'amma ba'd:
ANG JIHAD o pakikipaglaban sa sarili ay mayroong apat na yugto;
1.Ang pagsisikap na matuto ng gabay at katotohanan sa relihiyon, na kung hindi makakamit ay walang pagtatagumpay. Katotohanan, walang tunay na kaligayahan , o pagkalugod sa mundong ito at sa Kabilangbuhay , maliban sa pagkakatuto ng tungkol sa relihiyon.
2.Ang pagsusumikap na isagawa at ipamuhay ang lahat ng natutunan, sapagkat ang kaalaman na hindi isinabuhay ay walang halaga, bagkus ito ay makapipinsala lamang.
3.Ang pagsisikap na ipag-anyaya ito sa iba at ang pagtuturo sa kanila ng mga wala silang kaalaman. Sapagkat kung hindi ito gagawin ay mapapabilang siya sa kanila na nagtatago ng kaalaman . Mga nagtatago ng katotohanan at gabay na nagmula kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) . Ang kaalaman na ito ay hindi pakikinbangan at lalong hindi makasasagip sa tao sa kaparusahan.
4.Ang pagsisikap at pagtitiyaga laban sa mga kumakalaban sa Dawah na ito, sa pagtawag tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala), at laban sa kanila na nagnanais lamang makapinsala --pagtitiyaga sa lahat ng paghihirap na ito alang-alang lamang kay Allaah (subhanahu wa ta'ala).
Kapag ang apat na yugtong ito ay napagtagumpayan ng isang tao, kung gayon ay maibibilang na siya sa mga RABBANIYYUN.
Ang mga Salaf ay nagkakaisa na ang isang Iskolar ay hindi dapat tawagin na Rabbaniyyun kung hindi niya kayang piliin at kilalanin ang katotohanan, ang isabuhay ito, at ituro sa iba.
Kaya't kung sinoman ang may kaalaman, isinasabuhay niya ito, at itinuturo sa iba ang kaalaman na ito, siya ay RABBANIYYUN!
[Zâdul-Ma’âd fi Hadî Khayril-’Ibâd (pp.9-11)]
Source : Purification of the Souls: Fawaa’id – Points of Benefit , By the Imâm – the Shaykh of Islâm – Ibn al-Qayyim al-Jawziyyah Al-Ibaanah Magazine , Issue No.3 – Dhul-Qa’dah 1416H / April 1996