nito.
Sinabi ni Allaah (subhanahu wa ta'ala):
[sa pagkakasalin]
...na iginagabay Niya sa sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin....
[Surah Al-An'am 6:88]
Kung kaya, ang gabay ay nakasalalay sa Kamay ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) at hindi ito mangyayari sa pamamagitan ng pilitan , sa halip ay ng pagpili.
Gayunpaman, kinakailangan nating labanan ang mga hindi mananampalataya sapagkat ito ay ipinag-utos sa atin ni Allaah (subhanahu wa ta'ala).
[sa pagkakasalin]
...O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sumunod sa Kanyang Sugo! Panatilihin ninyo ang inyong mga sarili sa pagsagawa ng ipinag-utos ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) at pag-iwas sa paglabag sa Kanya; at kayo ay manatili rito kahit na ang mga tao ay hindi maniniwala (o susunod) sa inyo; at kung ito ay inyong nagawa ay hindi kayo mapapahamak sa pagkaligaw ng mga naligaw, kung kayo ay nanatili sa Matuwid na Landas at ipinag-utos ninyo ang pagsagawa ng mabuti at ipinagbawal ang pagsagawa ng masama.
[Suratul Maidah 5:105]
Kung kaya marapat lamang na ipakita natin sa kanila kung ano ang Relihiyong Islaam. Hindi natin maaaring sabihin sa kanila na "walang sapilitan sa relihiyon". Sa halip ay sikapin natin sila na yakapin ang relihiyong Islaam sa pamamagitan ng mahusay na pagpapaliwanag.
At maging marahas tayo sa sinoman na tumalikod sa Islaam matapos na ito ay kanyang tanggapin.
Ang gabay ay tanging kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) lamang magmumula.
Kung kaya iyan ang ibig sabihin ng ayah na " hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin."
Dahil sinabi rin ni Allaah (subhanahu wa ta'ala)..At ipagpatuloy ninyo, O mga sumasampalataya sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), ang pakikipaglaban sa mga ‘Mushrikin,’ na nagpapasimuno ng gulo, hanggang sa mawala ang ‘Fitnah’ sa ‘Deen’ ng mga Muslim at mawala ang pagsamba ng iba bukod sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), at ang ‘Deen’ ay mananatili na para na lamang sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) –na wala nang ibang sasambahin bukod sa Kanya.
[Suratul Baqarah 2:193]
at....at kung ito ay inyong nagawa ay hindi kayo mapapahamak sa pagkaligaw ng mga naligaw, kung kayo ay nanatili sa Matuwid na Landas at ipinag-utos ninyo ang pagsagawa ng mabuti at ipinagbawal ang pagsagawa ng masama.
[Suratul Maidah 5:105]
BAKIT KINUKUHA NINYO ANG ISANG AYAH AT INIIWAN ANG IBA PA?
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

Linggo, Marso 3, 2013
ANG DULING NA NAGPAAKAY SA BULAG
بسم الله الرحمن الرحيم
الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الإِسْلاَمَ دِينًا
Sa araw na ito ay kinumpleto Ko nang ganap para sa inyo, ang inyong ‘Deen,’ na ito ay ‘Deen Al-Islam
[Suratul Maidah 5:3]
Nakapagtataka ba kung ang bawat katanungan mo ay may katapat na kasagutan sa Islam ? Nakamamangha ba na nasa isip mo pa lamang ay matagal na palang inilatag ang bawat patunay? Kung kahit ang kaliit liitang detalye ng paggamit ng palikuran ay mayroong pamantayan na dapat sundin, ano pa kaya ang malaking usapin na pangrelihiyon?
Kapatid, huwag kang magtaka!
Dahil ang Islam ay isang kumpletong relihiyon. Huwag mong pagdudahan o kaya ay tanggihan ang mga daleel na nagmula sa Qur'an at Sunnah. At lalong huwag mong pagtawanan o insultuhin ang bawat ayah at patunay na sa iyo ay inilalatag at huwag kang gumaya at mahulog sa pagiging munafiq.
يحذر المنفقون أنتنزل عليهم سؤرة تنبءهم بما فى قلوبهم , قل استهزءوا إن الله مخرج ما تحذرون
Nangangamba ang mga mapagkunwari na may ipapahayag na kabanata ang Banal na Qur’an na patungkol sa kanila na nagsasaad ng anumang kinikimkim nila sa kanilang mga puso na paglabag sa Allâh (subhanahu wa ta'ala), sabihin mo sa kanila, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Ipagpatuloy ninyo ang anumang na ginagawa ninyong pag-aalispusta at paninira, dahil katiyakang ilalantad ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) ang katotohanan na kinakatakutan ninyo.”
