Lunes, Setyembre 23, 2013

KASAWIAN SA BAWAT ASAWA NA HINDI MAKATARUNGAN Sheikh Uthamin- tafsir ng Sura Al Mutaffiffin (chapter 83)

Sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala) sa pagkakasalin:

1(Kasawian) Matinding parusa at kapighatian sa Al Mutaffifin (yaong nandaraya sa sukat at timbang)
2 na mga yaong, kapag sila ay bumili sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay hinihingi para sa kanilang mga sarili bilang karapatan ang hustong timbang,
3 at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,
4 Hindi ba iniisip ng mga nandarayang ito na ang Allâh (subhanahu wa ta'ala) ay walang pag-aalinlangan na bubuhayin sila na mag-uli at huhukuman sa anuman na kanilang mga nagawa
5 sa Araw na napakatindi ang kalagiman nito?
6 Sa Araw na tatayo ang mga tao sa harapan ng Allâh (subhanahu wa ta'ala), na sila ay huhukuman, sa kaunti man o marami, at sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilikha.

Ayon kay Sheikh Uthamin, sa kanyang pagpapaliwanag sa Al-Mutaffifin (Kasawian) Ang katagang kasawian ay inulit sa Quran ng maraming beses at mula sa mas tamang pagpapaliwanag, ito ay nangangahulugan na ang katagang ito ay pagbabanta na ibinigay ni Allah (subhanahu wa ta'ala) para doon sa mga sumasalungat sa Kanyang mga ipinag-uutos o kaya naman ay gumagawa ng mga bagay na Kanyang ipinagbawal.

At ang pagbabawal ay binanggit matapos na sabihin ang pagbabanta. Kung gayon, sa ganitong sitwasyon ay sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala) : Kasawian sa mgaAl Mutaffifin

Sino nga ba ang mga Al Mutaffifin?


Ito ang mga Al Mutaffifin ayon sa pagkakapaliwanag sa ayah na nabanggit, sinabi Niya :

( mga yaong, kapag sila ay bumili sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay hinihingi para sa kanilang mga sarili bilang karapatan ang hustong timbang,)
(at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,)
(yaong kapag sila ay nakatanggap ng bagay na sinukat ay humihingi sila ng wastong timbang)

Ibig sabihin, kapag sila ay bumili sa mga tao ng mga bagay na tinitimbang ay idinidikta nila na ibigay sa kanila ang karapatan sa wastong timbang at tamang sukat na walang kahit anong bawas (at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,) At kapag sila naman ang magbibigay ng bagay na titimbangin ay kanila itong kinukulangan (at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito, Kung gayon, hinihingi nila ang lahat ng kanilang karapatan ngunit salat naman sila sa pagbibigay ng karapatan ng iba. Kaya't dalawang ugali ang kanilang pinagsama, ang kasakiman at kakuriputan. Sakim kapag hinihingi niya ang buo niyang karapatan, nang walang kulang at walang tawad, kakuriputan dahil hindi niya ibinibigay ng husto ang timbang na nararapat niyang ibigay. Ito ay isa lamang halimbawa na ibinigay ni Allah (subhanahu wa ta'ala) na may kaugnayan sa timbang at panukat. Kung gayon, io ay maaari ring gamitin sa lahat ng katulad nito . Kung gayon, ang lahat ng tao na humihingi ng buong karapatan nila kung ito ay dapat nilang tanggapin ngunit hindi naman nila ibinibigay ng buo ang mga karapatan na dapat nilang ibigay, at ito ang napapaloob sa mga ayah na ito.


Ang halimbawa nito ay ang asawang lalaki na nais ay ibigay sa kanya ng kanyang asawa ang LAHAT ng kanyang karapatan, na walang kulang at hindi niya pinalalampas ang anomang pagkukulang rito. Ngunit kapag oras na upang siya naman ang magbigay ng karapatan ng kanyang asawang babae ay wala siyang gana at hindi niya ibinibigay ang nakalaan para sa babae. At napakaraming reklamo tayong maririnig mula sa mga kababaihan tungkol sa asawa na ganito. Iligtas nawa tayo ni Allah (subhanahu wa ta'ala) mula sa ganitong sitwasyon.

Hanggang sa punto na ang karamihan sa mga lalaki ay hinihingi sa kanilang asawa ang lahat ng kanilang karapatan ngunit hindi naman nila magawa ang ganito sa kanilang asawa (hindi maibigay ang lahat) at mayroon pang posibilidad na ang lalaki ay nagkukulang kahit pa sa pangunahing karapatan ng babae tulad ng pagtustos at pakikipamuhay sa kanila ng maayos at ng may kabaitan.

Katotohanan, ang pang-aapi sa ibang tao ay higit pa sa pang-aapi sa sarili mula sa mga Karapatan ni Allah (subhanahu w ata'ala) dahil ang tao na inaapi ang kanyang sarili mula sa Karapatan ni Allah(subhanahu wa ta'ala) ay nakapailalim sa Habag ni Allah(subhanahu wa ta'ala) kung ito ay kasalanan o higit pa sa ishirk. Kung gugustuhin ni Allah (subhanahu wa ta'ala) na patawarin ang taong ito, o di kaya ay parusahan, Siya lamang ang makapagdedesisyon. Ngunit kung karapatan na ng tao ang nasasangkot ay kinakailangan na mayroong kabayaran na ibigay. At sa ganitong kadahilanan nga sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) sa kanyang mga Sahaba (radiyallahu anhum) kung sino ang itinuturing nilang tao na talunan. At sumagot sila na ang talunan ay ang tao na wala man lamang kayamanan o pag-aari.


Siya (salallahu alayhi wa salam) ay nagsabi: Katotohanan! ang taong talunan mula sa aking Ummah ay iyong darating sa Araw ng Paghuhukom na mayroong dala-dalang mabubuting gawa na singlaki ng isang bundok (ibig sabihin ay maraming nagawang mabuti) . Kaya siya ay darating dala ang mabubuting gawa na ito ngunit inapi niya ang taong ito, inabuso niya ang taong iyon, sinaktan niya ang taong iyon, kinuha niya ang kayamanan ng taong iyon. Kung gayon, ang mga tao na kanyang inapi ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa, ang tao na kanyang inabuso ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa, ang tao na kanyang sinaktan ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa, at ang taong kinuhanan niya ng kayamanan ay kukuha mula sa kanyang mabubuting gawa hanggang sa wala nang matira sa kanyang mabubuting gawa, at kung ito ay kulang pa upang mabayaran niya ang lahat ng kanyang mga ginawan ng kasamaan, ang mga kasalanan ng mga taong ito ay ipapatong sa kanya at siya ay itatapon sa apoy.

Kaya't ang payo ko sa mga walang gana at pabaya sa pagbibigay ng karapatan ng kanilang mga asawa ay MATAKOT SILA KAY ALLAH (subhanahu wa ta'ala) dahil ipinayo ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) sa pinakamalaking pagtitipon ng mga Muslim na nasaksihan sa kasaysayan ng Islaam noong siya ay nabubuhay pa, sa araw ng Arafat noong Huling Hajj niya ay kanyang sinabi:

Katakutan ninyo si Allah (subhanahu wa ta'ala) tungkol sa mga kababaihan, sapagkat sila ay ipinagkatiwala sa inyo ni Allah (subhanahu wa ta'ala) at pinahintulutan kayo na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kanila mula sa salita ni Allah (subhanahu wa ta'ala).

Dagdag pa rito, marahil ay makakakita kayo ng mga magulang na nagnanais na maibigay sa kanilang mga anak ang lahat ng kanilang mga karapatan sa abot ng kanilang makakaya. Kung kaya ninanais nila na ibigay sa kanila ng kanilang mga anak ang karangalan, salapi, kalusugan, at lahat na ng magsisilbing pagbibigay sa kanila ng karangalan bilang mga magulang, NGUNIT sila naman ay pabaya at kung minsan ay hindi pa nga naibibigay ang karapatan ng kanilang mga anak. Ang mga taong ganito ay Al Mutaf (iyong mga nagbibigay ng kulang sa timbang) Ang ama na nagnanais na bigyan siya ng parangal ng kanyang mga anak ngunit siya naman 
ay isang pabaya sa karapatan ng kaniyang mga anak, siya ay isang Al Mutaf (nagbibigay ng kulang sa timbang at bigat).

Alalahanin ninyo ang sinabi ni Allah (subhanahu wa ta'ala)

1(Kasawian) Matinding parusa at kapighatian sa Al Mutaffifun (yaong nandaraya sa sukat at timbang)
2 na mga yaong, kapag sila ay bumili sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay hinihingi para sa kanilang mga sarili bilang karapatan ang hustong timbang,
3 at kapag sila naman ang nagbenta sa mga tao ng bagay na sinusukat o di kaya ay tinitimbang ay binabawasan nila ang sukat at timbang nito,
4 Hindi ba iniisip ng mga nandarayang ito na ang Allâh (subhanahu wa ta'ala) ay walang pag-aalinlangan na bubuhayin sila na mag-uli at huhukuman sa anuman na kanilang mga nagawa
5 sa Araw na napakatindi ang kalagiman nito?
6 Sa Araw na tatayo ang mga tao sa harapan ng Allâh (subhanahu wa ta'ala), na sila ay huhukuman, sa kaunti man o marami, at sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilikha.

Translated by Rasheed Barbee
The following is a summary translation taken from http://www.ibnothaimeen.com/
http://mtws.posterous.com/woe-to-every-unjust-husband

Martes, Mayo 7, 2013

(DAAIYAAT) --ANG BABAENG NAG-AANYAYA TUNGO SA LANDAS NI ALLAAH (subhanahu wa ta'ala)

Bismillah walhamdulillah wassalatu wassslamu ala Rasoolillaah
'ama bad'

Imaam al-Albaanee – rahimahullaah :

At tungkol sa kumakalat na gawain dito Damascus sa kasalukuyan kung saan ang mga babae ay nagpaparoon at parito sa mga masjid sa nakatakdang panahon upang mag-aral mula sa isa sa kanila (i.e. babaeng katulad rin nila) na tinatawag ang kanilang mga sarili bilang mga (daaiyaat) , kung gayon ito ay mula sa mga imbentong bagay/gawain na hindi makikita sa panahon ni Propeta Muhammad (sallallaahu alayhi wa sallam) o sa panahon ng mga Salafus-Saalih. Sa halip, ang nararapat ay turuan sila ng matutuwid na Scholar sa isang itinakdang lugar katulad ng nasaad sa hadith, o kaya naman ay turuan sila kasabay ng mga lalaki , ngunit ihiwalay sila mula sa mga lalaki maging ito ay sa masjid. Kung hindi ganito ang sitwasyon, kung gayon ay malalamangan sila ng mga lalaki, at ang kaalaman ay hindi nila matatamo .