[Surah At-Tawbah 9:64]
Huwag kang manatili sa pagiging duling na kahit maliwanag sa hadith ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na isa lamang ang makakaligtas sa kanyang Ummah at ito ay ang mga sumusunod sa kanya, pilit mo pa ring sinasabi na higit sa isa o maaari rin naman na mas marami pa.
".....Katotohanan, ang mga Hudyo ay nahati sa 71 sekta, at ang mga Kristiyano ay nahati sa 72 sekta, at ang Ummah na ito ay mahahati sa 73, ang lahat auy mapupunta sa Apoy maliban sa isa. (Itinanong sa kanya kung sino ang mga maliligtas) : " Sila ang mga sumusunod sa akin at sa aking mga Sahaba".
[Abu Dawood, Ibn Maajah, Ahmad, at Ad Daaramee. Idineklara na hassan-saheeh ni Imaam Al-Albaanee]
Kapatid!
Kulang pa ba ang mga ayah at hadith? Ang mga pahayag ng mga Ulaama ng ating Ummah upang patuloy mong tangkilin at sundin ang mga Bulag na nag-aanyaya sa pagkaligaw?
Bakit bulag? Dahil para sa kanila ay hindi pa sapat ang relihiyon na ito, na ito ay hindi pa kumpleto, na sila ay mas magaling pa sa Sugo ni Allah (salallahu alayhi wa salam).
Hindi ba't sila ang pinagkukuhanan mo ng kaalaman? Mas binibigyan mo ng importansya ang kanilang mga pahayag kumpara sa salita ni Allah (subhanahu wa ta'ala), ang Qur'an, at binabalewala mo ang salita at gawa ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ?
Gusto mo ng halimbawa?
Para sa kanila.......si Allah (subhanahu wa ta'ala) ay matatagpuan sa lahat ng dako
...ang Qur'an ay nilikha
...na maaari mong tawagin si Allah (subhanahu wa ta'ala) sa anomang pangalan na nais mong ibigay sa Kanya kahit na ito ay hindi kabilang sa kanyang Asmaa wa sifaat
...na ayos lamang magsinungaling basta makatawag ng atensiyon
...na ang pagdiriwang ng kaarawan ng Propeta ay isang banal na gawain
....at marami pang iba.
HUWAG KANG MAGPAAKAY SA BULAG, KUNG NGAYON AY ISA KANG DULING.....GAMUTIN MO ANG IYONG SARILI

IDOL KO SI......
بسم الله الرحمن الرحيم
Ang isang Muslim na sumusunod sa Sunnah ay hindi isang bulag na taga-sunod ng kahit sinong partikular na tao maging ito ay Shaykh, Du'aat o kung sino pa man [ na nagpapalaganap ng ligaw na katuruan tungkol sa relihiyong Islam].
Hindi rin niya mas binibigyang importansya ang pahayag ng isang scholar kumpara sa katotohan 'haq' na ipinapakita sa kanya, kahit pa gaano kaganda o kataas sa palagay niya ang kaalaman na taglay ng scholar na kanyang hinahangaan. Sa halip ay mas binibigyang pansin niya ang mga salita na tinuran kumpara sa kung sino ang nagbitiw ng mga salitang ito, at sinusuring mabuti ang mga patunay at ebidensya na inilatag at hindi nagiging bulag na tagasunod na lamang.
Tandaan rin natin na lahat ng tao ay maaaring magkamali at sitahin sa kanyang sinabi maliban kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) [Imaam Malik]
Imaam Muhammad Naasirud-Deen Al-Albaanee rahimahul-llah / Ahkaamul-Janaa’iz p222
PAKALIMIIN:
Kung ang isang SCHOLAR ay maaaring magkamali sa kanyang mga sinasabi at itinuturo...paano kaya ang isang karaniwang mag-aaral na hindi pa nakaabot sa estado ng kaalaman ng mga scholar na ito?