Kung kaya, kung mayroong makikita sa mga kababaihan ngayon na nagtataglay ng kaalaman at tamang pagkakaunawa na nagmula sa Qur'an at Sunnah, kung gayon ay walang suliranin kung siya ay magbibigay ng pribadong pag-aaral kasama ng mga kababaihan, sa loob ng kanyang tahanan o sa tahanan ng isa sa kanila, na higit na mainam para sa kan ilang lahat. Paanong hindi ganito ang dapat mangyari gayong sinabi ng Propeta Muhammad (sallallaahu alayhi wa sallam) patungkol sa pagsa-salah ng mga babae kasama ang jamaah...na "higit na mainam ang kanilang tahanan". Kaya't kung ganito ang sitwasyon sa usapin ng Salah o pagdarasal, kung saan kinakailangan ng babae ay sumunod sa kaasalan at tamang pagkilos , na hindi niya tinataglay at 
karaniwang isinasagawa sa labas ng pagdarasal, paano pa kaya kung sa paghahanap ng kaalaman? Lalo na kung ang isa sa kanila ay nagtataas ng boses at maaaring gumaya pa ang iba, at ang ganitong gawain ay tunay na hindi kaaya-aya, ang pag-iingay sa laoob ng masjid, at ganito ang nakalulungkot na karaniwang nangyayari sa ngayon.

Pagkatapos ay nasaksihan ko ang ganitong pangyayari, ang ganitong imbentong gawain sa lupaingaya ng Amman (Jordan) halimbawa. Humihiling tayo kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) upang iligtas tayo sa ganitong mga imbentong gawain.

DA'WAH O PULITIKA

Bismillah walhamdulillaah wassalatu wassalamu ala Rasoolillaah
'ama ba'd:

Tanong: Ano ba ang mainam na gawin : ang mag-anyaya patungo sa landas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) sa pamamagitan ng paglahok sa pulitika o ang pag-aanyaya gamit ang paraan ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam)?

Sagot mula sa Permanent Committee for Scholarly Research and 'Ifta:

Tungkulin mo na mag-anyaya tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) gamit ang Qur'an, Sunnah at pamamaraan na mismong si Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang nagturo sa Kanyang Propeta nang Kanyang sinabi:

Hikayatin mo, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam), ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo, ang mga tao tungo sa Relihiyon ng iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha at Matuwid Niyang Landas, sa pinakamagandang pamamaraan na ipinahayag ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) sa iyo sa Aklat at sa ‘Sunnah,’at makipag-usap ka sa mga tao sa pinakawastong pamamahayag, at payuhan mo sila ng pinakamagandang pagpapayo,
[Suran an-Nahl :125]


at:
Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (salallahu alayhi wa salam): “Ito ang aking pamamaraan, na ako ay nag-aanyaya tungo sa pagsamba sa Kaisahan ng Allâh (subhanahu wa ta'ala), na ako ay nakatitiyak sa katibayan mula sa Allâh (Ι), ako at ang sinumang susunod sa akin, at Luwalhati sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) na Napakadakila na malayung-malayo mula sa anumang kanilang sinasamba na itinatambal sa Kanya, at ako ay hindi kabilang sa mga naglalagay ng katambal sa pagsamba sa Kanya.”
[Surah Yusuf : 108]

At ipinaliwanag ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) ang tamang pagbibigay ng da'wah ng sabihin niya:

- فالأول: عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه قال: سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: "من رأى منكم منكرًا فليغيره بيده ، فإن لم يستطع فبلسانه، فإن لم يستطع فبقلبه وذلك أضعف الإيمان" ((رواه مسلم)).
"Sinoman, mula sa inyo, ang nakakita ng munkar ay pigilan niya ito ng kanyang kamay, at kung hindi niya kaya ay pigilan niya ito gamit ang kanyang bibig, at kung hindi niya kaya ay pigilan niya ito gamit ang kanyang puso, at ito ang pinakamababang antas ng eeman". [Rawahu Muslim]

Gayon rin naman bago niya ipinadala sa Yemen si Mu'adh ibn Jabal (radiyallahu anhu) ay sinabi niya :



حَدَّثَنَا أَبُو بَكْرِ بْنُ أَبِي شَيْبَةَ، وَأَبُو كُرَيْبٍ وَإِسْحَاقُ بْنُ إِبْرَاهِيمَ جَمِيعًا عَنْ وَكِيعٍ، - قَالَ أَبُو بَكْرٍ حَدَّثَنَا وَكِيعٌ، - عَنْ زَكَرِيَّاءَ بْنِ إِسْحَاقَ، قَالَ حَدَّثَنِي يَحْيَى بْنُ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ صَيْفِيٍّ، عَنْ أَبِي مَعْبَدٍ، عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ، عَنْ مُعَاذِ بْنِ جَبَلٍ، - قَالَ أَبُو بَكْرٍ رُبَّمَا قَالَ وَكِيعٌ عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ، أَنَّ مُعَاذًا، - قَالَ بَعَثَنِي رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ " إِنَّكَ تَأْتِي قَوْمًا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ . فَادْعُهُمْ إِلَى شَهَادَةِ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ اللَّهُ وَأَنِّي رَسُولُ اللَّهِ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَأَعْلِمْهُمْ أَنَّ اللَّهَ افْتَرَضَ عَلَيْهِمْ خَمْسَ صَلَوَاتٍ فِي كُلِّ يَوْمٍ وَلَيْلَةٍ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَأَعْلِمْهُمْ أَنَّ اللَّهَ افْتَرَضَ عَلَيْهِمْ صَدَقَةً تُؤْخَذُ مِنْ أَغْنِيَائِهِمْ فَتُرَدُّ فِي فُقَرَائِهِمْ فَإِنْ هُمْ أَطَاعُوا لِذَلِكَ فَإِيَّاكَ وَكَرَائِمَ أَمْوَالِهِمْ وَاتَّقِ دَعْوَةَ الْمَظْلُومِ فَإِنَّهُ لَيْسَ بَيْنَهَا وَبَيْنَ اللَّهِ حِجَابٌ " .
Matatagpuan mo ang iyong sarili sa piling ng mga hindi mananampalataya (Ahlul Kitab), una ay anyayahan mo sila sa Kaisahan ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) Tawheed, at pagsaksi na ako (Muhammad salallahu alayhi wa salam) ay Sugo ni Allaah ; at kapag tinanggap nila ito, sabihin mo na nagtakda si Allaah (subhanahu wa ta'ala) ng limang beses na pagdarasal sa araw at gabi; at kapag tinanggap nila ito, sabihin mo na ang Zakat ay ginawang obligado para sa mayayaman upang maipamahagi sa mga mahihirap; at kapag sumang-ayon sila, huwag kang mamili ng pinakamainam mula sa kanilang kayamanan. Mag-ingat kayo mula sa panalangin ng isang naaapi sapagkat walang lambong/harang sa pagitan niya at ng kanyang Tagapaglikha/Allaah (subhanahu wa ta'ala).
[Al-Bukhari at Muslim]


Sa Hadith na isinalaysay ni Sahl ibn Sa'd (radiyallahu anhu) , sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) kay Ali (radiyallahu anhu) nang ibigay niya ang utos sa Labanan sa Khaybar:

حَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ بْنُ سَعِيدٍ، حَدَّثَنَا عَبْدُ الْعَزِيزِ، - يَعْنِي ابْنَ أَبِي حَازِمٍ - عَنْ أَبِي، حَازِمٍ عَنْ سَهْلٍ، ح وَحَدَّثَنَا قُتَيْبَةُ بْنُ سَعِيدٍ، - وَاللَّفْظُ هَذَا - حَدَّثَنَا يَعْقُوبُ، - يَعْنِي ابْنَ عَبْدِ الرَّحْمَنِ - عَنْ أَبِي حَازِمٍ، أَخْبَرَنِي سَهْلُ بْنُ سَعْدٍ، أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم قَالَ يَوْمَ خَيْبَرَ " لأُعْطِيَنَّ هَذِهِ الرَّايَةَ رَجُلاً يَفْتَحُ اللَّهُ عَلَى يَدَيْهِ يُحِبُّ اللَّهَ وَرَسُولَهُ وَيُحِبُّهُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ " . قَالَ فَبَاتَ النَّاسُ يَدُوكُونَ لَيْلَتَهُمْ أَيُّهُمْ يُعْطَاهَا - قَالَ - فَلَمَّا أَصْبَحَ النَّاسُ غَدَوْا عَلَى رَسُولِ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم كُلُّهُمْ يَرْجُونَ أَنْ يُعْطَاهَا فَقَالَ " أَيْنَ عَلِيُّ بْنُ أَبِي طَالِبٍ " . فَقَالُوا هُوَ يَا رَسُولَ اللَّهِ يَشْتَكِي عَيْنَيْهِ - قَالَ - فَأَرْسَلُوا إِلَيْهِ فَأُتِيَ بِهِ فَبَصَقَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم فِي عَيْنَيْهِ وَدَعَا لَهُ فَبَرَأَ حَتَّى كَأَنْ لَمْ يَكُنْ بِهِ وَجَعٌ فَأَعْطَاهُ الرَّايَةَ فَقَالَ عَلِيٌّ يَا رَسُولَ اللَّهِ أُقَاتِلُهُمْ حَتَّى يَكُونُوا مِثْلَنَا . فَقَالَ " انْفُذْ عَلَى رِسْلِكَ حَتَّى تَنْزِلَ بِسَاحَتِهِمْ ثُمَّ ادْعُهُمْ إِلَى الإِسْلاَمِ وَأَخْبِرْهُمْ بِمَا يَجِبُ عَلَيْهِمْ مِنْ حَقِّ اللَّهِ فِيهِ فَوَاللَّهِ لأَنْ يَهْدِيَ اللَّهُ بِكَ رَجُلاً وَاحِدًا خَيْرٌ لَكَ مِنْ أَنْ يَكُونَ لَكَ حُمْرُ ...
Sumulong kayo hanggang marating ninyo ang kanilang teritoryo ; pagkatapos, anyayahan ninyo sila sa Islam at ipaalam ninyo sa kanila kung ano ang obligasyon nila mula sa mga Karapatan ni Allah (subhanahu wa ta'ala) , sapagka't sumpa man kay Allaah! Kapag mayroong isang tao na ginabayan si Allaah (subhanahu wa ta'ala) sa pamamagitan ninyo, ito ay higit na mas mainam kumpara sa pagmamay-ari ninyo ng pulang kamelyo.
[Al-Bukhari at Muslim]