______________________________
ANG TAQLEED
ANG PINAHIHINTULUTAN NA TAQLEED
-Shaykh Saalih al-Fawzaan-
" at para sa uri ng taqleed (bulag na pagsunod) na pinahihintulutan, (at-taqleedul-mubaah), ito ay para lamang sa mga karaniwang tao (aamee) na, kung hindi niya susundin ang mga taong may kaalaman, siya ay maliligaw ng landas. Katulad nga ng sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala);
و ما آرسلنا من قبلك إلا رجالا نوحى إليهم فسءلوا أهل الذكر إنكنتم لا تعلمون
At ang talatang ito ay bilang pangkahalatan na patungkol sa lahat ng bagay na may kinalalaman sa Relihiyon (o ‘Deen’), na kapag ang isang tao ay mayroon siyang hindi alam ay nararapat na magtanong siya sa sinumang nakaaalam na pinagkaloban ng kaalamanز
[Surah An-Nahl 16:43]
At ang taqleed ay hindi basta-basta ginagawa sa kung sino lamang.
Sa halip, ito ay ginagawa sa isang taong kilalang nagtataglay ng kaalaman at relihiyoso.
______________________________
Shaykhul-Islaam Ibn Taymiyyah (rahimahullaah)
---ang isang Muslim na nahaharap sa isang mahirap na sitwasyon ay kinakailangan na hhumanap ng kasagutan at hatol mula sa inaakala niyang magbibigay nito (hatol) ayon sa Qur'an at Sunnah; kahit sa anong madhab pa siya nakabilang.
Hindi obligasyon ng Muslim na maging bulag na tagasunod ng isang partikular na scholar sa lahat ng sinasabi nito. At hindi rin obligasyon ng isang Muslim na maging sunud-sunuran sa isang scholar na naniniwala sa isang madhhab lamang. Sa halip, ang lahat ng salita ng isang tao ay maaaring kunin o itapon, maliban sa salita ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam). At pagsunod sa madhhab ng isang partikular na tao sa dahilan na wala kang kakayahan kung ano ba ang tamang hukom para rito ay kabilang sa mga pinahihintulutan, at hindi kasama sa mga obligadong gawin--kung mayroon silang kakayahan na alamin ang tamang hukom na hindi sila nahuhulog sa pagiging bulag na tagasunod. Kung kaya nga ang bawat tao ay dapat na magkaroon ng takot kay Allah (subhanahu wa ta'ala) hanggat maaari, at maghanap ng kaalaman na siyang ipinag-utos ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam); sundin ang ipinag-uutos, at iwasan ang ipinagbabawal".
At para naman doon sa may kakayahan na magsagawa ng ijtihaad, maaari ba siyang mag-taqleed?
Tungkol dito ay mayroong hindi pagkakaisa ng opinyon, na pinapayagan lamang ang mag-taqleed kung ang taong ito ay walang kakayahan na mag-ijtihaad; maaaring dahil pareho lamang ang mga katibayan na inihain sa kanya, o dahil sa kakulangan ng oras upang maisagawa ang ijtihaad, o ang mga katibayan ay hindi naging malinaw para sa kanya. Kaya sa ganitong pagkakataon kung saan wala siyang kakayahan, ang obligasyon ng ijtihaad ay inaalis sa kanya sa kawalan niya ng kakayahan para rito."
RESOURCES:
1. Muntaqaa min Fataawaa (5/363).
2. Majmoo Fataawaa (20/208-209).
3. Majmoo Fataawaa (20/204).
4. Ilaamul-Muwaqqieen (2/188).
5. Related by Ibn Battah in al-Ibaanatul-Kubraa (no.97). Refer also to al-Masaail (3/1355) of Abdullaah ibn Imaam Ahmad.
6. Fathul-Majeed (2/649).
ANG MGA IPINAGBABAWAL NA URI NG TAQLEED
Sinabi ni Ibn al-Qayyim (rahimahullaah) :
Ito ay may tatlong uri:
UNA:--Ang tuluyang pagtalikod sa salita ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at sa halip ay ang salita ng ninuno na lamang ang sinusunod.
PANGALAWA:--Ang pag-taqleed sa isang tao na hindi mo alam kung ang taong ito ba ay mapananaligan at kanyang salita ay maaaring pagkuhaan ng kaalaman at pagsasabatas.
PANGATLO:--Ang pag-taqleed matapos na maipakita ang mga katibayan (daleel) at malinaw na ang mga daleel na ito ay salungat sa taong nasi mong sundin (taqleed).