Ang Propeta (salallahu alayhi wa salam) ay nagpadala ng sugo sa mga Hari sa kalapit na kaharian upang imbitahan sila na yumakap sa Islaam at utusan na si Allaah (subhanahu wa ta'ala) lamang ang nararapat sambahin. Binanggit niya sa mga tao /Ahlul Kitab:

“Halina sa makatarungan at makatotohanang salita, at tayong lahat ay sumunod at manatili rito (sa makatarungan at makatotohanang salita na ito): ito ay ang pagturing natin sa pagiging bukod-tangi ng Allâh (subhanahu wa ta'ala) sa pagsamba sa Kanya, na hindi tayo gagawa ng anumang pagtatambal sa Kanya, na tulad ng mga imahen, rebulto o di kaya ay krusipiho o anumang uri ng sinasamba bukod sa Kanya; at hindi tayo susunod sa ibang batas o kagustuhan ng sinuman sa atin maliban sa kautusan ng Allâh (subhanahu wa ta'ala).”
[Surah Al-Imran :64]

Pinangakuan niya sila ng dalawang ulit na gantimpala kung sila ay tutugon sa kanyang panawagan at nagbanta siya ng hindi magandang wakas ng kanilang mga kasalanan at nang kasalanan ng kanilang lipunan kung sila ay tatangggi sa kanyang ipinag-aanyaya. Karagdagan pa, siya (Propeta salallahu alayhi wa salam) ay nag-anyaya sa Islam sa pamamagitan ng kanyang kilos at pag-uugali. Siya ang pinakaperpektong halimbawa ng Tawheed at ng pagsamba. Siya ang may pinakamataas na moral ayon sa kanyang talambuhay pagdating sa pakikisalamuha sa tao, kung saan hindi siya nabagot o naghiganti kailanman kung ang sala ay sa kanyang sarili, ngunit siya ay nagagalit kapag ang Karapatan ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang nilabag. Siya ay katulad ng pagkakalarawan sa kanya ni Allaah(subhanahu wa ta'ala) sa Qur'an:


...at siya ay maawain, ubod ng buti at mapagmahal sa mga mananampalataya.
[Surah at-Tawbah :128]

at:
At katiyakang ikaw, O Muhammad, ay nasa pinakadakilang pag-uugali
[Surah al-Qalam : 4]

Kalakip ng kanyang mga paliwanag sa paraan ng pagbibigay ng Da'wah, ito ang pamamaraan ng isang nagabayan , matalino at may awa na nagmula mismo kay Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam). Ang mga Du'at ng bawat grupo sa Islam ay ito ang nararapat na gayahin at sundin; ang pamamaraan na may karunungan at pantay na pangangaral at mahusay na pakikipagtalastasan , ang kausapin ang bawat isa ayon sa kayang estado at sa paraan na mauunawaan niya, marahil ay igagawad ni Allaah (subahanhu wa ta'ala) ang tagumpay sa pamamagitan ng Du'at na ito. Maaaring ituon Niya ang palaso sa puso ng mga kaaway .Sapagkat Siya ang tanging Nag-iisang tumutugon sa ating mga Panalangin.

Miyerkules, Abril 17, 2013

JIHAD : PAGSUSUMIKAP LABAN SA SARILI

Bismillaah wa Alhamdulillaah wassalatu wassalamu ala Rasoolillaah
'amma ba'd:

ANG JIHAD o pakikipaglaban sa sarili ay mayroong apat na yugto;

1.Ang pagsisikap na matuto ng gabay at katotohanan sa relihiyon, na kung hindi makakamit ay walang pagtatagumpay. Katotohanan, walang tunay na kaligayahan , o pagkalugod sa mundong ito at sa Kabilangbuhay , maliban sa pagkakatuto ng tungkol sa relihiyon.

2.Ang pagsusumikap na isagawa at ipamuhay ang lahat ng natutunan, sapagkat ang kaalaman na hindi isinabuhay ay walang halaga, bagkus ito ay makapipinsala lamang.

3.Ang pagsisikap na ipag-anyaya ito sa iba at ang pagtuturo sa kanila ng mga wala silang kaalaman. Sapagkat kung hindi ito gagawin ay mapapabilang siya sa kanila na nagtatago ng kaalaman . Mga nagtatago ng katotohanan at gabay na nagmula kay Allaah (subhanahu wa ta'ala) . Ang kaalaman na ito ay hindi pakikinbangan at lalong hindi makasasagip sa tao sa kaparusahan.

4.Ang pagsisikap at pagtitiyaga laban sa mga kumakalaban sa Dawah na ito, sa pagtawag tungo sa Landas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala), at laban sa kanila na nagnanais lamang makapinsala --pagtitiyaga sa lahat ng paghihirap na ito alang-alang lamang kay Allaah (subhanahu wa ta'ala).

Kapag ang apat na yugtong ito ay napagtagumpayan ng isang tao, kung gayon ay maibibilang na siya sa mga RABBANIYYUN.