______________________________ _________________________
Imaam Ahmad bin Hanbal (rahimahullaah) ;
" Nakapagtataka ang mga tao na hindi nakakaalam sa pinagmulan ng isinalaysay na hadeeth (isnaad) at ang kalagayan nito kung ito ay mapananaligan o hindi. Ngunit sinusunod pa rin nila ang opinyon ni Sufyaan [ath-Thawree]; kahit na sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala):
....at mag-ingat ang mga yaong lumalabag sa utos ng Sugo ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) na dumating sa kanila ang sakuna o di kaya ay dumating sa kanila ang matinding parusa sa Kabilang-Buhay.
[Soorah an-Noor 24:63].
Alam ba ninyo kung ano ang fitnah? Ang fitnah sa ayah na ito ay shirk! Sapagkat ang pagtanggi sa salita ni Allah (subhanahu wa ta'ala) ay magiging dahilan upang magkaroon ng pagkalito sa puso at pagkaligaw sa paniniwala, kaya't kailangan na ito ay puksain".
______________________________ _________________________
Shaykh Abdur-Rahmaan ibn Hasan (apo ni Muhammad ibn Abdul-Wahab), [rahimahullaah]
"S a tinuran ni Imaam Ahmad (rahimahullaa), nangangahulugan na ang pagta-taqleed ng isang tao kapag hindi pa nakaabot sa kanyang kaalaman ang mga daleel at patunay, ay hindi siya maaaring sisihin. Sa halip, ang dapat na usigin ay ang isang tao na pinakitaan at naabot na ng mga daleel at patunay, ngunit patuloy pa rin siyang hindi nakinig sa dahilan na mas binigyan niya ng halaga ang salita ng iskolar na kanyang hinahangaan.
SOURCES:
1. Muntaqaa min Fataawaa (5/363).
2. Majmoo Fataawaa (20/208-209).
3. Majmoo Fataawaa (20/204).
4. Ilaamul-Muwaqqieen (2/188).
5. Related by Ibn Battah in al-Ibaanatul-Kubraa (no.97). Refer also to al-Masaail (3/1355) of Abdullaah ibn Imaam Ahmad.
6. Fathul-Majeed (2/649)

Muhammad (salallahu alayhi wa salam) : "Ako ay tao lamang"
بسم الله الرحمن الرحيم
Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala):
[sa pagkakasalin]
Sabihin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), sa kanila na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala): “Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo, pinagkalooban ako ng kapayahagan ng aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na walang pag-aalinlangan na Siya lamang ang Bukod-Tanging Nag-iisang ‘Ilâh’ na karapat-dapat sambahin...
[Suratul Khaf 18:110]
at sa katapusan ng ayah ay sinabi
....na kung kaya, sinuman ang natatakot sa parusa ng kanyang ‘Rabb’ at naghahangad ng gantimpala sa Araw ng kanyang pakikipagtagpo sa Kanya ay hayaan niyang gumawa ng kabutihan nang alang-alang sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) ayon sa Kanyang batas, at hindi siya maglalagay ng anumang katambal sa kanyang pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) nang kahit na sino.”
[Suratul Khaf 18:110]
PAGPAPALIWANAG NI Shaykh al-Fawzaan (hafidahullaah):
"Sabihin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), sa kanila na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala): “Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>Inutusan ni Allah (subhanahu wa ta'ala) si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) na sabihin sa mga tao na siya (Muhammad salallahu alayhi wa salam) ay tao lamang katulad ng lahat ng mga Propeta (alayhimus salam) . At dito ay malalaman natin na mayroon dalawang uri ng mensahero. Mayroong nagmula sa mga Anghel, at mayroon ring nagmula sa mga tao.
Ang mga Mensahero na nagmula sa mga Anghel ay kalimitan na tagapamagitan ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at ng Kanyang Sugo na nagmula sa mga tao. At hindi makikita ng tao ang tunay na anyo ng mga Anghel, sa halip ay katulad nilang tao rin ang kanilang nakikita. Dahil dito, nagpadala si Allah (subhanahu wa ta'ala) ng mga Sugo na tao para sa tao. Ito ay isang habag na nagmula kay Allah (subhanahu wa ta'ala) para sa Kanyang mga nilikha. Dahil kung ang ipinadala Niya na sugo ay Anghel, kung gayon ay hindi ito makikita ng mga tao sapagkat ang anyo ng wangis ng mga Anghel ay kaiba sa anyo at wangis ng mga tao.
“Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>> Ay maaari ring mangahulugan na "ako ay tao lamang". Wala akong kakayahan mula sa ar-Ruboobiyyah (pagka-Panginoon) at hindi ako karapatdapat sa anomang uri ng ‘Ibaadah--pagsamba.
“Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>ako ay isa lamang alipin na nagmula sa mga alipin ni Allah (subhanahu wa ta'ala). Isang 'abd na nagmula sa `Ibaadulllah.
Ang pambungad na salita ng ayah na ito "Sabihin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), sa kanila na nagtatambal sa pagsamba sa Allâh (subhanahu wa ta'ala): “Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>ay isa ring malinaw na pagpapabulaan sa mga nagmamalabis
sa karapatan ng Sugo ni Allah (salallahu alayhi wa salam) at nagtuturing sa kanya bilang katambal ni Allah (subhanahu wa ta'ala), humihingi ng tulong sa kanya at nagpapasaklolo katambal ni Allah (subhanahu wa ta'ala). Ito ay isang pagpapabulaan sa mga nag-aangkin na si Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ay nilikha mula sa liwanag o di kaya naman ay nagsasabi na siya ay hindi nagmula sa pinagmulan ng mga anak ni Adaam at siya daw sa kkatotohanan ay mas nauna pang nilikha kay Adaam. Iligtas tayo ni Allah (subhanahu wa ta'ala). Ito ay isang uri ng ghuloo`(pagmamalabis) at kufr (hindi paniniwala kay Allah (`Azza wa Jall).
“Ako sa katotohanan ay tao lamang na katulad din ninyo"
>>>Nangangahulugan na siya ay katulad rin lamang ng karaniwang tao; nagugutom, nagkakasakit, napapagod sa paglalakbay katulad ng iba. At marami pang bagay na nangyayari sa ibang tao na naranasan rin niya. Kung gayon, siya ay maaari ring mabagot at malungkot katulad ng nararamdaman ng karaniwang tao.
Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala):
[sa pagkakasalin]
Katiyakan, alam Namin na nakapagpapalungkot sa iyo, O Muhammad, ang ipinakikita ng mga taong nagpasinungaling sa iyo, na kung kaya, tiisin mo ito at mapanatag ka; dahil sa katotohanan, hindi ka nila tinatanggihan sa kanilang mga sarili, bagkus dahil sa kanilang sukdulang kasamaan at paghihimagsik ay tinanggihan nila ang mga malilinaw na katibayan, na ikaw ay totoo; na kung kaya, pinasisinungalingan ka nila sa mensahe na iyong dala-dala.
[Surah al-An'am 6:33]
at sinabi pa Niya (subhanahuwa ta'ala)
At huwag kang malungkot sa pagtalikod sa iyo ng mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at pagtanggi nila sa paniniwala sa iyo, at huwag sumikip ang iyong dibdib sa kanilang mga pakana, dahil walang pag-aalinlangan na ang Allâh (subhanahu wa ta'ala) ang tutulong sa iyo laban sa kanila.
[Surah an-Naml 27:70]
Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng pag-aalaala, kalungkutan na nararamdaman ng Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) dahil sa nakikita niya na pagsalungat ng tao sa pagsamba kay Allah (subhanahu wa ta'ala). Bakit? Dahil ang nais niyang makita ay ang kabutihan para sa mga tao. Nais niya na maligtas sila at mailayo sa Apoy. Kaya't kapag may nakikita siya na tumatahak sa landas ng kapahamakan, siya ay nalulungkot. Ito ay dahil sa kanyang magandang hangarin at pag-aalaala sa mga tao.
At tungkol naman sa pagiging kilala niya sa kalipunan ng mga tao, ito ay dahil siya ay hinirang upang maging Sugo ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at siya ay binigyan ng perpektong `Uboodiyyah kay Allah (subhanahu wa ta'ala) . Kung gayon, siya ang pinakamainam na nilikha dahil sa kanyang pagsamba kay Allah (subhanahu wa ta'ala) at siya ang may pinakamalaking takot sa Kanya (subhanahuwa ta'ala).
______________________________ _________________________
Source: Class 02: Forbiddance of Showing Off Part I by Abu `Iyaad based on the commentary of ShaykhSaalih al-Fawzaan (hafidahullaahu ta`aala).
Source: http://www.istijabah.com/2011/ 10/31/i-am-only-a-man/
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!
Source: Class 02: Forbiddance of Showing Off Part I by Abu `Iyaad based on the commentary of ShaykhSaalih al-Fawzaan (hafidahullaahu ta`aala).
Source: http://www.istijabah.com/2011/
Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)