Ang mga Salaf ay nagkakaisa na ang isang Iskolar ay hindi dapat tawagin na Rabbaniyyun kung hindi niya kayang piliin at kilalanin ang katotohanan, ang isabuhay ito, at ituro sa iba. 
Kaya't kung sinoman ang may kaalaman, isinasabuhay niya ito, at itinuturo sa iba ang kaalaman na ito, siya ay RABBANIYYUN!  
[Zâdul-Ma’âd fi Hadî Khayril-’Ibâd (pp.9-11)]

Source : Purification of the Souls: Fawaa’id – Points of Benefit , By the Imâm – the Shaykh of Islâm – Ibn al-Qayyim al-Jawziyyah Al-Ibaanah Magazine , Issue No.3 – Dhul-Qa’dah 1416H / April 1996


Martes, Abril 9, 2013

ILANG PAGKAKATAON NA PINAPAYAGAN ANG PANINIRANG-PURI

بسم الله الرحمن الرحيم

اعلم أن الغيبة تباح لغرض صحيح شرعي لا يمكن الوصول إليه إلا بها وهو ستة أسباب :
الأول التظلم فيجوز للمظلوم أن يتظلم إلى السلطان والقاضي وغيرهما ممن له ولاية أو قدرة على إنصافه من ظالمه فيقول : ظلمني فلان بكذا
الثاني الاستعانة على تغيير المنكر ورد العاصي إلى الصواب فيقول لمن يرجو قدرته على إزالة المنكر : فلان يعمل كذا فازجره عنه ونحو ذلك ويكون مقصوده التوصل إلى إزالة المنكر فإن لم يقصد ذلك كان حراما
الثالث الاستفتاء فيقول للمفتي : ظلمني أبي أو أخي أو زوجي أو فلان بكذا فهل له ذلك ؟ وما طريقي في الخلاص منه وتحصيل حقي ودفع الظلم ؟ ونحو ذلك فهذا جائز للحاجة ولكن الأحوط والأفضل أن يقول : ما تقول في رجل أو شخص أو زوج كان من أمره كذا ؟ فإنه يحصل به الغرض من غير تعيين ومع ذلك فالتعيين جائز كما سنذكره في حديث هند ( انظر الحديث رقم 1532 ) إن شاء الله تعالى
الرابع تحذير المسلمين من الشر ونصيحتهم وذلك من وجوه منها جرح المجروحين من الرواة والشهود وذلك جائز بإجماع المسلمين بل واجب للحاجة . ومنها المشاورة في مصاهرة إنسان أو مشاركته أو إيداعه أو معاملته أو غير ذلك أو مجاورته ويجب على المشاور أن لا يخفي حاله بل يذكر المساوئ التي فيه بنية النصيحة . ومنها إذا رأى متفقها يتردد إلى مبتدع أو فاسق يأخذ عنه العلم وخاف أن يتضرر المتفقه بذلك فعليه نصيحته ببيان حاله بشرط أن يقصد النصيحة وهذا مما يغلط فيه وقد يحمل المتكلم بذلك الحسد ويلبس الشيطان عليه ذلك ويخيل إليه أنه نصيحة فليتفطن لذلك . ومنها أن يكون له ولاية لا يقوم بها على وجهها إما بأن لا يكون صالحا لها وإما بأن يكون فاسقا أو مغفلا ونحو ذلك فيجب ذكر ذلك لمن له عليه ولاية عامة ليزيله ويولي من يصلح أو يعلم ذلك منه ليعامله بمقتضى حاله ولا يغتر به وأن يسعى في أن يحثه على الاستقامة أو يستبدل به
الخامس أن يكون مجاهرا بفسقه أو بدعته كالمجاهر بشرب الخمر ومصادرة الناس وأخذ المكس وجباية الأموال ظلما وتولي الأمور الباطلة فيجوز ذكره بما يجاهر به ويحرم ذكره بغيره من العيوب إلا أن يكون لجوازه سبب آخر مما ذكرناه
السادس التعريف فإذا كان الإنسان معروفا بلقب كالأعمش والأعرج والأصم والأعمى والأحول وغيرهم جاز تعريفهم بذلك ويحرم إطلاقه على جهة التنقص ولو أمكن تعريفه بغير ذلك كان أولى

Ang paninirang-puri ay pinapayagan lamang ayon sa mga pagkakataon na itinakda ng Batas (Shari'a). At ito ay ang mga sumusunod;

1.Ipinahihintulot para sa isang tao na 'inapi', na sabihin sa husgado o sa kanino man na nasa kaparehong posisyon ang mga ginawang hindi mabuti sa kanya upang mapagtibay ang kanyang reklamo. Halimbawa ay "si ganoon at ganito ay ganito ang ginawa sa akin".

2. Ipinahihintulot rin na humingi ng tulong sa iba kung nagnanais na pigilan ang isang masama/imoral na gawain ng isang tao. Maaari niyang sabihin sa tao na makatutulong sa kanya "si fulan ay gumawa ng ganoon at ganitong masamang gawain'.Maaari ninyo ba siyang kastiguhin?". Ipinahihintulot ang ganito kung ang intensiyon ay mapigil ang kasamaan. Ngunit kung maliban dito ang intensiyon ng tao, ito ay pumapasok sa mga hindi pinahihintulutan na gawain.


3. Ang isang humihingi ng legal na batas/paghuhukom ay maaaring isalaysay ang kapintasan ng isang tao o di kaya ay isalaysay ang hindi magandang pangyayari.
Halimbawa : "Ang aking ama o aking kapatid ay minaltrato ako. Paano ko makukuha ang aking karapatan?.
[Maaari niya itong sabihin sa Mufti] Ngunit mas mainam kung sabihin na lamang niya ang ganito : " Ano ang masasabi mo kapag ang isang tao ay ganito at ganyan ang ginawa?".
Subalit hindi rin naman nangangahulugan na ang pagbanggit sa pangalan ng taong inirereklamo ay hindi pinahihintulutan.

4.Ang isang tumutuligsa sa hayagang masamang gawain ng tao tulad ng pag-inom ng alak, pagsusugal, pagkakaroon ng ugnayan sa mga imoral na gawain, pangangalunya, pagkukunwari, at pagpapalaganap ng kasamaan, ang taong ito ay pinahihintulutan na magsabi ng paninirang-puri.

5.Pinahihintulutan rin na tanungin ang pagkatao ng isang nagsasalaysay ng Hadith upang malaman kung siya ba ay mapagkakatiwalaan.

6.Ang mga hindi kaaya-ayang katangian ng isang tao ay maaari ring sabihin kung ito ay ipagtatanong ng isang taong gustong magpakasal sa kanya.

7. Ang mga naghahanap ng kaalaman ay maaari ring balaan o ipahayag sa kanila ang katangian ng kanilang pinagkukuhanan ng kaalaman. Ito ay upang mabatid nila kung ang kanilang pinagkukuhanan ng kaalaman ay kabilang sa mga Mubtadi o naggagawa ng bid'a sa relihiyon.

8.Maaari ring gamitin ang kunya o palayaw ng isang tao kung saan mas higit siyang kilala, ito ay hindi upang ipahiya siya , sa halip ay upang madali siyang makilala.


sinipi mula sa : 
رياض الصالحين من كلام سيد المرسلين
[pagpapaliwanag ni Shaykh An-Nawawi]

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!

GHIBAH ! GHIBAH! GHIBAH!

Bismillah Ar-Rahman Ar-Raheem

قال الله تعالى ( الحجرات 12 ) : { ولا يغتب بعضكم بعضا أيحب أحدكم أن يأكل لحم أخيه ميتا فكرهتموه واتقوا الله إن الله تواب رحيم }
O kayong mga naniwala sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) at sa Kanyang Sugo at sumunod ng Kanyang gabay! Iwasan ninyo ang karamihan sa mga haka-haka na masasama laban sa mga mananampalataya; dahil ang ibang haka-haka ay kasalanan. At huwag magmanman, at huwag ninyong matahin ang dangal ng mga Muslim o magsiraan sa isa’t-isa, at huwag banggitin ng iba sa inyo sa iba nang palihim ang anuman na hindi niya nagugustuhan. Dahil nais ba ng isa sa inyo na pakainin siya ng kanyang kapatid ng patay na laman ng kanyang kapatid? At kayo mismo ay kinamumuhian ninyo ito, na kung kaya, kamuhian ninyo ang paninirang-puri sa kanya at matakot kayo sa Allâh (subhanahu wa ta'ala) sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal.
[Suratul Hujurat :12]

Isang napakalinaw na BABALA para sa LAHAT NG MANANAMPALATAYA!!!!!!

SUBALIT.......

Tila ba napakahirap iwasan ang gawaing ito. Tila ba napakasarap gawing 'pulutan' ang buhay ng ibang tao. Na hindi pa sapat ang ayah sa itaas upang mapaglimi natin kung gaano kalaki ang pinsala na maidudulot nito hindi lamang sa tao na ating pinag-uusapan kundi higit sa ating sarili.

- وعن أبي هريرة رضي الله عنه أنه سمع النبي صلى الله عليه و سلم يقول : [ إن العبد ليتكلم بالكلمة ما يتبين فيها يزل بها إلى النار أبعد مما ومعنى [ يتبين ] يتفكر أنها خير أم لا
Iniulat ni Abu Hurayrah (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) :" Mayroong mga tao na hindi iniisip kung ano ang kanilang sinasabi at ito ang dahilan upang mapunta siya sa ilalim ng Impierno na ang kalaliman ay katulad ng pagitan ng Silangan at Kanluran.

[Al-Bukhari and Muslim]

Kung ang PAKIKINIG SA GHIBAH ay MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL;

قال الله تعالى ( القصص 55 ) : { وإذا سمعوا اللغو أعرضوا عنه }
At kapag nakarinig sila ng mahalay na salita ay lumalayo sila mula rito at hindi nila ito pinagtutuunan ng pansin.
[Surah Al-Qasas :55]

وقال تعالى ( المؤمنون 3 ) : { والذين هم عن اللغو معرضون }
At mga yaong iniiwasan nila ang lahat ng mga walang kabuluhan na salita at gawa.
[sURAH Al-Mu'minun :3]

SAPAGKA'T....

وقال تعالى ( الإسراء 36 ) : { إن السمع والبصر والفؤاد كل أولئك كان عنه مسئولا }
Katiyakan, ang tao ay mananagot sa anuman na ginamitan niya ng kanyang pandinig, paningin at puso...
[Surah Al-Isra : 36]

At para sa mga tao na iniiwasan ang anomang ipinagbawal sa kanila, at sumusunod sa anomang ipinag-utos....Katotohanan! 

GANTIMPALA ANG NAKALAAN PARA SA KANILA..

وعن أبي الدرداء رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه و سلم قال : [ من رد عن عرض أخيه رد الله عن وجهه النار يوم القيامة ] رواه الترمذي وقال حديث حسن
Isinalaysay ni Abud-Darda (radiyallahu anhu) na sinabi ni Propeta Muhammad (salallahu alayhi wa salam) :" Ang sinoman na ipgatanggol ang dangal ng kanyang kapatid (Muslim) , ililigtas ni Allaah (subhanahu wa ta'ala) ang kanyang mukha mula sa Apoy ng Impierno".
[At-Tirmidhi]

Kaya kapag nakarinig kayo na sinisiraan ang kapatid ninyong Muslim, kinakailangan na ipagtanggol ninyo siya at sabihin na mali ang kanilang mga paratang at siya ay malaya sa anomang inaakusa/ipinupula sa kanya.


Assalamu alaykum wa rahmtullahi wa barakatuhu!

Martes, Abril 2, 2013

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA IYO...KAPATID KONG MUSLIMAH NA BIGO SA BUHAY MAY-ASAWA.....

Maaaring hindi kita kilala. Hindi ko alam ang pangalan mo, saan ka nagmula, o saan ka nakatira. Iisa lang ang alam ko, at yun ay ang pinagdaraanan mo ngayon.

Ganyan rin ako noon. Alam ko na gusto mo lang maging maligaya. Gusto mo lang na ang kasal mo, ang iyong asawa, ang iyong pamumuhay ay maging....mas maayos. Mas masaya. Mas madali.

Alam kong pagod ka nang maging malungkot. Pagod ka na sa pagiging bigo. Pagod ka na sa pag-aayos ng lahat. Pagod ka na sa patuloy na pag-asam. Pagod ka na na pigilan ang sarili mo na pangalagaan ang iba.

Alam ko na minsan ay napapatingala ka at nagtataka sabay tanong nang "Ano ang nangyari sa dating AKO?". Nagpakababa ka na, inabuso, at mas marami ka pang naibigay kumpara sa iyong natanggap. Minsan napapatanong ka rin, "Ano pa ang ginagawa ko rito?" , "Ano ang dahilan at nagtitiis ako?", "Siguro ay mas mabuting kung/ halimbawa/ doon...".

Alam kong pakiramdam mo ay hindi ka napapansin at hindi tanggap ang iyong mga sakripisyo. Hindi mo kayang alisin ang sakit ng ulo, namumugto na ang iyong mga mata, kailangan mo nang magpagupit ng buhok, ang iyong mga kamay ay magaspang, masakit ang iyong mga kasu-kasuan, bitak-bitak ang iyong mga paa, at higit sa lahat...ang puso mo ay hungkag...wala nang nadarama.

Pero alam mo ba? Maaayos rin ang lahat, insha'Allah!

Alam mo ba kung paano nagsimula na ikumpara mo ang iyong sarili sa kung ano ka noon at ano ka ngayon? Nagtataka ka kung bakit mas masaya ka noon, bakit mas ramdam mo ang Iman noon? Nagtataka ka.." Ano ang nangyari?", Ano ang nagbago?". Oo, nagbago na ang iyong sitwasyon...ngayon meron ka nang...mga usapin na dati ay wala, atbp....ngunit..NAGBAGO KA RIN. Pinabayaan mo na ang mga 
pangyayari ang magdesisyon kung dapat ka bang maging masaya o hindi.

At kapag patuloy mong ginawa iyan, para ka lamang ferris wheel na paikot-ikot, pataas-pababa, dahil ganyan ang buhay eh. Ngunit ayokong manatili kang ganyan. Gusto kong marating mo ang lugar kung saan pwede mong sabihin na, "Alam mo, maayos naman ang lahat eh", walang saysay ang pakikipag-argumento, ang sakit, ang luha, at ang magulong pag-iisip".

Iniisip natin na ang kaligayahan ay palaging kung saan at papaano. Iniisip natin na ang kaligayahan ay matatagpuan sa labas ng ating pagkatao...labas sa sitwasyon na ating kinasasadlakan ngayon. Pero hindi totoo yan. Ang kaligayahan mo ay nakasalalay sa'yo.

Maaari kang "mamili" ng kaligayahan. Hindi mo kailangang maghintay na may isang tao o bagay na dumating uoang maging maligaya ka lamang. Sa halip na maghintay ka sa isang malaking pagbabago na magaganap at na magdadala ng tuwa at magbibigay ng liwanag sa iyong buhay, bigyan mo ng pansin ang maliliit na patak ng kaligayahan na nangyayari sa iyong kapaligiran sa araw-araw.

Maaaring hindi nga umayon sa gusto mo ang mga pangyayari. At kung mangyari yun, umasa ka na panandalian lamang ang lahat. Ganyan talaga ang buhay. At ayos lang naman ang ganoon. Minsan nasa taas tayo, minsan naman ay sadsad sa lupa. Ang maganda lang kapag sadsad ka na sa lupa, ipinapaalala nito sa iyo na kailangn mong magdahan-dahan. Kailangan mong MAGDASAL. Maging MAPAGPASALAMAT. Makaramdam ng simpatiya sa mga mas mababa pa ang kalagayan kumpara sa iyo, sa mga wala nang kung anong mayroon ka.

Katulad nang nabasa ko noong isang araw.."Kapag dulo na lamang ng lubid ang maaari mong hawakan, ibuhol mo ito at kumapit ka nang mabuti". At yan ang dapat nating gawin kung minsan.

ANG PATULOY NA KUMAPIT AT MAKIPAGLABAN.......

[Andrea Umm Abdullah at Umm Zahrah]
Umm Ayah

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu!